Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 101

Mga Salitang Pangnilalaman

1. Mga Nominal 5. Mga Panuring


2. Mga Pangngalan 6. Pang-uri
3. Mga Panghalip 7. Pang-abay

4. Mga Pandiwa 8. Mga Salitang Pangkayarian


1. Mga Nominal
2. Mga Pangngalan
3. Mga Panghalip
4. Mga Pandiwa
PANDIWA
Ayon sa kahulugang pansemantika salitang
nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang
lipon ng mga salita.

Halimbawa
1. Ang konstabularya ay naglunsad
ng puspusang pagsugpo sa mga
bandido.
PANDIWA
Pananaw na istruktural, ang pandiwa ay
nakikilala sa pamamagitan ng mga
impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa
uri ng kilos na isinaad nito. Nagbabago ang
anyo ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto ayon
sa isinasaad nitong kilos.

Halimbawa
1. Nagdadasal na ang mag-anak. (perpektibo)
2. Nagdarasal ang mag-anak. (imperpektibo)
3. Magdarasal na ang mag-anak. (komteplatibo)
Kayarian ng Pandiwa
Ang pandiwang Filipino ay nabubuo
sa pamamagitan ng pagsasama ng isang
salitang-ugat at ng isa o higit pang
panlapi. Ang salitang ugat ang
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa
samantalang ang panlapi naman ang
nagpapahayag ng pokus o relasyong
pansemantika ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangugngusap.
Halimbawa:

Ang pandiwang nagdasal sa


pangungusap ay binubuo ng panlaping
nag- (buhat sa mag-) ang nagpapakita
na ang paksa ang tangaganap ng kilos
na isinasaad sa pandiwa, samantalang
ang salitang-ugat na dasal naman ang
nagpapahayag ng kilos.
Mga Kaganapan ng Pandiwa

• ito ang tawag sa bahagi ng panaguri


na bumubuo o nagbibigay ng ganap na
kahulugan sa pandiwa at magagawang
paksa ng pangungusap kung babaguhin
ang pokus ng pandiwa.
1. Kaganapang tagaganap
Ito ay ang bahagi ng panaguri na
gumaganap sa kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Halimbawa:
Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang anibersaryo ng
kanilang samahang pansibiko.

2. Kaganapang layon
Ito ay nagsasaad ng kung ano ang
bagay o mga na tinnutukoy sa pandiwa.
Halimbawa:
Nagpasadya ng ako sa Parañaque ng binurdang husi.
3. Kaganapang tagatanggap
ito ay nagsasaad kung sino ang
nakikinabang sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagluluto sina Emeralda ng halayang ube para sa aking mga
panauhin.

4. Kaganapang ganapan
Nagsasaad ng lugar na ginagaganapan
ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Naglaro ng basketbol sa Rizal Stadium ang koponan ng aming
pamantasan.
5. Kaganapang kagamitan
Nagsasaad kung anong bagay,
kagamitan o instrument ang ginamit
upang magawa ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Binungkal ng tatay ang lupa sa pamamagitan ng asarol.

6. Kaganapang sanhi
Nagsasaad kung ano ang dahilan ng
pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Yumaman siya dahil sa mina ng langis.
7. Kaganapang direksyunal

Nagsasaad ng direksyon ng kilos na


taglay ng pandiwa.

Halimbawa:
Nagtungo sila sa Baguio.
Mga Pokus ng Pandiwa

• ito ang tawag sa relasyong


pansemantika ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangungusap. Naipakikita ito sa
pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa. Nagkakaroon ng iba’t ibang
pokus ang pandiwa ayon sa kung ano
ang kaganapan ng pandiwa sa pusisyong
pampaksa o pansimuno ng pangungusap.
1. Pokus sa tagaganap
panaguring nasa pokus sa tagaganap
ang pandiwa + paksa.
Halimbawa:
Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.

2. Pokus sa layon
panaguring nasa pukos sa layon ang
pandiwa + paksa.
Halimbawa:
Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.
3. Pokus sa ganapan
Panaguring nasa pukos sa layon ang
pandiwa + paksa.
Halimbawa:
Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.

