Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 24

1954

Proklamasyon Blg. 12

Pang. Ramon Magsaysay

Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang


Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang
ika-4 ng Abril taon-taon bilang paggunita sa
kaarawan ni Francisco Balagtas (ika-2 ng
Abril 1788).
1955

Proklamasyon Blg. 186

Pang. Ramon Magsaysay

Inililipat ang petsa ng Linggo ng Wikang


Pambansa sa ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto bilang paggunita sa kapanganakan
ni Pang. Manuel L. Quezon (Agosto 19,
1878) na kinikilalang “Ama ng Pambansang
Wika.”
1959

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

Jose Romero

Nagsasaad na kailanman at tutukuyin ang


Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO
ay siyang gagamitin.
1963

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60

Pang. Diosdado Macapagal

Pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas


sa Pilipino sa alinmang pagkakataon sa loob
at labas ng bansa.
1967

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96

Pang. Ferdinand Marcos

Nagtatakda ng pagpapangalan sa Pilipino ng


lahat ng edipisyo, gusali, at ahensiya ng
pamahalaan.
1968

Memorandum Sikular Blg. 172

Rafael Salas

Iniaatas ang pagbigkas sa Pilipino ng


panunumpa sa tungkulin ng lahat ng
opisyal ng pamahalaan at ang paglalagay sa
salin sa Pilipino ng katawagang Ingles na
nasa opisyal na letterhead ng mga
kagawaran.
1969

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187

Pang. Ferdinand Marcos

Nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,


tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan
na gamitin ang Pilipino hangga’t maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat ng
opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng
pamahalaan.
1969

Memorandum Sikular Blg. 277

Ernesto Maceda

Nagpahintulot sa SWP na ipagpatuloy ang


pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa
Pilipino sa mga lalawigan at lungsod ng
bansa upang paigtingin ang kamalayang
maka-Pilipino ng mamamayan.
1970

Memorandum Sikular Blg. 368

Ponciano Mathay

Lahat ng pinuno ng mga kagawaran,


kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng
pamahalaang pambansa at lokal ay magdadaos
ng palatuntunan sa Pilipino kahit 30 minuto
lamang sa alinmang araw sa Linggo ng Wikang
Pambansa.
1971

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304

Pang. Ferdinand Marcos

Upang matulungan ang SWP na lalong mapaunlad


at mapalaganap ang pambansang wika,
minabuting baguhin ang komposisyon nito na
kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa wikang
Bicol, Cebuano, mga pamayanang kultural,
Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinan,
Samar-Leyte, at Tagalog.
1987

Sek. 6, Artikulo XIV ng Bagong


Konstitusyon

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
1987

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117

Pang. Corazon Aquino

Ang SWP ay kikilalanin bilang Linangan ng


mga Wika sa Pilipinas (LWP).
1987

Kautusang Pangkagawaran Blg. 22

Lourdes Quisumbing

Nagtatakda ng paggamit ng salitang


FILIPINO kailanman at tutukuyin ang
pambansang wika ng Pilipinas.
1987

Kautusang Pangkagawaran Blg. 81

Lourdes Quisumbing

Nagpapakilala sa “Alpabeto at Patnubay sa


Ispeling ng Wikang Filipino” na binuno ng
LWP. Ito ay binubuo ng 28 letra. May dagdag
na 8 hiram na titik sa mga dayuhang wika.
1988

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335

Pang. Corazon Aquino

Nag-atas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,


tanggapan, ahensiya at iba pang sangay ng
ehekutibo na magsagawa ng mga hakbang sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.
1991

Batas Republika Blg. 7104

Kongreso

Lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino


(KWF) at itinatakda ang mga tungkulin at
gampanin nito.
1996

CHED Memorandum Blg. 59

CHED

Nagtatadhana ng siyan (9) na yunit na


pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon sa kolehiyo.
1997

Proklamasyon Blg. 10

Pang. Fidel Ramos

Nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng


Buwan ng Pambansang Wika tuwing
Agosto.
2001

Kautusang Pangkagawaran Blg. 45

Isagani Cruz

Nagpapakilala sa 2001 Revisyon ng Alfabeto


at Patnubay sa Ispeling sa Wikang Filipino.
Pinaluluwag ang paggmit sa walong hiram
na titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z).
2003

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210

Pang. Gloria Macapagal Arroyo

Isinasaad na Ingles ang magiging


pangunahing wikang panturo sa paaralan
maliban sa pagtuturo ng Filipino at Araling
Panlipunan na ituturo gamit ang
Pambansang Wika.
2006

Kautusang Pangkagawaran Blg. 42

Jesli Lapus

Ipinatitigil ang implementasyon ng 2001


Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling sa
Wikang Filipino at sumangguni muna sa 1987
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling.
2012

Kautusang Pangkagawaran Blg. 31

Bro. Armin Luistro

Nagsasaad sa paggamit ng unang wika


(mother tongue) bilang wikang panturo sa
lahat ng asignatura sa baiting 1-3, maliban sa
asignaturang Filipino at Ingles. (Kaugnay ito
ng pagpapatupad ng MTB-MLE)
2013

Kautusang Pangkagawaran Blg. 34

Bro. Armin Luistro

Nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa, ang


binagong gabay sa Ortograpiyang Filipino ng KWF. Ito
ay isang paglingon sa kasaysayan, pagpapanatili ng
maiinam na gabay sa ortograpiya, at pagsasaalang-
alang sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng tunog ng schwa
mula sa Ibaloy, Pangasinan, Mëranaw at iba pa.
2013

Resolusyon Blg. 13 – 19

Virgilio Almario

Pagbabalik ng opisyal na pangalan ng bansa


mula “Pilipinas” tungong “Filipinas” at
pagpapatigil sa paggamit ng una upang
mapalaganap ang opisyal at modernisadong
katawagan ng bansa.

You might also like