Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Sa Pangil ng Apoy

Kabanata 54-59
KUMALAT SA BUONG BAYAN ang nakitang maraming ilaw sa
libingan noong nagdaang gabi. May isang nagbalitang ang namasdan
niya sa sementeryo’y mahigit sa dalawampung ilaw may ibat’t
ibang hugis at laki. Ngunit isang pastol naman ang nagpatunay na
isang ilaw lang ang kaniyang nakita at dalawang lalaki nakasalakot.

Samantala, noong araw na iyon ay dinalaw ni Don Filipo si


Pilosopong Tasyo sa kaniyang dampa. May sakit ang pilosopo. Hindi
na ito makabangon dahil sa labis na panghihina. Nang mag-usap ang
dalawa ay inihayag ni Don Filipo na pinayagan na ang alkalde ang
pagbibitaw niya sa puwesto. Nagulumihanan naman ang matandang
Tasyo at sinabing hindi napapanahon ang kaniyang pagbibitaw. ‘ Di-
umano,kasalukuyang nakipaglaban ang don sa mga guwardiya sibil
at dapat siyang manatili sa katungkulan sa panahon ng giyera.
Dagdag pa ng p ilosopo, hindi gaya ng datiang bayan ngayon.
Natuto nang magsuri sa paligid ang mga tao ,at nauunawaan na ang
sariling pagkatao. Unti-unti nang dumarating ang panahon ng
tunggalian . Ano’t walang ibang laman ang isip ng kabataan kundi
pag-ibig at kasiyahan. Pinalilipas nila ang panahon na walang
mithiin, habang ang katandaan ay nananatiling baog. Nanimdim si
Don Filipo at itinanong kung nangangailangan ba ng anumang gamut
sa matanda. Subalit sinabi lang ni pilosopo na nais niyang makausap
si Crisostomo Ibarra. Hindi na niya kailanganng gamot dahil malapit
na rin naman siyang mamatay. Yayao siya nasa dilim ang Pilipinas.
Sa kabilang dako, inihudyat na ng kampana ang orasyon.
Pansumandaling huminto ang taumbayan upang mag bigay galang sa
banal na tugtog ng batingaw,maliban kay Padre Salvi
Humangos ang kura patungo sa kuwartel. At nang makaharap na
nga ng kura ang alperes ay sinabi niyang nanganganib ang buhay
nito. Natuklasan ‘ di di-umano ni Pade Salvi ang isang malaking
sabwatan. Ayon sa isang babaeng nangumpisal sa kaniya, sa ikawalo
ng gabi ay lulubusin ng mga tulisan ang kuwartel at lolooban ang
kumbento. Bibihagin ang patrolya at papatayin ang lahat ng
Espanyol. Dali-dali ay ipinahanda na ng alperes ang mga sundalo
upang lihim na manambang sa kuwartel at kumbento.

Samanatal, nang mga sandaling iyon ay nagmamadali naming


nagtungo si Elias sa tahanan ni Ibarra. Sinabihan niya ang binate na
sunugin ang lahat ng dokumentong makasama sa kaniya. Sa
darating na gabi kasi’y sisiklab ang isang pag-aalsa at may isang
binayaran upang upang ituro si Ibarra bilang pinuno.Kailangan na
niyang tumakas sa San Diego upang hindi mapagbintangan.
Na bigla naman si Ibarra at sinabing nakatakda niyang katagpuin sa
gabi si Maria Clara. Agad-agad ay tinulungan ni Elias si Ibarra na
basahin at iwaksi isa-isa ang mga sulat. Maya-maya pa, Bigla
nanlaki ang mga mata niya nang Makita sa isang liham ang pangalan
ni Don Pedro Eibarramendia. Inihayag naman ni Ibarra na lolo niya
ito sa tuhod. Biglang-bigla,gumuhit ang poot sa mukha Elias.
Kumuha siya ng punyal. Si Don Eibarramendia ang sanhi ng lahat ng
kasawian ng kaniyang ninuno! Kailangan niyang panagutin si Ibarra
! Ano’t pagkaraan ng ilang saglit ay natauhan din si Elias . Dagli
niyang binitawan ang sandata at saka parang baliw na nagtatakbo
sa lansangan. Sa kabilang banda. Sa tahanan ni kapitan tiago ay
hinihintay pa rin ni Maria Clara ang pagdating ng kapitan. Sa isang
tabi’y hindi naman mapalagay si Padre Salvi at panay ang malik-
balik na paglalakad. Kapagdaka, tumugtog ng ikawalo ang orasan at
nanghihilakbot na napaupo sa isang sulok ang kura.
Tahimik siyang nagdasal. Pagdaka’y dumating na sa bahay si Ibarra
at malugod siyang sinalubong ni Maria Clara. Ngunit ‘di naglipat-
saglit, biglang pumuyos ang putukan sa labas. Napapatigagal ang
lahat. Bawat isa’y nagkagulo sa loob ng bahay ni Kapitan Tiago.
Mabilis silang nagsikubli habang panay pa rin ang kalabugan sa
labas. Nang sa wakas ay maparam na ang mga ingay, dagling
pinalabas ng alperes ang kura sa pinagtataguan nito. Umalis na sila.
Si Ibarra rin ay gulo ang isip na nanaog sa bahay. Walang katao-tao
sa daan. Sa kuwartel ay nakabayoneta pa ang mga sundalo, habang
sa kuwartel ay umaalingawngaw ang mga tungaway.Doo’y
nangingibabaw ang boses ng alperes sa pag-uutos na dakpin at
gapusin ang mga tulisan. Nang marating na ni Ibarra ang tahanan ay
inihanda na niya ang kaniyang maleta. Kinuha niya ang lahat ng
kaniyang gamit,alahas, at sandata maging ang litrato ni Maria Clara
Biglang-bigla, kumalabog ang kaniyang pinto. Sinunggaban si Ibarra
ng tatlong sundalo. Sa ngalan ng hari’y siyang dinakip ng sarhento.

