Professional Documents
Culture Documents
Noli
Noli
Suyuan sa Asotea
Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya
Isabel. Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang
papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero,
mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa
kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng
pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang
bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga
buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat,
matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na
ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga
taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino,
mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalaking hubad na nagpapasan,
mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin
ay kanyang naalala.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng Pari nang hindi nito iabot
ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-
usap silang sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti
ang pinto.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang Tinyente ay hindi rin
nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Pari Damaso.
Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa
isang pahayagan. Si Pari Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan.