Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Ang Munting Prinsipe

•Kabanata 1 - aralin 6
•Pahina 129
•Uri ng panitikan: nobela
•Gramatika:
-Pagsasagawa ng isang simposyum
-Pagbuo ng isang critique ukol sa akdang
pampanitikan
Alam mo ba?
• Ang nobelang pranses na Le petit prince na salin
sa Filipino na “Ang munting prinsipe” ay gawa ng
manunulat at pilotong si Antoine de Saint-
Exupery.
• Ito ay kanyang sariling karanasan nang bumagsak
ang eroplanong sasakyan nila ng kanyang co-pilot
na si Andre Prevot.
• Kalahok sila sa pabilisan ng pagpapalipad ng
eroplano mula Paris hanggang Saigon.
• Isang karerang tinatawag na raid ng bumagsak
ang kanilang eroplano sa disyerto ng sahara.
• Tatlong araw sila sa disyerto at matinding uhaw
at gutom ang kanilang kinaharap. Sila ay
tinulungan ng mga Bedouino o mga taong
pagala-gala sa disyerto sakay ng mga kamelyo.
• Pagkatapos niya maisulat ang nobela ay
ipinapalagay na namatay si Antoine de Saint-
Exupery sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
habang siya ay nagpapalipad ng eroplano.
Mga tauhan
• Ang munting prinsipe
• Piloto (Antoine de Saint – Exupery)
• Alamid (fox)
Buod ng nobela
• Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto
at ang munting prinsipe sa disyerto ng sahara.
• Habang nag-iisip kung paano aayusin ang
nasirang eroplano at kung saan kukuha ng tubig
na maiinom ay nagpaguhit ang munting prinsipe
ng tatlong tupa. Pagkatapos ng ilang ulit na
pagguhit, nakuha rin niya ang guhit na
nagustohan ng munting prinsipe. Isang kahon na
may tatlong butas at paliwanag na ang mga tupa
ay nasaloob kahon.
• Dito nagsimula ang pagkakaibigan ng munting
prinsipe at ang piloto.
• Ang munting prinsipe ay nag mula sa isang
planeta na kasinglaki lamang ng isang bahay, ang
planetang 325.
• Labis niyang mahal ang kanyang planeta at
iniingatan ang kanyang planeta kaya naman
binabantayan niya ang pagtubo ng puno ng
Baobab mula sa mga buto nitong nagkalat sa
buong planeta.
• Kapag kase napabayaan ang pagtubo ng puno ay
tiyak na mawawasak ang munting planeta.
• Isang araw, isang rosas ang tumubo sa planeta at
ito’y labis na minahal ng munting prinsipe.
Gayumpama’y sumama ang loob ng prinsipe sa
rosas dahil sa isang pagsisinungaling o
pagkukunwaring kanyang nagawa. At ang
prinsipe’y nagbalak lumayo.
• Sa araw ng kanyang paglayo’y humingi ng
paumanhin ang rosas at sila’y nagkabati.
Kabanata 21
• Isang araw, isang alamid ang lumitaw sa planeta.
Binati niya ang munting prinsipe at tinanong ng
prinsipe kung sino ang bumati sakanya.
• “Ako’y isang alamid” sagot ng alamid. Niyaya ng
prinsipe ang alamid na mag laro subalit hindi
pumayag ang alamid dahil hindi pa niya ito
napapaamo.
• Tinanong ng munting prinsipe ang alamid kung
ano ang ibig-sabihin ng alamid na napapaamo.
• “Mga tao,” sabi ng alamid. “Mayroon silang baril
at sila’y nangangaso. Nakakatakot. Nag-aalaga rin
sila ng mga manok. Iyon lang ang
pinagkakaabalahan nila.”
• Tinanong ng alamid kung naghahanap rin siya ng
manok at ang kanyang sagot ay hindi.
• Tinanong ng prinsipe ang alamid kung ano ang
napaamo?
• “Ito’y isang bagay na madalas hindi nabibigyang-
pansin,” sabi ng alamid. “Nangangahulugan itong
magkakaroon ng ugnayan.”
• “Paamuhin mo ako!” ang sabi ng alamid.
