Talaan NG Puhunan at Gastos

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Talaan ng Puhunan at

Gastos
BALIK-ARAL

•Ano-ano ang mga paraan ng


pagbebenta ng halaman?
Nasubukan na ba ninyo
na bumili at magbenta?
• Matapos nating napag-aralan nang
matagumpay ang pagsasapamilihan ng
mga halamang ornamental, ngayon naman
ay gagawa tayo ng talaan ng puhunan at
gastos.

• PANGKATAN
Gumawa ng talaan ng puhunan at gastos
ng mga halaman
Sa ginanap na Plant Festival, nakabenta si Lila ng dalawang bonsai na
nagkakahalaga ng P2,500 ; isang dosenang calla lily na nagkakahalaga nang
P2,500, at isang pasong orchids na may kabuuang halaga na P350. Pagkatapos
ng Festival, nalaman niya na gumastos pala siya nang P500 para sa abono; P450
para sa renta sa booth; at P1,000 sa iba pa niyang kailangan sa pagbebenta.

1. Magkano ang lahat ng kanyang nagastos?

A. Magkano ang nabenta niyang bonsai? _____

B. Magkano ang nabenta niyang calla lily?______

C. Magkano ang nabenta niyang orchids?________

2. Magkano ang total niyang nabentang produkto? _______

3. Magkano ang kanyang Netong Tubo o Kita? _____


Sa talaan ng puhunanan at ginastos,
dito malalaman ng isang negosyante
kung saan siya kumita o nalugi. Sa
paghahalaman, kailangan marunong
magkuwenta o magtuos. Ganito ang
payak na pagtutuos ng kita sa
paghahalaman. Itala ang halaga ng
pinagbilhan. Ibawas ang mga
pinagkagastusan. Ang natirang
halaga ay kita.
Narito ang payak na talaan ng puhunan, ginastos at kita/tubo
Talaan ng gastusin
Halaga ng panamin 3,000
Halaga ng pataba, pamataykulisap at peste 1,500
Bayad sa serbisyo o paglilingkod 1,500
Iba pang gastusin 600
Php 6,600
Halaga ng pinagbilhan
93 pirasong kalabasa 4,720
85 pirasong patola 4,250
70 pirasong upo 2,800
Php 11,700

Halaga ng pinagbilihan 11,700


Halaga ng gastusin 6,600
NETONG Kita at tubo Php 5,100
Bakit kaya magkakaiba ang
presyo ng mga halamang
ornamental sa ibat –ibang
tindahan?
Kung ikaw ay magkakaroon
ng tindahan ng halamang
ornamental, paano mo
prepresyuhan ang mga tinda
mong halaman?
Bakit mahalaga ang
paggawa ng talaan ang
puhunan at gastos?
Sa ginanap na Plant Festival, nakabenta
si Basha ng limang bonsai na
nagkakahalaga ng P 750 bawat isa; pitong
pirasong calla lily na nagkakahalaga nang
P450 bawat piraso at tatlong pasong
orchids na may kabuuang halaga na
P1,050. Pagkatapos ng Festival, nalaman
niya na gumastos pala siya nang P850
para sa abono; P500 para sa renta sa
booth; at P1,700 sa iba pa niyang
kailangan sa pagbebenta.

You might also like