pagsasama-sama ng tunog at impit upang makabuo ng titik, kasunod ng salita. Ayon sa mga nag-aaral ng antropolohiya at sosyolohiya, ang wika ay bahagi ng isang kultura. Ito ay kaluluwa---buhay, nagbabago, at humihinga.
Ngunit para sa iyo na gumagamit ng wika, paano mo ito
bibigyang kahulugan? Ang konseptong pangwika ay isang napakalawak at masalimuot na paksa. Ngunit, maaari nating ituon ang ating paksa sa wika bilang bahagi ng ating kultura at kabuluhan at gamit nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa konsepto ng wika higit pa sa bilang at salita ang sinasaklaw nito sapagkat maging ang damdamin ng kaluluwa, pahiwatig o senyas ay itinuturing na wika.
Ayon kay Zeus Salazar (1982), ang kaluluwa ay
tumutukoy sa buong pagkatao, itinuturing itong pinakabuod ng isang tao. Samakatuwid, ang kaluluwa ay wala sa labas, ito’y nasa kalooban ng isang tao. Sa pamamagitan ng wika na naipakikita sa labas, nadadamitan ng wika ang ating kaluluwa at pagkatao. Sa tuwing ika’y may problema at hindi mo masabi sa iyong kaibigan, paano mo sinasagot ang tanong na “Ano ba ang problema mo?” hindi ba sasabihin mong “Wala’yun personal kasi.”
Kapag nagpasalamat ang iyong kapitbahay sa pagtulong
mo sa kaniya, hindi ba’t babanggitin niyang “Salamat, ikaw pa ang personal na nagdala.” Ilan lamang ito sa pagpapakahulugan na ang ibig sabihin ng “personal”ay ang iyong sarili o kaakuhan. Tulad ng mga personal na sikreto at personal na gusto, tanging ang iyong sarili lamang ang nakakaalam. Ang personal ay mula sa salitang personalidad. Nabubuo ang personalidad ng tao habang siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon sa sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga pangunahing teorya kabilang ang pag-uugali, psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolusyon at perspektibo sa kaalamang panlipunan. Ayon sa mga sikolohistang sina Katherine Briggs at Isabel Myers (1950) batay sa personality theory ni Carl Jung (1920), mayroong apat na dimensiyon ang ating personalidad:
1. Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion) –
inilalarawan kung paano nagkakaroon ng enerhiya. 2. Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition) – inilalarawan kung paano kumukuha ng impormansyo ang mga tao 3. Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeling) – inilalarawan ang paraan na ginagamit ng isang tao sa pagdedesisyon 4. Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving) – inilarawan ang bilis ng pagbuo ng isang desisyon ng isang tao. PERSONAL BILANG PAGPAPAHAYAG NG SARILI Ayon sa pag-aaral ni Halliday (1973) tungkol sa gamit ng wika, isa sa mga kategorya ay ang personal. Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin. Halimbawa, ang isang sanggol o musmos na hindi pa gaanong natututong magsalita, sinisikap niyang makapagpahayag sa pamamagitan ng ungol at pag-iyak o utal-utal na salita.
Karaniwan ito sa mga
pagkakataong gutom siya o may nais na makuha o hinihingi ang atensiyon ng tagapag-alaga. Kung gayon, ang isang tao ay nagwiwika upang maipahayag ang bahagi ng kaniyang isip ayon sa kaniyang personal na layunin.
Maihahalimbawa rito ay ang liham na
maaaring pormal o hindi tulad ng pangkaibigan o komentaryo ng patnugot sa isang pahayagan. Hindi lang sa pasalita o pasulat maaaring makapagpahayag ng personal, nariyan din ang tinatawag nating “selfie.” Ang selfie ayon sa isang diksyunaryong urban ay ang pagkuha ng larawan ng iyong sarili na planong iupload sa anumang social networking site. Ayon sa artikulo ni Lauren Slavin (2013), sa sarbey ng 1096 na mga babaeng may edad 12 hanggang 16 sa University of Australia, 72.1 porsiyento ng mga babaeng ito ay nag-a-upload ng kanilang larawan sa internet. Sinasabi sa ilang pag-aaral na ang selfie ay hindi lamang pagpapahayag ng sarili kundi nababahiran din ng Narsisismo na nais nating hangaan ang sarili sa pamamagitan ng internet. MALIKHAING SANAYSAY Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karanasan ng isang sanay na pasalaysay.” Ito ay nagmula sa dalawang salita ---- sanay at pagsalaysay.
Ang sanaysay ay naglalahad ng opinyon,
kaisipan, reaksiyon at saloobin ng manunulat. Ang malikhaing sanaysay ay naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda at nasa puntodebista ng manunulat. Madalas gamitin ang “ako” o unang panauhan bilang puntodebista. Kadalasan, ang malikhaing sanaysay ay naglalaman ng pagpuna o kritika sa mga isyung panlipunan at mga gawi at interaksiyon ng mga tao. Ginagamitan ito ng mga salita na aantig sa mga mambabasa at mga pamamaraan ng malikhaing pagsulat upang higit na maging kawili-wili.
Ang sariling tala ng pakikipagsapalaran o
paglalakbay, karanasan at buhay ay mapagkukunang materyal para sa malikhaing sanaysay. Maaari ding mangaling ito mula sa panayam, talakayan, talaarawan at mga alaala ng tao. Halimbawa: • Biograpiya – talambuhay na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasiyon. • Awtobiograpiya – talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat. • Alaala (Memoir) – salaysay o kuwento ng buhay na pinagdaanan. • Sanaysay o tala ng paglalakbay – pasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na nabisita o napuntahan. • Personal na sanaysay – pagsasalaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay. • Blog – isang webpage o online na dyornal na maaaring ma-access ng madla. BAHAGI NG SANAYSAY
PANIMULA WAKAS KATAWAN PANIMULA
Ang panimula ang pinakamahalagang bahagi
ng sanaysay dahil ito ang manghihikayat sa babasa. Maaaring gumamit ng mga sipi, retorikal na tanong, at etimolohiya o pinanggalingan ng mahahalagang salita. KATAWAN
Sa katawan tinatalakay ang mga katanungan sa
panimula at inilatag ang mahahalagang ideya upang maipaliwanag ang paksa. Upang maging mabisa ang pagtalakay ay nararapat na huwag pagsamasamahin ang iba’t ibang konsepto sa isang talata. Maglagay ng transisyon sa huling pangungusap ng talata upang mag-ugnay sa susunod. Tiyaking ang susunod na talata ay nagpapaliwanag sa konsepto ng sinundang talatang pangungusap. WAKAS
Sa wakas patutunayan na malinaw ang
konseptong tinalakay sa katawan ng sanaysay. Bibigyan ng kongklusyon ang sanaysay upang maipabatid sa mambabasa ang diwa ng binasa. Mga paalala sa pagsusulat ng Masining na Sanaysay 1.Pumili ng paksang may dating sa babasa. 2.Gumawa ng balangkas. 3.Gumamit ng mga salitang akma sa paksa at sa inaasahang babasa. 4.Tiyaking tama ang gramatika. 5.Gamitin ang sariling materyal (talaarawan, tala, larawan at iba pa) o kaya’y magsaliksik. 6.Magbigay ng kakaibang pananaw at malikhaing bisyon.