4. Pokus sa tagatanggap
Panaguring nasa pokus sa tagatanggap
ang pandiwa + paksa.
Halimbawa:
Ibinili ko ng ilaw na kapi ang pinsan kong nagbalikbayan.
5. Pokus sa kagamitan
Panaguring nasa pokus sa kagamitan
ang pandiwa +paksa.
Halimbawa:
Ipinapunas ko ng mga kasangkapan ang basahang malinis.

6. Pokus sa sanhi
Panasguring nasa pokus sa sanhi ang
pandiwa + paksa.
Halimbawa:
Ipinagkasakit niya ang labis na paghitit ng opyo.
7. Pokus sa direksyon

Panaguring nasa pokus sa direksyon ang


pandiwa + paksa.

Halimbawa:
Pinagpasyalan ng aking mga panauhing kabilang sa Peace
Corps ang People’s Park.
Mga Aspekto ng Pandiwa

• Ang aspekto katangian ng pandiwa


na nagsasaad kung naganap na o hindi
pa nagaganap ang kilos, at kung
nasimulan na at kung natapos na nang
ganapin o ipinagpatuloy pa ang
pagganap.
1. Aspektong perpektibo

Nagpapahayag ito ng kilos na nasimulan


na at natapos na.

2. Aspektong perpektibong katatapos


Nagsasaad ito ng kilos na kayayari o
katatapos lamang bago nagsimula ang
pagsasalita.
3. Aspektong imperpektibo

Ito ay nagpapahayag ng kilos na


nasimulan na ngunit di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.

4. Aspetkong kontemplatibo

Ito ay naglalarawan ng kilos na hindi pa


nasisimulan.
Anyong Pawatas Perpektibo Perpektibong Imperpektibo kontemplatibo
katatapos

ligawan niligawan kaliligaw Nililigawan Liligawan

Maglakbay nilakbay kalalabay Nilalakbay lalakbayin

Umibig inibig kaiibig Umiibig iibigin


Mga pandiwang di-karaniwan
• Ito ang tawag sa mga pandiwang
nagkakaroon ng mga pagbabagong
mormpoponomekong pagkakaltas ng
ponema o mga ponema, pagpapalit ng
ponema o metatesis. Naipaliwanag na sa
sinimulan ng seksyong ito ng morpolohiya
kung ano ang ibig sabihin ng mga
pagbabagong morpoponemikong ito.
Halimbawa ng mga pandiwang di-karaniwan na may-
pagkakaltas ng ponema o mga ponema.

Salitang- + panlapi di-karaniwang anyo


ugat ng pawatas
Buhos + -an Buhusan Busan
Dumi + -han Dumihan Dumhan
Higit + ma-…- Mahigitan Mahigtan
an
Batá + -hin Batahin Bathin
Damá + Pa-…- padamahin Padamhin
hin

Halimbawa ng pagbabagong nagaganap ay hindi


lamang pagkakaltas kundi nagkakaroon din ng dagdag
na ponema tulad ng dinig+ -in -> dinigin dinggin
Hal. na may metatesis o paglilipat ng mga ponema.
Mapapansin na bukod sa metatesis ay mayroon ding
nawawalang ponema.

Salitang + panlapi di-karaniwang


-ugat anyo ng pawatas
Atip + -an atipan Aptan

Silid + -an silidan Sidlan

Tanim + pag-…- pagtaniman Pagtamnan


an
Hal. naman ay mga pandiwang may ponema o mga
ponemang napapalitan ng ibang ponema.

Salitang- + panlapi di-karaniwang


ugat anyo ng pawatas
Tawa + -han Tawahan Tawanan
Halili + -han Halilihan Halimhan
Pawis + pag-…- Pagpawisan Pagpusan
an
MGA PANDIWANG KATAWANIN AT
PALIPAT
o Ito ay hindi maaaring lagyan ng
kaganapang tuwirang layon. Nagtataglay ito ng
kahulugang buo na sa ganang sarili kaya’t hindi
na nangangailangan ng tagatanggap ng kilos.
Hal.

