Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

z

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
z
Argumentatibo
 Ito ay naglalayong mapatunayan ang katotohanang nais
ipahayag sa mga mambabasa. Naglalahad ito ng proposisyon
na nangagailangan na pagdiskusyunan o pagkakaroon ng
pagtatalo base sa nais na patunayan sa teksto.

 Mga Halimbawa ng Argumentatibo:

1. Debate

2. Editoryal

3. Balagtasan
z
Mga Uri ng Tekstong Argumentatibo
o Nangangatwiran

 Pangangatwirang Pabuod ( Inductive Reasoning)

 Pangangatwirang Pasaklaw ( Deductive Reasoning)


z
Pangangatwiran

 Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan


o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-
tangap o kapani-paniwala.
z

Uri ng Pangangatwiran
Pangangatwirang Pabuod
(Inductive Reasoning)
z

 Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat


na simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod.
Nahahati ang pangangatwirang ito sa tatlong bahagi:

1. Pangangatwirang gumagamit ng Pagtutulad.

2. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng


pangyayari sa sanhi.

3. Pangangatwirang sa pamamagitan ng mga katibayan at


pagpapatunay.
z
1. Pangangatwirang gumagamit
ng Pagtutulad
 Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang
katangian at pinalulutang ang katotohanan.

Halimbawa:

Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang


kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang
napapakinabang.
z
2. Pangangatwiran sa pamamagitan
ng pag-uugnay ng pangyayari sa
sanhi

 Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya


nagaganap ang isang pangyayari.

Halimbawa:

Hindi napasama ang pangalan niya sa talaan sa kompyuter dahil


sa pagkahuli niya sa itinakdang araw ng pagpapatala.
3. Pangangatwiran sa pamamagitan
z
ng mga katibayan at pagpapatunay.

 Nagpapalooban ito ng mga katibayan o ebidensiyang higit na


magpapatunay o magpapatotoo sa tinutukoy na paksa o
kalagayan.

Halimbawa:

Siya pala ang nanalo sa halalan. Hayun at nanunumpa na sa


pangulo ng pamantasan.
z
Pangangatwirang Pasaklaw
(Deductive Reasoning)
 Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng
pagkakapit ng isang simulang panlahat ang pangangatwirang
pasaklaw.

Halimbawa:

Ang lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos. Ang manok ay isang uri


ng hayop kung gayon ang manok ay nilikha ng Diyos.

You might also like