Absolut Na Lokasyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Natutukoy ang

kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo
gamit ang mapa batay
sa “absolute location”
nito (longitude at
latitude)
AP5PLP-Ia-1.1
Balik-Aral

• Itanong:
1. Nakakita na ba kayo ng mapa?
2. Ano ang iyong unang naiisip
kapag nakakakita ka ng mapa?
3. Ano- ano ang makikita natin sa
isang mapa?
Paghahabi sa layunin ng aralin

• Gamit ang objective board,


babasahin at ipaliliwanag ng guro
ang layunin ng aralin.
• Natutukoy ang kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo gamit ang
mapa batay sa “absolute
location” nito (longitude at
latitude)
MAPA NG ASYA
Itanong:

1. Ano ang ipinakikita ng larawan?


2.Ano ang mabubuo pag
pinagtagpo ang guhit latitude at
guhit longitude?
3. Matutukoy mo ba ang tiyak na
lokasyon ng Pilipinas?
• Iuugnay ang sagot ng mga bata
sa aralin.
• SABIHIN: Ang mapa ay ang patag
na representasyon ng mundo.
Ang mga guhit na makikita dito
ay nagsasabi ng tiyak na lokasyon
ng isang lugar.
Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong
aralin
ITANONG: Paano mo matutukoy ang lokasyon ng
Pilipinas sa mundo?
SAGOT: Sa pamamagitan ng pagtingin sa mapa
• Paggamit ng mapa / globo
*Isusulat ng guro ang iba pang maaaring maging
sagot ng mga bata sa pisara (Class
• Discussion)

• Ipapabasa sa mga bata ang ALAMIN MO na
matatagpuan sa Apendiks.
ALAMIN MO

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng


Ekwador at Tropiko ng Kanser. Ito ay nasa
bahagi ng Hilagang Hating Globo. Kapag ang
pinagbatayan ay ang Punong Meridian, ang
Pilipinas ay matatagpuan din sa Silangan. Sa
kabuuan, ito ay nasa pagitan ng 4°-21° Hilagang
Latitud at sa pagitan ng 116°-127° Silangang
Longhitud.
Ang Pilipinas ay nasa gawing Timog-
Silangang bahagi ng Asya. Dahil sa mga
katangiang pisikal ng bansa, hindi maipagkakaila
na tayo ay bahagi ng kalakhang Asya.
• Ang Pilipinas ay isang bansang Tropiko. Malapit ito sa
Ekwador kaya mainit ang ating klima. Dahil sa kinalalagyan
ng ating bansa, sagana ito sa bungangkahoy tulad ng
niyog, saging, pinya, papaya, mangga at marami pang iba
na kinagigiliwan natin pati na ng mga dayuhan sa
Kalakhang Asya. Dahil sa ayos n mga pulo, isa ang
Pilipinas sa may pinakamahabang baybayin sa buong
mundo.
• Ito ang dahilan kung bakit mahirap ipagtanggol ang
Pilipinas laban sa mga mananakop. Ito rin ang dahilan
kung bakit madaling pasukin ang Pilipinas ng mga pirata
buhat sa ibang bansa, mga smugglers o nagpupuslit ng
mga kargamento pati na ang mga taong gustong pumasok
ng illegal. Sadyang napakaganda ng kinaroroonan ng ating
bansa. Bukod sa kaayaayang klima at likas na yaman nito,
itinuturing na Pintuan ng Asya ang Pilipinas. Ito ang
dahilan kung bakit napakaraming pangkat ng mga dayuhan
ang nakipagkalakalan sa atin. Dahil dito, lalong yumaman
ang kulturang Pilipino.
Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1
Pag-usapan ang ALAMIN MO na nabasa. Gamitin ang mga gabay na
tanong.
(gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)

Itanong:

• Ano ang Latitud?
• Ano ang Longhitud?
• Ano ano ang espesyal na guhit latitud?
• Saan matatagpuan ang Pilipinas sa Asya?
• Sa pagitan ng anong linyang latitude matatagpuan ang bansa natin?
• Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas sa latitud? Longhitud?
• Kung gagamitin natin ang Punong Meridian saan natin matatagpuan
ang Pilipinas?
Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
• Igrupo ang mga bata at hayaang gawin ang
nakatakdang gawain na itinakda sa kanilang
grupo. (Ang bilang ng grupo ay depende sa
dami ng bata sa iyong pangkat na tinuturuan).
(gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collaborative/Constructivist Approach)
(STRAND 3.1)

• Pumili ng isa lamang gawaing angkop sa
kakayahan ng mag-aaral.
Buuin ang Semantic Web na nasa ibaba. Ibigay ang
eksaktong lokasyon ng Pilipinas ayon sa digri, bahagi
ng mapa at kinaroroonan sa Asya.

Tiyak na lokasyon ng Pilipinas

4⁰- 21 ⁰ Hilagang latitud 116⁰-127⁰ Silangang Longhitud


Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment)
Sagutin ang sumusunod na tanong:
(Discussion)
Ipasagot sa mga bata kung OO o HINDI
sila sang-ayon sa tanong na nakasulat
sa gitna ng table.








Maganda ba ang Pilipinas?
Dapat ba nating ipagmalaki ang lokasyon

nito sa mundo?
Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw
na buhay
• Itanong sa mga bata: (Constructivist Approach)
1. Paano makakatulong ang mga likhang guhit sa
mapa sa pagtukoy ng absolute location ng isang
lugar o bansa?
2. Napadali ba nito ang paghahanap sa mapa ng
isang lugar? Bakit?
• SAGOT:
• Ang mga guhit sa mapa ang gabay upang
makita agad ang isang lugar sa mapa.
• Napapadali nito ang paghahanap ng isang
lugar sa isang mapa, sapagkat ang mga
• guhit ang nagsisilbing tanda ng natingin
upang madali nitong mahanap ang isang
• lugar o bansa.
Paglalahat ng aralin

Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas


ay matatagpuan sa bahagi ng Timog-
Silangang Asya at sa pagitan ng
Ekwador at Tropiko ng Kanser sa
Hilagang Hating Globo o ang
eksaktong lokasyon nito ay 4°-21°
hilagang latitude at 116°-127°
silangang longitude.
Pagtataya ng aralin
Panuto: Gamitin ang mapa upang matukoy ang
mga sumusunod. (Constructivist Approach)
1. Ano ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa digri
longitude?
SAGOT: 116° - 127° Silangang Longhitud
2. Ano ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa digri
latitude?
• SAGOT: 4°-21° Hilangang Latitud
• 3. Ano ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa
kinaroroonan sa Asya?
• SAGOT: Timog-Silangang Asya
• 4. Ano ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa
punong meridian?
• SAGOT: Silangan ng Punong Meridian
• 5. Ano ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa
espesyal na guhit?
• SAGOT: Pagitan ng Ekwador at
Tropiko ng Kanser
Karagdagang gawain para sa takdang
aralin at remediation
MAGLAKBAY TAYO (Constructivist Approach)

1. Ipakita ang mapa ng daigdig at mapa ng Quezon.


2. Gamit ang mapa ng daigdig hanapin ang
kinalalagyan ng Pilipinas at lagyan ito ng pananda.
3. Gamit ang mapa ng Quezon, hanapin ang
kinalalagyang ng lungsod ng Lucena at lagyan ito ng
Pananda.
4. Ilarawan ang lokasyon ng Pilipinas at lokasyon ng
Quezon
5. Itanong kung ano ang kanilang pagkakatulad at
pagkakaiba.
Inihanda ni:
Sir Ding Bobis
Lucena East VII ES

You might also like