1. Kumulo nag tubig.


2. Nagpagawa siya ng bag na abaka sa
Bicol.
3. Nagpagawa siya ng bag sa Bicol.
MGA PANDIWANG KATAWANIN AT
PALIPAT

o Ang tuwirang layon ay pinangungunahan


ng pang-ukol na ng, sa o kay. Narito ang mga
halimbawang pangungusap.
1. Umangkat ng mga makinarya ang
Pilipinas.
2. Nagtanong kami sa pulis. Kung saan ang
papuntang Liliw.
3. Naghintay sila kay Dr. Perez.
MGA PANLAPING MAKADIWA

- Tinatawag na panlaping makadiwa ang


mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng
mga pandiwa. Tulad ng mga panlaping
makadiwa ay maaring iba’t iba ang
kahulugang isinasaad..
MGA PANLAPING MAKADIWA
1. Um/-um-
Nagsasaad ng karaniwang kilos, tulad ng kilos na
personal.
Lumindol lumaki tumaba
Kumindat tumubo gumaling

2. mag-
Ginagamit sa sa pokus ng pandiwa na tagaganap
at nagsasaad din ng kilos.
Magligpit magdamdam mag-ari
Mag-aral magtanim maghulog
MGA PANLAPING MAKADIWA
3. mag-
nagsasaad ng paulit-ulit na kilos.

Magluluha magbabasa
Magtatawa maghihiwa

4. mag-
nagsasaad ng pagiging isang may angking
propesyon o gawaing isinasaad ng salitang-ugat.

Magdoktor magmananahi magguro


Mag-elektrisista magsundalo magdekano
MGA PANLAPING MAKADIWA
5. mag-…-an ... –han
nagsasaad ng tambingang kilos o kilos na
sabayan. Nasa sa pokus ng tagaganap.
Maglundagan magkainan magsulatan
Mag-iringan magmurahan magsamahan

6. magka-
nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay o
pagkaganap ng diwang isinasaad sa salitang-ugat..
Magkasalapi magkakotse magkaaklat
Magkatitulo magktrabaho magkagulo
MGA PANLAPING MAKADIWA
7. magma-
nagsasaad ng pagpilit o pagpapanggap na
maging tulad ng isinasaad ng salitang-ugat.
Magmabuti magmagaling magmarunong
Magmaganda magmalinis magmabilis

8. magpa-
nagsasaad ng pagpapagawa sa iba ng kilos na
isinasaad ng salitang-ugat.

Magpatanim magpasingkaw magpaagiw


MGA PANLAPING MAKADIWA

9. magpaka-
o nagsasaad ng pagpipilit na maging tulad ng
isinasaad ng salitang-ugat sa masidhing kaantasan.
Magpakabait magpakasawa
magpakadunong
10. magpati-
o nagsasaad ng boluntaryong paggawa sa kilos na
isinasaad ng salitang-ugat dahil sa sitwasyong di-
maiwasan.
Magpatihulog magpatibuwal
Magpatiwakal magpatianod
MGA PANLAPING MAKADIWA

11. magsa-
o nagsasaad ng paggaya sa kilos o katangian ng
tinutukoy sa salitang-ugat o sa salitang nilapian.
Magsamahirap magsamarunong
magsamayaman
12. magsi-
o unlaping nasa pokus na tagaganap at anyong
maramihan ng mag-.
Magsiawit magsitulong
magsikuha
MGA PANLAPING MAKADIWA
13. ma
nagsasaad ng kakayahang gawain ang kilos na
isinasaad sa salitang-ugat.

Maawit matawag maluto

14. ma
o nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap sa kilos
ng salitang-ugat.

