Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

• Sa matinong sistema ng edukasyon sadyang imperatibo ang

edukasyong Filipinolohiya: karunungan ng sambayanan na hango sa


malawak na karanasan ng sambayanan na sinisinop sa mga teorya,
prinispyo at mga likhahuwaran ng mga piling talino. Tanging
Filipiolohiya lamang maitatampok ang pambansang kalinangan na
tunay na Pilipino sa diwa at gawa. Hindi ito mapasusubalian.
Katunayan, mahigpit na pinupuna ng mga kritikal na edukador ang
makadayuhan o kolonyal na edukasyon ng bayan mula ng masakop ng
bansang “estadong dolyar” ng amerika. Ang makatuturang pedagohiya
(pagtuturo at pag-aaral) ay dapat na nakatuon sa paglinang ng
pagkamakabayan (nationhood) ng pagkataong Pilipino at makataong
kaunlarang tatamsahin ng buong sambayanan.

• Tanging konseptong demokrasya—hilab Filipinolohiya ang


makatuturang patnubay ng talino ng bayan na lumilikha ng
kanyang kapalarang matiwasay, maluwalhati at maganda.
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng
Kagawaran ng FIlipinolohiya l 16 Bolyum 1, Serye ng 2002,
lathalain ng Hulyo-Disyembre 2002 Sa dimensiyong teknolohikal,
ang talino ng bayan sa simbuyo ng kalayaan ay tutugon sa
pambansang industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura.
• Ang praxis (sabayanang paggana ng talino at lakas paggawa) ay
mabiyayang ipakikita sa taunan progresibong GDP (groseng domestikong
produksiyon) na iniluluwal o nalilikha ng ekonomikong disiplinado ang
pag-unlad at umaayon sa takbo ng pandaigdigang kalagayang
pangkabuhayan. Samantala sa GNP (groseng pambansang produksyon)
kasali o kabilang sa kalahatan ng produksyon yaong eksperimentasyon sa
larangan ng agham at mga pananaliksik sa mga piling karunungan na
kapaki-pakinabang para sa bayan at sa bansa. Hindi balakid o problema ang
wikang Ingles sa paglinang sa karunungan ng bayan—bagaman higit na
mahusay at mabuti ang wikang Filipino—pandayin ng sistema ng
edukasyon ang katalinuhang sosyal.
• Ang talino ng bayan sa diwang Filipinolohiya sa pandaigdigang
talamitan-diwa (salimuhaan ng karunungan sa daigdig) ay kikilala at
gagalang sa kalinangan ng ibang bayan sa larangan ng heopulitika
(relasyong bansa-sa-bansa) na kinasasangkutan ng pandaigdigang
kalakalan at diplomasya. Sa kasalukuyan, pluralista ang pandaigdigang
kalinangan. Puspusan itong winawasak ng globalisasyon na
pangunahing itinataguyod ng “estadong dolyar” ng Amerika. Sa
globalisasyon, na kapaki-pakinabang sa sirkulo ng malalaking
kapitalista, itinatakda ang mekanismo ng pamilihan (produksiyon at
pagkonsumo) ng mga paninda ang kilatis ng isip ng sangkatauhan nasa
lambat-bitag ng monopolyo ng kapitalsimo.
• Sa pandaigdigang sistemang kapitalismo tanging grupong 7 (Amerika,
Inglatera, Kanada, Alemanya, Italya, Pransya at Hapon) ang mga bansang
nakikinabang sa yaman ng daigdig na nalilikha ng lakas ng paggawa ng
daigdig. Sa globalisasyon batbat ng mga problema ang sangkatauhan, lalo
yaong mga mamamayan ng ikatlong daigdig na kinabibilangan ng masang
Pilipino. Hindi lamang paninda ng lakas paggawa, bagkus pagkatao ng
sangkatauhan ang FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng
Kagawaran ng FIlipinolohiya l 17 Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-
Disyembre 2002 hinahakutan ng tubo sa puhunan ng mga dambuhalang
kapitalista sa daigdig. Kaipala, tandisang paninda na din ang tao. Kulturang
komersyalismo—sa kultong pananakop—ang isinusulong ng globalisasyon.

