Repleksibong Sanaysay

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Modyul 6

Repleksibong Sanaysay
Bago ang lahat…

Magmuni-muni nang ilang


sandali. Matapos ay isulat sa
loob ng mga kasunod na
dialogue balloon ang iyong
mga iniisip at nadarama.
Ayon kay Margaret
Wheatly, Without
reflection, we go blindly on
our way , creating more
unintended consequences,
and failing to achieve
anything useful.
Ano ang Repleksibong Sanaysay?
• Ang repleksibong papel o mapagmuning
sanaysay ay isang pagsasanay sa
pagbubulay-bulay.
• Sa pamamagitan nito, natutuklasan ang
sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon
tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao,
at kung paano naaapektuhan ng mga ito.
• Bukod dito, ang pagsulat ng
repleksibong sanaysay ay isang gawaing
humahamon sa mapanuring pag-iisip.
Ang sulating ito ay maaaring nasa anyo
ng personal na sanaysay, lahok sa
journal, diary, reaksiyong papel, o
learning log.
• Hindi katulad ng ibang uri ng sanaysay,
hindi limitado ng kumbensiyon ang
repleksibong sanaysay kaya naman
marami ang nasisiyahan sa pagsulat
nito.
Kaiba ang repleksibong
sanaysay sa iba pang
akademikong sulatin dahil
karaniwan ay hindi na
kailangang sumangguni sa
ibang akda at manghiram
ng kaisipan.
Sa halip, nakabatay ito sa
pagpapahayag ng manunulat ng
sarili niyang pananaw batay sa
kaniyang karanasan. Bagaman
personal at subhetibo, kailangang
panatilihin ng manunulat ang
akademikong tono ng sanaysay.
Mahalaga ring maayos ang
organisasyon nito.
Kahalagahan ng Repleksibong
Sanaysay
 Lahat ng pagsulat ay proseso ng
pagkatuto.
 Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay,
tayo ay nagpapahayag ng damdamin, at
dito ay may natutuklasang bago tungkol
sa sarili, sa kapuwa, at sa kapaligiran.
Ang pagsulat ng repleksibong sanaysay
ay prosesorin ng pagtuklas.
 Sa pamamagitan din nito, natutukoy
natin ang ating mga kalakasan at
kahinaan, at nakaiisip tayo ng mga
solusyon sa mga problemang
kinahaharap natin.
 Hinahasa rin ng pasulat ng
repleksibong sanaysay ang kasanayan sa
metacognition o ang kakayahang suriin
at unawaiin ang sariling pag-iisip.
 Sa ibang salita, ito ang pag-iisip sa
kung ano ang iniisip natin.
Sa pamamagitan ng metacognition,
nalilinang ang mga estratehiyang
gagamitin upang matamo ang mga
inilatag na layunin.
 Hindi ito katulad ng trial-and-error na
estratehiya na nagdudulot ng paulit-ulit
na pagkakamali na humahadlang sa
pagkamit ng mga layunin.
 Sa pag-aaral nina Di Stefano, Gino, Pisano,
at Staats (2014), magiging mas mabisa ang
pagkatuto mula sa sariling karanasan kung
lalangkapan ito ng repleksiyon.
 Pinakita nila na ang repleksibong gawain
ay makapangyarihang mekanismo sa
pagkatuto.
 Sinang-ayunan nila mga pahayag ng
Amerikanong pilosopo, sikologo, st
edukador na si John Dewey: “Hindi
natututo sa karanasan… natututo tayo sa
pagbubulay sa ating karanasan.”
Mahalagang
Ideya

Ang repleksibong sanaysay ay hindi


lamang pagsasanay sa pagdidili-dili,
kundi sa pagsusuri at pag-unawa sa
sailing pag-iisip, damdamin, o kilos.
Mga katangian ng Repleksibong
Sanaysay
 Personal ang repleksibong
sanaysay.
Sa sulating ito, sinasagot ng
manunulat ang mga repleksibong
tanong na naglalayong ipakita ang
ugnayan ng manunulat sa kaniyang
paksa.
Halimbawa:
Ano ang iyong naging reaksiyon sa
pinanood mong teleserye?
Ano ang paborito mong asignatura sa
paaralan at bakit?
Paano mo iuugnay ang sarili sa
pangunahinh tauhan ng binasa mong
nobela?
Ano ang kalakasan at kahinaan mo sa
pagsulat?
Mahalagang
Ideya

Personal at subhetibo ang sanaysay


ngunit hindi ibig sabihing maari
nang isulat ang lahat ng pumasok
sa isipan. Kailangang sumunod pa
rin ito sa mga kumbensiyon ng
akademikong pagsulat.
Pagsulat ng Repleksibong Sanaysay
Paano ba magsulat ng repleksibong
sanaysay?
 Bago ito simulan, tanungin muna ang
sarili: Ano ang pakiramdam ko sa paksa?
Ano kaya ang magiging epekto nito sa
akin? Kung maapektuhan ako nito,
bakit? Kung hindi man, bakit? Tanungin
ang sarili ng mga personal na tanong.
 Magtanong nang magtanong.
Huwag limitahan ang mga tanong.
Ituon ang sarili sa mga kaalaman o
opinyong maaaring ibahagi.
Kapag nasagot ang mga ito, maaari
nang simulan ang pagsulat.
Pagsulat ng Repleksibong Sanaysay

 Ilista ang mga sagot sa mga tanong


at ibuod ang mga ito. Ang mga ito
ang magsisilbing pangunahing ideya
o tesis na gagabay sa pagsulat ng
repleksibong sanaysay.
 Kapag malinaw na ang tesis,
tukuyin ang mga argumento o
ideyang susuporta dito. Ilahad ang
mga ito sa mga talata na siyang
bubuo ng papel.
 Gumagamit ng mga ebidensiya o
makatotohang pahayag sa mga
talata upang mapatatag ang mga
inilalatag na opinyon.
 Mahalaga ito dahil ito ang
nagbibigay ng bigat at sustansiya sa
repleksiyon.
 Sa kongklusyon, ibuod ang
pangunahing ideya o tesis ng
sanaysay.
Maaaring mag-iwan ng mga
tanong,halimbawa, tungkol sa kung
ano ang pananaw ng iba sa paksa.
Kapag tapos na isulat ang papel, balikan
ang mga unang itinanong sa sarili. Ito ba
talaga ang pakiramdam ko sa paksa? Ito ba
talaga ang naging epekto nito sa akin?
Naapektuhan ba talaga ako ng aking
isinulat? Kung hindi, bakit kaya?
Ang mga pagtatanong na ito ay paraan
upang masiguro ang katapatan sa
pagsulat ng repleksibong sanaysay.
Maging tapat sa naiisip o
nararamdaman habang isinusulat ito.
Kung hindi, nawawalan ng saysay ang
pagsulat nito.
Mahalagang
Ideya

Sa pagsulat ng repleksibong
sanaysay, makatutulong kung
makailang ulit na tatanungin ang
sarili.
Mahalagang Pagkatuto

Nagsusulat tayo ng repleksibong


sanaysay hindi lamang upang
magpahayag ng saloobin at ipaalam
sa iba ang ating pananaw o opinyon
tungkol sa isang paksa, bagkus
nagsusulat tayo nito upang tayain at
suriin ang sarili nating pag-iisip,
damdamin, at kilos.
Maraming Salamat

You might also like