Madulas masarap maantog


MGA PANLAPING MAKADIWA

15. ma-… -an ~ -han


o nagsasaad ng kakayahang gawin sa iba o sa
isang lunan ang kilos na isinasaad sa salitang-ugat.
Maawatin matatakan maturuan
16. mai-
o nagsaad ng kilos na ginaganapan sa isang bagay
o para sa iba.
Mailabas maisulat maigisa
MGA PANLAPING MAKADIWA
17. maipa-
o nagsasaad ng ng pagpapagawa ng kilos na
isinasaad ng salitang-ugat.
Maipaluto maipahiwa maipapulot
18. maipag-
o hango sa ma-, nasa pokus tagatanggap o
benepaktibo ng pagpapagawa sa iba ng kilos na
isinasaad ng salitang-ugat.
o Maipagluto maipagsigang
maipaglinis
MGA PANLAPING MAKADIWA
19. maipag-
o nagsasaad ng paggawa sa isang bagay ng kilos
na isinasaad ng salitang-ugat.
Maipagbili maipagtanggi
maipagatago
20. maka-
o nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na
nasa salitang-ugat.
Makatagal makasagot makatulong
MGA PANLAPING MAKADIWA
21. maka-
o nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap.
Makasampal makakain
makaamoy
22. makapag-
o nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos sa
salitang-ugat.
Makapagsalita makapagsulat
makapaghiwa
MGA PANLAPING MAKADIWA
23. makapang-~makapan-~makapam-
o nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos sa
salitang-ugat.
Makapang-umit makapandaya
makapamatok
24. mapa-
o nagsasaad ng kakayahang magawa ang sa isang
tao o sa isang bagay ang kilos o diwang isinasaad ng
nilalapian.
Mapadulas mapatango mapauwi
MGA PANLAPING MAKADIWA
25. maki-
o nagsasaad ng pakikiusap upang sumama sa
ibang tao sa pagganap sa kios ng pandiwa.
Makipulot makiani
makihukay
26. makipag-
o nagsasaad ng kilos na ginaganapan nang may
kasama.
Makipagsayaw makipaghiwalay
makipagatalik
MGA PANLAPING MAKADIWA
27. mang-~man-~mam-
o kasingkahulugan at katulad ng mag- sa pokus;
lamang ay may dagdag na kahulugang maramihang
pagganap.
Manghatak mandambong
mambutas
28. mangag-
o maramihang anyo ng mag-. Arami ang
gumaganap sa kilos ng pandiwa.
Mangag-aral mangagbalik
mangagdilig
MGA PANLAPING MAKADIWA
an~-han
o Hulaping nasa pukos na ganapan at nagsasaad
na gawain sa isang tao, bagay, hayop o lunan ang kilos
o diwang isinasaad sa nilalapian.
Gawan pakuan
lipstikan
30. i-
o unlaping nasa pokus na kagamitan at nagsasaad
ng paggamit sa isang bagay.
Isulat itusok ikayod
MGA PANLAPING MAKADIWA
31. i-
o unlaping nasa pokus na tagatanggap at
nagsasaad na gawain para sa iba ang isinasaad ng
salitang-ugat.
Ikanta itingin itango
32. i-
o unlaping nasa pokus sa layon, nagsasaad ng
aggawa sa isang bagay ng kilos na anasa pandiwa.
Isabit ipukol ilakad
MGA PANLAPING MAKADIWA
33. –in~ -hin
o Nagsasaad ng pagganap ng kilos sa paksa nito.
Mahalin punitin
tirintasin
34. Ipa-
o Unlaping nasa pokus sa layon. Nagpapahayag ng
pagpapagawa sa ia ng kilos sa salitang-ugat.
Ipahuli ipaawit
ipapunas
MGA PANLAPING MAKADIWA
35. Ipaki-
o Kasingkahulugan at katulad ng ipa- sa pokus;
lamang ay may dagdag na kahulugang pakikiusap.
Ipakisundo ipakitilad ipakibabad
36. Ipakipa-
o Katulad ng ipaki- sa pokus. May kahulugang
nakikiusap na ipagawa sa iba ang kilos ng pandiwa.
Ipakipambuhay ipakioabilin
ipakipasundi
MGA PANLAPING MAKADIWA
37. Isa-
o Unlaping nasa pokus sa layon. May kahuugang
ilagay sa kalagayang nasa salitang-ugat ang paksa.
Isaayos isa-Pilipino
isapelikula
38. ka-… -an ~ -han
o may kahulugang gawin sa paksa ang kilos na
nasa pandiwa.
Kagalitan kainisan kabagutan
MGA PANLAPING MAKADIWA
39. pa…-in ~ -hin
o may kahulugang gawing sa paksa p ipagawa sa
paksa ang kilos na nasa pandiwa.
Padulasin pagandahin
palakarin
40. pag-… -an ~han
o may kahulugang gawin ang bagay o kilos sa
paksa ng pandiwa.
Pagsakahan paglugawan
paglawitan
MGA
41.
PANLAPING
papag-… -an ~ han
MAKADIWA
o may kahulugang pagawin ang isang tao ng kilos
na isinasaad ng salitang-ugat sa iang lugar o sa isang
tao.