Samantala,tuliro pa rin ang isip ni Elias. Nagpatuloy siya sa


paglalagalag sa kagubatan at tabing-lawa. Wari siyang hinahabol ng
kaniyang malagim na nakaraan. Kapagdaka ay nakarinig siya ng mga
angilan at putukan. Dali-dali siya nagtungo sa bayan atnag desisyon
na pumuslit sa tahanan ni Ibarra. Binuhusan ni Elias ng petrolyo ang
mga pepels ng binate at saka sinindihan. Kinuha niya rin ang mga
sanda ni Ibarra pati ang larawan ni Maria Clara bago tumalon sa
durungawan. Walang anu-ano,sumabog ang tahanan ni Crisostomo.
Lahat ay nasindak sa napakalaking sunog. Walang nagawa ang mga
guwardiya sibil upang isalba ang mga dokumento. Ang lahat ay
buong-bagsik nang nginasab ng apoy..
Kinaumagahan,kumalat ang iba’t ibang usapan sa buong bayan. Mga
pala-palagay na siyang higit na nagpalabo sa tunay na naganap.
May ilang nag sabing pangkat ‘di umano si Kapitan Pablo ang
nagpasimuno ng gulo. Haka naman ng iba’y naglaban ang kura at
alperes, at may nag-alsa rin ang mga Tsino. Tinatayang labing-apat
ang nasawi sa engkwentro. Kabilang sa mga nabilanggo si Don
Filipo. Samantala, anang isang lalaki, ang kaguluha’y paghihiganti
raw ni Ibarra dahil balak nang ipakasal ni Kapitan Tiago ang anak
kay Linares. Tangka niyang patayin ang lahat ng malulupit na
Espanyol,pati na rin ang kura.Biglang-bigla ,naputol ang kanilang
usapan nang may nagbalitang isang bangkay ang natagpuang
nakabitin sa punong santol ng kapitbahay . Agad namang nagtungo
doon ang mga usyoso at kinilalang bangkay. May pilat ito sa mukha.
Si Lucas. Hindi nagluwat, isang tagabukid na may malapad na
salakot ng dumating.
Sinuri nito ang bangkay. May mga pasa ito at galos, at may mga
amorsekong nakadikit sa damit. Dali-dali ay nagtungo ang taga
bukid sa simbahan upang mapamisa. Ano’t nang makaharap niya
ang sakristan mayor, sininghalan siya nito at sinabing magbalik na
lang kinabukasan . Subalit hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang
mga amorseko sa pantalon at baro ng sacristan mayor. Paglabas ng
taga bukid ay hinubad niya ang suot na salakot. Tumambad ang
mukha ng nagbabalat-kayong si Elias.

