Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon Sa Kolehiyo
Komunikasyon Sa Kolehiyo
Maraming modelo ng komunikasyon, ngunit narito ang tipikal na ilustrasyong makikita sa ibaba na
tumuturol sa tagapaghatid, tagatanggap, mensahe, tsanel at balik-tugon.
Tagapagha Tagatangg
Mensahe Tsanel
tid ap
Balik-
Tugon
Tagapaghatid. Nagsisimula ang proseso
ng komunikasyon sa kung ano ang nais
ipahatid na mensahe ng tagahatid na
sumasailalim sa malalimang pag-iisip sa
bawat detalye na partikular na paksa.
Tinatawag din siya bilang communicator
o source.
Mensahe. Ito ay naglalaman ng opinyon,
kaisipan at damdamin na karaniwang
nakabatay sa paniniwala at kaalaman
ng ng tagahatid patungong
tagatanggap upang magkaroon ng
komunikasyon.
Tsanel. Mayroong dalawang anyo ang tsanel
upang maipahayag at maihatid ang naturang
mensahe. Ang una ay pandama (sensory)
tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pakiramdam; at Institusyunal
(institutionalized) na tuwirang sabi o pakikipag-
usap, sulat at kagamitang elektroniko.
Tagatanggap. Ang nagbibigay ng
kahulugan sa naturang mensaheng
inihatid ng tagapaghatid na tumutugon
sa mensaheng natanggap. Mayroong
tatlong antas ang tagatanggap,
Pagkilala, Pagtanggap at Pagkilos.
Balik-tugon.
Hindi magiging
matagumpay ang komunikasyon kung
walang tugon sa bawat mensahe. Dito rin
makikita ang kabisaan ng paghahatid ng
mensahe dahil ito ang magiging batayan
ng susunod na siklo ng komunikasyon.
Dalawang uri ng Komunikasyon