papagsayawan papaglutuan
papagpagkuhan

42. papag-… -in~ -hin


o may kahulugang payagannnn o utusan ang
tinutukoy sa paksa na gawin ang kilos na isinasaad sa
salitang-ugat.
Papag-aralin papag-awayin
papagabayuhin
MGA PANLAPING MAKADIWA
43. paka-… -an~ -han
o nagsasaad ng kilos na pinagbubuti o may
katindihan.
Pakainaman pakahabaan
pakadamihan
44. paki-… -an ~ -han
o may kahulugang nakikiusap na gawin sa paksa
ang kilos sa salitang-ugat..
pakiputalan pakilagyan pakitusukan
5. Mga Panuring
6. Mga Pang-uri
PANG-URI
Mga salitang nagsasaad ng katangian o uri
ng tao, hayop, bagay,lunan, atb.

Halimbawa
1. Ang konstabularya ay naglunsad
ng puspusang pagsugpo sa mga
bandido.
GAMIT NG PANG-URI
Panuring ng Pangngalan

Mararangal na tao ang pinagpapala.

Panuring ng Panghalip

Kayong masisigasig ay tiyak na


magtatagumpay.
GAMIT NG PANG-URI
Pang-uring ginagamit bilang Pangngalan

Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

Pang –uring Kaganapang Pansimuno

Mga madasalin ang mga Pilipino.


KAYARIAN NG PANG-URI
Payak
kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang
walang lapi.

Halimbawa:
Mainit ang ulo ng taong gutom.

Maylapi
kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
Tinatawag na panlaping makapang –uri ang mga
panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pang-uri.

Halimbawa : kalahi kayganda


mataas makatao
KAYARIAN NG PANG-URI
Inuulit
- salitang- ugat o salitang maylapi na may pag-uulit.
Maaring ganap o di-ganap ang pag-uulit.

Halimbawa:

Pag-uulit na Ganap: Pag-uulit na Di-ganap:


(ang) puti-puti (ang)liliit
putting-puti maliliit
KAYARIAN NG PANG-URI
Tambalan
- ang pang-uri kung binunuo ng dalawang salitang
pinag-iisa. Ang mga ganitong pang-uri ay maaaring
may kahulugang karaniwang o patalinghaga.

Mga Halimbawa:
Karaniwang kahulugan
taus-puso bayad-utang

Patalinghagang kahulugan
kapit-tuko bulang-gugo
KAILANAN NG PANG-URI
Isahan
- ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan.

Halimbawa :
Maligayang pamilya ang pamilyang malusog.

Dalawahan
- higit sa iisa ang inilalrawan.

Halimbawa:
Magkamukha ang magkapatid na Mike at Choy.
KAILANAN NG PANG-URI
Maramihan

- higit sa dalawa ang inilalarawan.