• “Gustong-gusto ko,” sabi ng munting prinsipe.
“Subalit kulang na ang panahon. Marami pa
akong kaibigang nais mahanap at mga bagay na
nais maunawaan.”
• “tanging ang mga bagay na napaamo mo ang
mauunawaan mo,” sabi ng alamid. “wala nang
oras ang tao upang unawain pa ang ibang bagay.
Bumibili siya sa mga tindahan ng mga babagay na
yari na. Subalit hindi makabibili ng pagkakaibigan
sa alinmang tindahan, kaya naman
wala nang kaibigan ang tao. Kung gusto mo ng
kaibigan, paamuhin mo ako...”
• Tinanong ng munting prinsipe kung ano ang
nararapat niyang gawin para mapaamo ang
alamid.
• Ang pagkakaroon ng mahabang pasensiya ang
sagot ng alamid. Ana, maupo ng malayo-layo sa
damuhan. Susulyapan siya ng alamid sa gilid ng
kanyang mga mata at hindi magsasalita. Araw-
araw ay unti-unting lalapit ang kanilang mga
puwesto.
• Kailangan din sumunod ng munting prinsipe sa
oras na nakagawian.
• Tinanong ng munting prinsipe kung ano ang
nakagawian.
• “Ito ang mga bagay na madalas nakakaligtaan,”
sabi ng alamid.
• Kaya pinaamo ng munting prinsipe ang alamid.
At nang papalapit na ang araw ng kanyang pag-
alis-
• “Ah, naiiyak ako,” sabi ng alamid.
• “kasalanan mo,” sabi ng munting prinsipe. “Hindi
ko gustong masaktan ka subalit ikaw ang may
gustong paamuhin at alagaan kita.”
• “Oo, tama iyan,” sabi ng alamid.
• “Tapos ngayon, iiyak ka!” sabi ng munting
prinsipe.
• “Ganoon nga,” sabi ng alamid.
• “Kung ganoon, wala itong nagawang mabuti sa
iyo!”
• “May nagawang mabuti ito sa akin,” sabi ng
alamid. “At dahil iyon sa kulay ng bukirin ng trigo.”
dagdag niya:
• “Balikan mo ulit ang mga rosas. Ngayo’y
mauunawaan mo nang ang iyong rosas ay
natatangi sa buong mundo. Pagkatapos ay balikan
mo ako para makapagpaalam, at ibibigay ko sa iyo
ang isang lihim bilang aking handog.”
• Umalis nga ang prinsipe upang muling makita ang
mga rosas.
• “Wala sa inyong katulad ng aking rosas,” sabi
niya. “Wala kayong halaga. Walang nagpaamo sa
inyo at wala kayong pinaamo. Katulad lang kayo
ng aking alamid noong una ko siyang makilala. Isa
lang siyang pangkaraniwang alamid katulad ng
daang libong iba pang alamid. Subalit kaibigan ko
na siya ngayon, kaya’t siya’y natatangi na sa
buong mundo.”
• Binalikan ng munting prinsipe ang alamid.
• Nag paalam na ang dalawa sa isa’t-isa at sinabi na
ang lihim ng alamid-
• “At ngayon, ito ang aking sikreto, isang
napakasimpleng sikreto: sa pamamagitan lamang
ng puso nakikita ang mga bagay na mahalaga. Ang
pinakamahahalagang bagay ay hindi nakikita ng
mga mata.”
• “Ang oras na ibinuhos ko sa aking rosas”
• “Nakalimutan na ng tao ang katotohanang ito,”
sabi ng alamid. “subalit hindi mo ito dapat
makalimutan. Habambuhay mong tungkulin ang
sinumang pinaamoat inalagaan mo. Tungkulin
mong alagaan ang iyong rosas.”
