malaking titik at nagtatapos sa isang bantas. Halimbawa: 1. Hihingi po ako ng tawad kay Arnold. 2. May maitutulong ba ako sa iyo? 3. Pakikuha naman ng aking aklat sa lamesa. 4. Pumunta ka sa palengke. 5. Hinto! MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT MGA URI AYON SA GAMIT • PASALAYSAY O PATUROL – pangungusap na nagsasalaysay o nagbibigay ng impormasyon, naglalarawan, o nagpapaliwanag ng tungkol sa isang paksa. Ito ay nagtatapos sa tuldok. (.) Halimbawa: 1. Mabilis na lumapit ang guro sa nagsalita. 2. Unti-unting tumulo ang luha ni Prince. 3. Pinuri sila ng kanilang punongguro. 4. Hiyang-hiya siya sa kanyang ginawa. 5.Pinalabas ng guro ang mga mag- aaral. MGA URI AYON SA GAMIT •PATANONG – pangungusap na nag- uusisa. Gumagamit ng bantas na tandang pananong. (?) Halimbawa: 1. Ano ang nangyari sa inyo? 2. Sino ang nanalo sa patimpalak? 3. Kailan ka pupunta sa palengke? 4. Bakit ka malungkot? 5. Saan matatagpuan ang inyong silid aklatan? Rubrics Pamantayan Puntos
Ang pangkat ay may
Pagkakaisa pagkakaisa sa 2 paggawa. Ang pangkat ay Katahimikan gumagawa ng tahimik. 2 Wasto ang Kawastuhan pagkakagawa ng mga 2 pangungusap. Ang pagkakagawa ng Kalinisan pangkat ay malinis at 2 maayos. Natapos sa oras ang Nasa Oras pangkatang gawain. 2 KABUUAN 10 Mga Katanungan
* Ano ang pangungusap
na paturol o pasalaysay? *Ano ang dapat tandaan sa pangungusap na paturol o pasalaysay? •Ano ang pangungusap na patanong? •Ano ang dapat tandaan sa pangungusap na patanong? Maikling Pagsusulit • Panuto: Tukuyin ang pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay Paturol o Pasalaysay, malungkot na mukha kung ang pangungusap ay Patanong. _____ 1. Iwasan ang paglait sa kapwa. _____ 2. Ang maliliit ba ay hindi nakapupuwing? _____ 3. Igalang natin ang karapatan ng bawat isa. _____ 4. Mayroon ba siyang paninindigan sa kanyang mga pahayag? _____ 5. Maaari bang sabihin mo ang kanyang talambuhay? _____ 6. Matamis ang bunga ng aming mangga. _____ 7. Maagang natulog si Prince dahil may pasok bukas. _____ 8. Saan kaya ako naroroon? _____ 9. Kailan sisimulan ang ating bagong silid-aralan? _____ 10. Masaya kaming namasyal ng aking pamilya kahapon. __ 1. Iwasan ang paglait sa kapwa. __ 2. Ang maliliit ba ay hindi nakapupuwing? __ 3. Igalang natin ang karapatan ng bawat isa. __ 4. Mayroon ba siyang paninindigan sa kanyang mga pahayag? __ 5. Maaari bang sabihin mo ang kanyang talambuhay? __ 6. Matamis ang bunga ng aming mangga. __ 7. Maagang natulog si Prince dahil may pasok bukas. __ 8. Saan kaya ako naroroon? __ 9. Kailan sisimulan ang ating bagong silid-aralan? __ 10. Masaya kaming namasyal ng aking pamilya kahapon. Takdang Aralin
• Gumupit ng limang larawan. Idikit ito sa inyong kwaderno. Mula sa mga larawang ito, gumawa ng tig-dalawang pangungusap.