Halimbawa:
Magkakakulay ang mga Pilipino, Indonesyo at
Malayo.
KAANTASAN NG KASIDHIAN NG PANG-URI

Lantay
- karaniwanag anyo ng pang-uri

Halimbawa:
mayaman,pang-araro, palabiro

Katamtamang antas
- naipapakita sa paggamit ng medyo, nang bahagya,
nang kaunti, atb.

Halimbawa :
Medyo hilaw ang sinaing.
KAANTASAN NG KASIDHIAN NG PANG-URI

Masidhi

- naipapakita sa sa pamamagitan ng pag-uulit ng


salita, paggamit ng panlaping napaka, at paggamit
ng salitang lubha , masyado , talaga,atb.

Halimbawa:
pagakaganda –ganda ng look Taal
HAMBINGAN NG MGA PANG-URI
Pang-uring pahambing

- naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, atb.

Pasukdol

- naghahambing ng higit sa dalawa.


DALAWANG URI NG PANG-URING
PAHAMBING
Magkatulad
- kung ang mga pinaghahambing ay pareho o
magkapatas ng uri o katangian. Naipapakita ito sa
paggamit ng mga salitang ka-, sing-, kasing-, atb.
Halimbawa: Kamukha ni Mike ang ama niya.

Di-magkatulad
- kung ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng
uri o katangian. Naipapakita sa paggamit ng mga
salitang panghambing, tulad ng kaysa, di-tulad, di-
gaya, atb.
Halimbawa: Sariwa ang hangin sa bukid, di tulad ng
hangin sa lungsod.
DALAWANG URI NG PANG-URING
PAHAMBING
Pasukdol

- naipapakita sa pamamagitan ng mga panlaping


pinaka-, ka-, .. –an at ng pinagsamang salitang
walang at kasing-.

Halimbawa:

Pinakatanyag na laro sa Pilipinas ang basketbol.


MGA PAMILANG
- Ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilang
sapagkat ginagamit na panuring ng pangngalan o
panghalip.

Halimbawa sa pangungusap na:

1. Limang malalaking kaimito ang uwi niyang


pasalubong.
* ang pamilang na lima ay panuring ng pangngalang
kaimito samantalang sa pangungusap na

2. Sampung ganito ang kunin mo


* ang pamilang na sampu ay nagbibigay –turing sa
panghalip na ganito.
Mga Uri ng Pamilang

Pamilang na patakaran o pamilang na


kardinal
- Ang pamilang na patakaran ay ginagamit sa
pagbilang o sa pagsasaad ng dami.
Halimbawa:
isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito , walo,
siyam, at sampu.

Pamilang na panunuran o pamilang na


ordinal.
Mga Uri ng Pamilang

Pamilang na panunuran o pamilang na


ordinal
Ang pamilang na panunuran ay ginagamit sa
pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng tao,
bagay,atb. May panlapi itong ika- o pang-.
Halimbawa :

Anyong Ika-
Una,ikalawa,ikatlo,ikaapat, ikalima
Anyong Pang-
Pang-una, pangalawa, pangatlo, pang-apat,panlima
Mga Uri ng Pamilang
Ang pamilang na patakaran ay batayan ng iba pang
pang-uring pamilang: (1) pamilang na pamahagi
(fraction) (2) pamilang na palansak o papangkat-
pangkat (colective –distrubutive) at (3) pamilang na
pahalaga (unitary colective)

Ginagamit ang pamilang na pamahagi kung may


kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati. Ginagamit
dito ang panlaping ika- na tinatambalan ng salitang
bahagi, at ng panlaping ka- na buhat sa ika-.
Halimbawa :

Panlaping ika-
Ikaisang bahagi, ikalawang bahagi, ikatlong bahagi,
Panlaping ka-

Halimbawa:
kalahati (1/2), katlo (1/3), kapat (1/4)