Sa kabilang dako, sa tribunal ay inumpisahan nang ilabas ang mga


nadakip sa kaguluhan noong nakaraang gabi. Sumingaw ang
maalingasaw na amoy nang buksan ng mga sundalo ang bilangguan.
Pirming nakamasid sa isang gilid si Donya Consolacion.
Ang isang bilanggo’y si Tarsilo, ang kapatid ni Bruno ,gula-gulanit
ang damit at nakaposas. Ang isa nama’y si Andong , pipilay-pilay
dahil sa sugat sa hita. Sila lamang dalawa ang nahuling na buhay.
Ilang saglit pa’y inumpisahan nang usugin ng mga alperes at si
Tarsilo. Itinanong niya kung ano ang pangako sa kaniya ni Ibarra.
Ano’t sinabi ni Tarsilo na kailanman ay hindinila nakausap si
Crisostomo. Sumama lang siya sa pag-aaklas upang ipaghiganti ang
ama niyang pinatay sa palo. Nang tanungin naman siya ng alperes
kung sino ang mga kasabwat niy ay hindi siya umimik. Walang habas
siyang pinaghahagupit ng yantok. Nang mamasdan naman ni Tarsilo
si Donya Consolacion ay inuyam niya io at sinabing sya ang pinaka
kapangit na babae sa lahat. Nanggalaiti sa galit ang donya at
iniutos na dalhin sa balon ang binate. Yari sa batong buhay ang
balon at naiimbakan ng napakaraming basura. Sa utos ng alperes
ay inilublob-iniahon si Tarsilo sa maangot na balon.
Subalit bigo pa rin silamg pakantahin ang binata. Maya maya pa’y
binawian din ng buhay si Tarsilo matapos malunod sa balon . Sa
bibig niya’y lumabas ang maburak na nainom na may kasamang
dugo . Pagkaraan niyon ay inumpishan naman usugin ang isa pang
bilanggo. Nanginginig sa takot si Andong nang kapanayamin ng
direktorsilyo . Aniya, isa lang siyang hamak na mananabas ng
niyong alila ng kaniyang biyenan. Noong nakaraang gabi ay
nagtungo siya sa kuwartel upang magbawas dahil bulok ang
ipinakain sa kaniya ng biyenan. Ano’t nang tatayo na siya upang
itaas ang salawal ay biglang sumiklab ang mga putukan . Wala
siyang kinalaman sa naganap na aklasan. Nagbingibingihan naman
ang alperes at pinaghahagupit siya ng yantok. Pagkatapos ay
iniutos niya sa mga sundalo na ibalik na si Andong sa bilangguan.
Sa pagsapit ng hapo ay dadalhin na siya sa kabisera.
Kumalat sa buong bayan ang balita na ang mga bilanggo’y iaalis
na. Buong hinagpis na nanangis ang mga kaanak ng mga bilanggo.
Nagpauli-uli sila sa kumbento,kuwartel,at tribunal. Sumigaw sila’t
nanaghoy ngunit walang nakamit na anuman. Nagkulong naman ang
kura sa kaniyang kuwarto at pinasabing may sakit. Samantala,
dinagdagan na ang mga guwardiya para sa alperes. Ikalawa ng
hapon nang dumating ang karong walang bubong. Kasabay niyon ay
inilabas na ang mga bilanggo. Panay ang hagulgol ni Doray nang
Makita ang nakagapos niyang asawang si Don Filipo. Parang batang
umiiyak naman si Antonio na anak ni Kapitan Tinay. Nakahikbi din si
Andong nang Makita ang biyenan na siyang may dahilan ng kaniyang
kasawiampalad. Kagaya ng kambal na anak ni Kapitan Maria,ang
dating seminaristang si Albino ay nakagapos din. Ang tanging hindi
nakagapos ay si Crisostomo Ibarra na napagigitnaan ng dalawang
guwardiya sibil.
Naghiyawan ang mga tao at sinabing kung sino pa ang may-sala ay siya
pang hindi nakatali. Agad naming ipinagapos ni Ibarra ang sarili sa mga
guwardiya. Maya-maya pa’y lumitaw ang nakababayong alperes kasama
ang may labinlimang armadong sundalo. Habang nag-umpisa na ang
prusisyon ay pumalahaw muli ang kaanak ng mga Bilanggo. Hinamak nila
si Ibarra at binansagang isang duwag na karapat-rapat bitayin.
Napayuko na lamang ang binata. Ngayo’y wala na siyang tahanan,
kaibigan, at kinabukasan. At ang mga sumpang iyon ang siyang paalam
sa kaniya ng byang may-ari ng lahat niyang pagmamahal. Samanatala sa
isang dako’y malungkot na nakatanaw sa prusisyon si Pilosopong Tasyo.
Maputla siya at napakapayat na. Timtim na naninimdim saq kinasapitan
ni Ibarra.Kinaumagahan, natagpuan siyang isang malamig nang bangkay
sa kaniyang luksang tahanan.Matapos sunugin ang lahat ng kaniyang
mga libro ay inilibing si Pilosopong Tasyo sa sementeryo ng mga Tsino.

You might also like