KB

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Isang hukbong sundalo,

dikit-dikit ang mga ulo.


Sagot: Walis
Malambot na parang
ulap, kasama ko sa
pangangarap.
Sagot: Unan
Maliit na bahay, puno ng
mga patay.
Sagot: Posporo
Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin.
Sagot: Sombrero
Isang butil ng palay,
sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya
Lumuluha walang mata,
lumalakad walang paa.
Sagot: Pluma o Pen
KARUNUNGANG-
BAYAN
Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating
ang mga Espanyol

Tinatawag ding mga kaalamang-bayan

Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa


mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.
SALAWIKAIN
Ito ay nakaugalian nang sabihin at
nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal ng ating mga ninunong
naglalayong mangaral at umakay sa mga
kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-
asal.
1. Kung anong hindi mo gusto,
Huwag gawin sa iba
Kung anong iyong inutang
Ay siya ring kabayaran

2. Ang batang palalo at hindi napapalo


Pag lumaki ang kahalubilo
Sa mundo ng magugulo
SAWIKAIN
Ang mga sawikain ay nagtataglay ng
talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong
kahulugan. Sa ibang sanggunian ay tinatawag
din itong idyoma o kaya naman ay
eupemistikong pahayag.
1. Basag-ulo
Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking

2. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay
naman pala.

3. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.
KASABIHAN
Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa
panunukso o pagpuna sa kilos ng tao.
1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa
ibabaw, minsan nasa ilalim.

2. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa


simbahan din ng tuloy.

3. Kung hindi ukol, hindi bubukol.


BUGTONG
Ang mga bugtong ay pahulaan sa
pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay
binibigkas nang patula at may lima hanggang
labindalawang pantig.
1. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting

2. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo


Sagot: Pako

3. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba


ang buhay.
Sagot: Kandila
PALAISIPAN
Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang
gumigising sa isipan ng mga tao upang
bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
1. Sa isang kulungan ay may limang baboy na
inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa.
Ilan ang natira?

2. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng


sombrero. Paano nakuha ang bola nang hindi
man lang nagalaw ang sombrero?
BULONG

Ang bulong ay mga pahayag na may sukat


at tugma na kalimitang ginagamit na
pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto,
at masamang espiritu.
1. Tabi-tabi po
Alisin po ang sakit ng asawa ko

2. Dagang malaki, dagang maliit


Ang ngipin kong bulok at pangit
Magkakaroon ng magandang kapalit
Bakit mahalaga ang mga
nasabing karungang-bayan sa
pag-aaral ng kulturang Pilipino?
Bilang isang kabataan, bakit kailangang
kuhanin at isabuhay ang mga aral na
makukuha mula sa mga karunungang-
bayan na nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon?
Anu-anong karunungang-bayan
ang ating tinalakay?
Bakit mahalaga na pag-aralan ng
mga kabataan ang iba’t ibang
halimbawa ng karunungang-
bayan?
Paano mo maiuugnay ang mga
karunungang-bayan sa mga
tradisyon at kaugalian ng kultura
sa Pilipinas?
1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng
globo.

2. Pinilit na mabili, saka ipinambigti.

3. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa


mabaho at malansang isda.

4. Alilang-kanin

5. Ang tumatakbo nang matulin


‘Pag masugatan ay malalim

You might also like