* ang mga pamilang na nakatala sa itaas ay


nangangahulungang isang bahagi lamang ng kabuuan.
Kapag higit na sa isa ang tinutukoy a ganito na ang
paraan ng pagpapayag:
dalawang-katlo (2/3)
tatlong-kapat (3/4)
apat na kalima (4/5)
Ang mga pamilang na palansak o
papangkat-pangakat ay nagsasaad ng bukid sa
pagsasama-sama ng anumang bilan, tulad ng
tao, bagay, hayop,pook, atb. Naipapakilala ito
sa pamamagitan ng:
1. pag-uulit nang ganap o parsyaln sa
pamilang na patakaran.
Halimbawa :
isa-isa , dala-dalawa, tatlu-tatlo,
apat-apat, lima-lima
2. Paggamit ng panlaping –an ~ -han
Halimbawa :
Isahan, dalawahan, tatluhan,
apatan, limahan
3. Pag-uulit ng unang pantig ng pamilang
Halimbawa :

iisa , dadalawa, tatatlo,aapat,lilima


5. Sa paggamit ng panlaping tig -, na may
kahulugang paghahati nang magsindami.
Halimbawa :
tig-isa o tigisa,tigdalawa o tigadalawa,
tigtatlo o tigatlo, tig-apat o tagapat
Maaari ring ulitiin ang unang KP ng salitang-ugat o unang dalawang
pantig ng pamilang na mayroon nang panlaping tig- o kaya’y ang
buo o bahagi ng saliatang ugat.

Halimbawa :
tig-iisa o tigi-tigisa o tig-isa-isa
tigdadalawa o tiga-tigalawa o tagdala-dalawa
Ang pamilang na pahalaga ay ginagamit para
sa pagsaaad ng halaga ng bagay o mga
bagay. May dalawang panlaping ginagamit sa
ganitong uri ng ng pamilang, ang mang- na
ginagamit kapag ang presyo ay isang yunit
lamang ng halaga, at ang tig- na maaring
gamitin sa kahulugang isa o higit pang yunit ng
halaga.
Halimbawa :
mamera (buhat sa mang- + sampera)
mamiso (buhat sa mang- + isang piso)
Mga Salitang
8.
Pangkayarian
MGA SALITANG PANGKAYARIAN

Mga Pang-ugnay Mga Pananda

1. Pangatnig 1. Pantukoy
a. Pamukod e. Panapos
b. Panubali f. Panlinaw 1. Pantukoy na
c. Paninsay g. Panimbang Pambalana
d. Pananhi h. Pamanggit
i. Panulad 1. Pantukoy na
Pantangi
2. Pang-angkop
a. (na)
b. (-ng)
c. (-g)
3. Pang-ukol
Mga Pang-ugnay
- salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang salita, parirala, o sugnay.

MGA URI NG PANG-UGNAY

1. Mga Pangatnig

2. Mga Pang-angkop

3. Mga Pang-ukol
1. Mga Pangatnig
- ang tawag sa mga kataga o salitang
naguugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
URI NG PANGATNIG
*PAMUKOD *PANAPOS
*PANUBALI *PANLINAW
*PANINSAY *PANIMBANG
*PANANHI *PAMANGGIT
*PANULAD
A. PAMUKOD
ginagamit sa pagbubukod o
pagtatangi.
ni man
o maging

Halimbawa:
1. Ikaw o ang iyong anak ang magdurusa kung
napakalaki ng inyong pamilya.

2. Walang diperensiya sa aking maging si Jose ang


magwagi sa paligsahan.
B. PANUBALI
nagsasabi ng pag-aalinlangan.
kung pag
kapag sakali

Halimbawa:
1. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi uuwi ng
maaga ang tatay.

2. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling


lumitaw ang buwan.
C. PANINSAY
nag-uugnay ng magkatimbang
na salita, parirala o sugnay.
datapwat ngunit kahit
maging samantala subalit

Halimbawa:
1. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada
naman.

2. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit


maraming naninira sa kanya.
D. PANANHI
nagbibigay ng dahilan o katuwiran
sa pagkaganap ng kilos.
dahil sa sapagkat
sanhi sa mangyari

Halimbawa:
1. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.

2. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.


