• Maipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu;
• Masusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig; at • Makikilala ang mga primary at sekondaryang sanggunian pati ang mga uri ng pahayag: katotohanan (fact), opinion (opinion), pagkiling (bias), hinuha (inference), paglalahat (generalization), at kongklusyon na kaugnay ng mga kontemporaryong isyu.
Prepared by: Sir. Von DV.Salud MAEd Araling Panlipunan Department
Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu 1.Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang Sanggunian *Primaryang sanggunian: Mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas nito *Sekundaryang pinagkunan: Mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o ibang sekundaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng mga taong walang kinalaman sa mga pangyayaring itinala 2.Pagtukoy sa Katotohanan o Opinyon *Katotohanan: mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos *Opinyon (kuro-kuro; palagay; impresyon o haka-haka): nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan
Prepared by: Sir. Von DV.Salud MAEd Araling Panlipunan Department
Mga Kasanayang Kailangan sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu 3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias): Ito ang pagsusuri ng impormasyong may kaugnayan sa agham panlipunan *Pahayagan: mahalagang sanggunian tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa loob ng mahigit 200 na taon *Halimbawa: Maraming Pilipino ang nagpunta sa United States; ito ay dahil sa mas maginhawa ang pamumuhay roon kaysa sa ibang bansa 4.Pagbuo ng Paghihinuha (Inferences), Paglalahat(Generalization), at Konklusyon *Hinuha: isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay *Paglalahat: ang hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon *Konklusyon: ang desisyon, o ideyang nabuo pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon, at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mahahalagang ebidensiya o kaalaman
Prepared by: Sir. Von DV.Salud MAEd Araling Panlipunan Department
Prepared by: Sir. Von DV.Salud MAEd Araling Panlipunan Department Kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu 1. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mahahalagang kaganapan na nakaimpluwensiya sa mga tao, pamayanan, bansa at mundo 2. Pagsusuri at pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga pangyayari 3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’t ibang sanggunian para makakalap ng mga impormasyon 4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng kwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan 5. Pagsisiyasat at pagsusuri ng datos 6. Mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya 7. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga 8. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala at pananaw 9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng tao sa kanilang kultura,paniniwala at paggalang 10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan ng iba
Prepared by: Sir. Von DV.Salud MAEd Araling Panlipunan Department