• Ang dinamismo ng hegemonya/gahum ay naglulundo sa “isang tao, isang


mundo, isang diwa”. Sa katangiang pluralista ng kalinangan ng daigdig, ang
globalisasyon ay tandisang sikolohikal at pulitikal na armas sa pagwasak ng
iwing katinuan ng mga etnikong nilalang sa daigdig. Layunin ng mga
naghaharing uri ng mga tao sa daigdig, sa iskemang globalisasyon, na gawing
tau-tauhan (cyberbeing) ang sangkatauhan na mamanipulahin sa kompyuter.
HIDWAAN-DIWA SA DAIGDIG Ang buong hilab ng buhay ng sangkatauhan
ay likas na kumikilos sa batas ng kontradiksyon.
• Nag-aakitan, nagsasanib, nagsasalungatan hanggang magbago ang mga
personahe o uri ng pagkakataong magkakatuwang na namumuhay na
nagbabangayan sanhi ng kapakanan, karapatan at kapangyarihan. Ang
sigalutan sa diwa ay nangyayari sa larangan ng ekonomiya, pulitika hanggang
sa kultura. Kilatis ng isip o diwa—na ideolohiya—ang nagpipingkian sa
umiiral na sistema ng pamumuhay ng sangkatauhan. May mekanismo ng pag-
iral ang buong sistema ng kapamuhayan. Ito yaong iba’t-ibang institusyong
kinaroroonan ng disiplinang magkakahiwalay sa aktibidades/ gawain
magkakaugnay sa makatuturang bisa (resulta ng gawain) alinsunod sa
kaugalian o kalakarang may pamantayan ng mabuti, wasto at maganda ayon
sa uri ng pagkakataong makikinabang sa mga atupaging sosyopulitikal. Sa
antas ng diwa, ang mekanismo ng umiiral na sistema ay tinatawag na aparato
ng ideolohiya sa larangan ng komunikasyon na ginagampanan ng mga
FILIPINOLOHIYA: |Opisyal na Dyornal ng Kaguruan ng Kagawaran ng
FIlipinolohiya l 18 Bolyum 1, Serye ng 2002, lathalain ng Hulyo-Disyembre
2002 institusyon sa larangan ng komunikasyon sa talastasan o mass midya.
• Ang mga institusyong kabilang sa aparato ng ideolohiya ay pamilya,
paaralan, simbahan, gobyerno at mas midya. Sila ang humuhubog sa kilatis
ng kaisipang naghahayag ng gusto o naisin at layunin o intensyon sa mga
gawain o inaatupag sa pamumuhay. Sadyang relatibo ang mga naisin o
layunin sa buhay dahil umiiral sa modernong sibilisasyon ang mga uri ng
mga pagkatao na magkakasalungat ang gusto at magkakakontra ang layunin.
Nasasangkot ang sambayanang Pilipino sa hidwaan-diwa ng mga uri ng mga
pagkatao sa sangkatauhan. Ang tunggalian ng mga uri ng pagkatao ay
nagaganap sa larangan ng kabuhayan o ekonomiya, gobyerno o pulitika at
kultura. Sa tunggalian ng mga uri ng mga bayan o etnikong katauhan
sensitibong usapin o isyu ang kalayaan at kasarinlan. Sapagkat kalakip ng
kalayaan at kasarinlan ang katuturan ng pagkatao ng bawat bayan at halaga
ng patrimonya o kabansaan na nagtataglay ng mga likas na yaman: ginto,
tanso, tingga at iba pang mahahalagang elemento ng ginagamit sa paglikha ng
maraming bagay o paninda.
• Sa katayuan ng Pilipinas at kalagayan ng sambayanang Pilipino na
kontrolado ng “estadong dolyar” ng Amerika imposibleng
umunlad ang bansa at humusay ang pamumuhay ng mga
mamamayan. Sapagkat ang yamang nalilikha ng lakas ng
paggawang Pilipino ay matagal nang pinakikinabangan ng mga
dayuhang kapitalista sa kapinsalaan ng kabuhayan ng mga
mamamayang Pilipino. Gobyerno ng Pilipinas ang lunsaran at
sinupan ng mga dayuhan interes. Ang buong hilab ng
kapamuhayang pinoy ay pawang mahigpit na pinagagalaw ng
dolyar. Ang talino ng bayan ay nakatuon sa dolyar. Sa kalagayang
ito—na sikil ang kalagayan at napariwara ang kasarinlan—ng
sambayanan, sa katuturan ng Filipinolohiya sadyang imperatibo sa
pedagohiya ang karunungang mapagpalaya.
• Lingid sa kaalaman ng mga karaniwang tao sa lipunang Pilipino na ang
kanilang asal , ugali, gusto, hilig, pananaw sa buhay, paninindigan ay
pawang hinuhutok ng mga aparatong ideolohikal: pamilya, paaralan,
simbahan, gobyerno at mas midya. Ang mga aparato ng ideolohiya ay
pawang mga institusyong panlipunang nagdidirehe sa mga kagawian o
aktitud (kusang reaksyon ng isip sa mga bagay-bagay na may buhay o
wala.) Ang mga kagawian ay likas na nasasaniban ng motibo at
intensiyon. Sabihin pa, mga aparato ng ideolohiya ang obhetibong
lunsaran, daluyan at buweltahan ng umiiral na talino sa antas ng
kultura ng bayan. Mayroong tagapaghatid at may tagatanggap sa mga
produktong pangkultura (mga ideya, batas, aliwan...) na pinaiinog ng
mga isip sa dinamismo ng kultura. 10 Liban sa pamilya, pinagkakaitan
ang operasyon ng mga aparato ng ideolohiya. Sa gayon, industriya ng
utak ang pagtingin ng mga pantas sa komunikasyong panlipunan sa
tahasang negosyong katuturan ng operasyon ng mga aparato ng
ideolohiya. Samantala, sa dimensyong kultural, isang lambat-bitag ng
kamalayang panlipunan ang mga aparato ng ideolohiya—lalo na ang
mas midya.
• Kapitalista-komprador ang taguri ng mga pantas sa
komunikasyong sosyal sa mga taong nagkakamali ng limpak-
limpak na salapi sa industriya ng utak na itinataguyod ng mga
aparato ng ideolohiya. Inihahasik at nillinang ng mga aparato ng
ideolohiya sa kamalayang panlipunan ang kaisipang palasuko,
palatakas, patalo, palasisi, kabalastugan at walang bahala sa mga
parokyano (publiko/madla). Kaugnay nito, tahasang paninda, ang
pagtingin ng uring kapitalista, sa mga taong binabayaran nila ang
serbisyo para wasakin o lasunin ang bait/katinuan ng mga
mamamayan sa lipunan upang mamumini sila sa kaayusang sosyal
na di-makatao.

You might also like