at ang Lipunan ANG WIKA AT ANG LIPUNAN Ito ay mahalagang instrumentong nag-uugnay sa bawat isa sa lipunan.
Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologist, nabubuo ang
lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang
papel na ginagampanan. Ang Wika at ang Lipunan Tinukoy ng lingguwistang si W.P. Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language and Social Behavior (1972). Ang Wika at ang Lipunan Ito ay ang sumusunod: (1) pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang pagkakakilanlan, at ugnayan; at (2) pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan. Gamit ng Wika sa Lipunan Isa na rito si M.A.K. Halliday na naglahad sa pitong tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study) (1973). Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang sumusunod: Instrumental – Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Regulatoryo – Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Interaksiyonal – Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao. Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang sumusunod: Personal – Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Heuristiko – Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Impormatibo – Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. O Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) – Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon. O Panghihikayat (Conative) – Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap. O Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) – Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. O Paggamit bilang sanggunian (Referential) – Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
O Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) – Ito
ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. O Patalinghaga (Poetic) – Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.