Matatalinghagang Pananalita

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

 Ito’y mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang

taglay at sa halip ay may nakakubling mas malalim na


kahulugan.
 Karaniwang ginagamit ang matatalinghagang pananalita sa
panitikan lalong-lalo na sa panulaan sapagkat isa rin ito sa
mga itinuturing na elemento ng tula.
- mga pahayag na karaniwang hango mula sa
karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at
sa paligid subalit napapalibutan nang higit na
malalim na kahulugan.
alog na ang baba ginintuang puso
matanda na mabuti ang kalooban

mahigpit ang sinturon basang-sisiw balat-kalabaw


magtipid api/kaawa-awa di marunong mahiya

anak-pawis pantay ang paa mahaba ang pisi


mahirap patay na mapagpasensiya
kamay na bakal
mahigpit na pamamalakad
- isa pang uri ng matatalinghagang pagpahayag
kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag
sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit
na mapaganda o mabigyang-halina ang
isinusulat o sinasabi..
- paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
na ginagamitan ng mga pariralang katulad ng,
gaya ng, tila, at iba pa.

Halimbawa:
Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira
sa bawat madaan.
- naghahambing din ito katulad ng pagtutulad
ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi
gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, tila,
atbp.
Halimbawa:

Ang digmaan ay maitim na usok ng kamatayan.


- lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na
kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.

Halimbawa:
Bumaha ng dugo sa nangyaring digmaan.
- pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang
bagay na walang buhay.

Halimbawa:
Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.
- pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit
sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.

Halimbawa:
Maraming puso ang nadurog sa kalagayan ng
mga batang nabiktima ng digmaan.
- ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na malayo o wala naman.

Halimbawa:
O Kamatayan, hayaan mong mamuhay muna at
yumabong ang mga kabataan..
- ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit
kabaliktaran naman ang kahulugan.
Halimbawa:
Ang ating bayan ay malaya kaya’t mga dayuhan
ang namamalakaya.

Paglalapat
Kumuha ng isang kalahating papel at bumuo ng
sintesis na naglalaman ng inyong mga natutunan sa
aralin na tinalakay sa umagang ito. Ang inyong
bubuuing sintesis ay hindi maaaring bumaba sa
limang pangungusap at hindi rin lalampas sa
sampung pangungusap.

Panuto: Tukuyin ang tayutay na ginamit sa bawat
pangungusap.

1. Ang digmaan ay isang halimaw na lumalamon sa balang


madaanan.
2. Bumabaha ang luha ng mga pusong inulila ng mga nasawi.
3. Ang sakit na dulot nito’y tila punyal na nakatarak sa dibdib.
4. Maging ang kalangita’y lumuha sa idinulot na kabiguan.
5. O Digmaan, huwag mong sirain ang kinabukasan ng isang bayan.
6. Ang nangyari sa asawa’y isang tinik na lalo pang nagpahapdi sa
sugatang puso ni Maria.
7. Lipunan! Bakit anong lupit mo sa mga kapus-palad na nilikhang
tulad nila?
8. Tila ito isang patalim na gumutay sa durug-durog na ngang
kalagayan ng mag-anak.
9. Ang buhay ni Mario ay katulad ng basing-sisiw.
10. Hindi mahulugan ng karayom ang taong dumalo sa pagtitipon.
Mga Kasagutan:
1. pagwawangis 6. pagwawangis
2. pagmamalabis 7. pagtawag
3. pagtutulad 8. pagtutulad
4. pagbibigay-katauhan 9. pagtutulad
5. pagtawag 10. pagmamalabis

Takdang Aralin
Gumawa ng isang awiting makabago (rap) gamit ang
iba’t ibang uri ng matatalinghagang pananalita na ating
tinalakay. Ang gagawing awitin ay dapat hindi bababa ng
tatlong minuto at di naman lalagpas ng limang minuto
ang gawaing ito ay itatanghal ninyo bukas sa klase.
WAKAS…

You might also like