E. PANAPOS
nagsasaad ng nalalapit na
katapusan ng pagsasallita.
sa lahat ng ito sa bagay na ito
sa wakas upang

Halimbawa:
1. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong
promosyon sa trabaho.

2. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang


paghuhusga.
F. PANLINAW
upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit.
kaya sa madaling sabi
kung gayon samakatuwid

Halimbawa:
1. Nagkamali siya ng pinasok na silid kaya siya ay
pinagtawanan.

2. Nagkasundo na ang magkaibigan, kung gayon


magkakasama na silang muli sa paaralan.
G. PANIMBANG
ginagamit sa paghahayag ng
karagdagang impormasyon at
kaisipan.
at-saka kaya
pati anupa’t

Halimbawa:
1. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

2. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.


H. PAMANGGIT
pangatnig na nagsasabi lamang ng
iba.
di umano raw
daw Sa ganang akin

Halimbawa:
1. Di umano, mahusay umawit si Ivan.

2. Siya raw ang hari ng sablay.


I. PANULAD
gumagaya o tumutulad ng mga
pangyayari o gawa.
kung sino…siya rin
kung gaano…siya rin
kung ano…siya rin

Halimbawa:
1. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.

2. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.


2. Mga Pang-angkop
mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod
na salita sa pangungusap upang maging
madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito.

3 URI NG PANG-ANGKOP

na g
ng
na
nag-uugnay ng dalawang salita
na kung saan ang naunang salita
ay nagtatapos sa mga katinig
maliban sa titik n. Isinusulat ito
nang kahiwalay sa mga salitang
pinag-uugnay.

Halimbawa:
1. Ang malinis na hangin ay ating kailangan.

2. malalim – bangin = malalim na bangin


ng
Ito ay isinusulat karugtong ng mga
salitang nagtatapos sa mga
patinig (vowel). [a, e, i, o u]

Halimbawa:
1. Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang
baha.

2. madamo – hardin = madamong hardin


g
ginagamit kung ang salitang
durogtungan ay nagtatapos sa
titik na n.

Halimbawa:
1. Isang masunuring bata si Mimi.

2. balon – malalim = balong malalim


3. Mga Pang-ukol
bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa
pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-
abay sa ibang salita sa pangungusap.

DALAWANG PANGKAT NG PANG-UKOL

1. Ginagamit na pangngalang pambalana

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao


1. Ginagamit na pangngalang pambalana

 ukol sa  ayon sa
 laban sa  tungkol sa
 hinggil sa  para sa

Halimbawa:
1. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Laban sa manggagawa ang kanilang


pinapanukala.
2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao

ang gawa, ari, layon, at kilos ay


para lamang sa ngalan ng tao.
 ukol kay  tungkol kay
 laban kay  ayon kay
 para kay  hinggil kay
Halimbawa:
1. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay
nagdaragdag sa ating kaalaman.

2. Ang napili naming paksa para sa dula ay tungkol


kay Andres Bonifacio.
Mga Pananda
- nagbabadya o nagsisilbing tanda ng
gamit na pambalarila ng isang salita
sa loob ng pangungusap.

Mga Pantukoy

Pantukoy na Pambalana Pantukoy na Pantangi


 Ang/Ang mga  Si/Sina
 Kay/Kina
Ang/Ang mga

ginagamit sa pantukoy ng simuno


o pangngalan sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Sinulat ang pangalan ng mga maiingay sa pisara.

2. Ang mga kaibigan ni Chloe ay umuwi na.


Si/Sina

ginagamit sa pagtukoy ng tao o


mga tao sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Magkasama sina Aubrey at Rhodel sa simbahan.

2. Huli nanaman sa klase si Johnryl kanina.


Kay/Kina

isang pananda ng pangngalan na


ginagamit na layon ng pandiwa o
panuring.

Halimbawa:
1. Galing kina Rhona at Chamen ang mga bulaklak.

2. Ibinahagi ni Dom ang cake kay Dap.

You might also like