Emilio Aguinaldo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

EMILIO AGUINALDO

Si Emilio Aguinaldo (Emilio


Famy Aguinaldo, Sr) ay isang
rebolusyonaryong Filipino,
politiko, at isang lider ng
militar na kinikilala bilang
opisyal na unang Pangulo ng
Pilipinas (1899-1901) at unang
presidente ng isang
konstitusyunal na republika sa
Asya.
Pinamunuan niya ang
pwersa ng Pilipinas sa
unang laban sa Espanya
noong mga huling taon ng
Rebolusyong Pilipino (1896-
1898).
Sa panahon ng
Digmaang Pilipino-
Amerikano (1899-
1901), siya ay nahuli
sa Palanan, Isabela
ng pwersang
Amerikano noong
Marso 23, 1901,
dahilan upang
magtapos ang
kanyang
pagkapangulo.
Si Emilio Aguinaldo ay
ipinanganak noong Marso 22,
1869 sa Cavite el Viejo (kilala
ngayon sa tawag na Kawit,
Cavite). Ang kanyang ama ay ang
inatasang gobernadorcillo ng
komunidad (munisipal na
gobernador) sa administrasyon
ng Espanyol kolonyal.
◦Ang mga magulang niya na
sina Carlos Jamir Aguinaldo
at Trinidad Famy Aguinaldo ay
mag-asawang mestizo
Tagalog-Tsino at may kaya sa
buhay. Ang kanyang ama ay
ang inatasang
gobernadorcillo ng
komunidad (munisipal na
gobernador) sa
administrasyon ng Espanyol
kolonyal.
Noong Enero 1, 1896, pinakasalan
niya si Hilaria del Rosario (1877-
1921), ito ay ang kanyang ikatlong
asawa. Sila ay may limang anak:
sina Carmen Aguinaldo-Melencio,
Emilio "Jun" R. Aguinaldo Jr, Maria
Aguinaldo-Poblete, Cristina
Aguinaldo-Linggo, at Miguel
Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa
sakit na ketong noong Marso 6,
1921 sa edad na 44. Siyam na taon
ang nakalipas, noong Hulyo 14,
1930, pinakasalan ni Aguinaldo si
Maria Agoncillo sa Barasoain
Church.
◦Noong 1935, tumakbo
si Aguinaldo sa
pagkapangulo ng
Philippine
Commonwealth
subalit siya ay natalo
ni Manuel Quezon.
◦Matapos sumalakay
ang mga Hapones sa
Pilipinas noong 1941,
nakipagtulungan siya
sa mga Hapon.
Si Aguinaldo ay namayapa noong
Pebrero 6, 1964.

You might also like