Pag papatuloy ng buod
• Sa paglalakbay ng munting prinsipe sa iba’t ibang
planeta ay mayroon siyang mga taong nakilala na
sa tingin niya ay nag aabala sa mga bagay na wala
naman katuturan. Katulad ng
- Haring walang nasasakupan,
- Ang hambog na gustong-gustong siya’y
hinahangaan kahit wala naman siyang nagawang
kahangahanga,
- Ang lasenggong umiinom dahil sa kahihiyan sa
kanyang pagiging lasenggo,
- Ang mangangalakal na nag-uubos ng kanyang
buong panahon sa pagbibilang sa mga bituin sa
paniniwalang ang mabibilang niya’y
mapapasakanya,
- At ang tagasindi ng ilaw na hindi nauunawaan
kung bakit kailangan niyang gawin ang pagpatay-
sindi sa ilaw subalit ginagawa parin niya dahil ito
ang tungkuling nakaatang sakanya.
• Napag-isip-isip ng prinsipe na sa mga taong
nakilala niya sa kanyang paglalakbay, maaaring
napagtatawanan ng iba ang tagasindi ng ilaw
subalit para sa kanya, ang taong ito ay natatangi
dahil siya lang ang kaisa-isang nag-iisip sa
kapakanan ng iba maliban sa kanyang sarili.
• Sa ikaanim na planetang kanyang dinalaw ay
nakilala niya ang isang heograpo na wala naman
alam tungkol sa anyong lupa at anyong tubig na
nasa kanyang planeta subalit ito ang-
nakapagmungkahi sa kanyang magtungo sa
planetang Daigdig. Mula rin sa heograpo ay
nalaman niyang hindi nagtatagal ang buhay ng
isang bulaklak. Bigla tuloy niyang naalala ang
kanyang naiwang rosas at nag-aalala siya para
dito.
• Sa pagdalaw ng munting prinsipe sa planetang
Daigdig ay napunta siya sa disyerto ng Sahara.
• Kaya’t kanyang ipinag taka kung bakit wala siyang
nakitang mga tao. Sa halip ay nakakita siya ng
isang ahas. Sinasabi nitong napakapangyarihan
sapagkat ang kanyang kamandag ay
makapagpapabalik sa sinuman sa lupaing
pinagmulan.
• Ang prinsipe ay umakyat sa bundok sa pag-asang
mayroon siyang makitang tao. Dito siya sumigay
at umalingawngaw ang kanyang boses.
• Muli siyang naglakbay hanggang makakita siya ng
harding punumpuno ng rosas. Ang munting
prinsipe ay nalingkot sapagkat naalala niyang
muli ang kanyang rosas at ang kasinungalingang
pinaniniwalaan niya, na siya ang nag-iisang rosas
sa buong mundo.
• Sumapit ang ikawalong araw ng piloto sa disyerto
pagtapos ng pagkukuwento ng munting prinsipe
tungkol sa kanyang karanasan sa kanyang daigdig
ay naubos na ang kanilang tubig habang inaayos
ng piloto ang nasirang eroplano.
• Pinilit siya ng prinsipe na mag harap ng balon na
mapagkukunan ng tubig. Nang makakita na sila
ng balon ay masaya silang umiinom subalit
makikita sa kilos at pananalita ng prinsipe ang
kasabikang makabalik sa kanyang planeta at
muling makita ang kanyang rosas.
• Pagsapit ng ikaisang taong anibersaryo ng
pagdating ng munting prinsipe sa planetang
Daigdig ay siya ring araw na naayos ng piloto ang
kanyang eroplano.
• Masaya sanang ibabalita ng pilito sa munting
prinsipe ang nangyari ngunit ng pumunta siya sa
kanilang tagpuan ay naririnig ng pilito ang
munting prinsipe na nakikipag usap.
• Kausap ng munting prinsipe ang makamandag na
ahas. Nais pigilan ng piloto ang munting prinsipe
at ang ahas sa kanilang balak na pabalikin ang
prinsipe sa kanyang planeta sa pamamagitan ng
kamandag na taglay ng ahas subalit huli na.
• Tinuklaw ng ahas ang munting prinsipe at ito’y
namatay.
• Labis na ikinalungkot ng piloto ang pagkamatay
ng munting prinsipe subalit nabawasan ang
kanyang pagdadalumhati ng kanibukasan ay
hindi na niya natagpuan ang katawan ng
prinsipe.
• Inisip niya na ang katawan ng prinsipe ay
nakabalik na sa kanyang planeta at umaasang
sana’y nagkatagpo na silang muli ng kanyang
rosas.

You might also like