Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ano ang

kolonyalismo?
• Sa madaling salita, ito ay ang pagsakop ng isang
mas makapangyarihang bansa sa isang bansa na
mas mahina, na inaabuso ito sa ekonomikal na
paraan.
• Sa nagdaang mga panahon, ang Pilipinas ay
naging biktima ng kolonyalismo at imperyalismo,
sa kamay ng mga bansang Espanya at Estados
Unidos. Balikan natin ang kasaysayan kung paano
tayo naging biktima ng kolonyalismo sa loob ng
ilang daang taon.
Kolonyalismo sa
kamay ng mga
Espanyol
• Ang mga isla ng Pilipinas ay unang napansin ng mga
Europeo sa pamamagitan ng mga ekspidisyong kastila
sa buong mundo na pinangunahan ng Potuges na
manlalayag na si Ferdinand Magellan noong taong
1521. Si Magellan ay unang dumaong sa Cebu, na
sinasabing lupain na pag-aari ng Espanya. Ito ay
pinangalanan niyang Islas de San Lazaro. Si Magellan ay
nagkaroon ng pakikipagkaibigan sa lokal na mga lider
sa Cebu, na ang iba ay nagpabinyag bilang mga
Romano Katoliko. Subalit, si Magellan ay napatay ng
mga katutubo, na pinangunahan ni Lapu-lapu, na
lumaban sa tangkang pananakop ng mga banyaga.
• Sa paglipas ng ilang mga dekada, may iba pang
mga ekspidisyong isinagawa ang mga Kastila
papunta sa mga isla ng Pilipinas. Noong taong
1543, ang manlalayag na si Ruy López de
Villalobos ay nanguna sa isang ekspidisyon na
nagpangalan sa mga isla ng Samar at Leyte na
Las Islas Filipinas, na kinuha sa pangalan ni
Philip II ng Espanya. Ang pangalang iyan ay
ibinigay din sa buong arkepelago pag daan ng
panahon.
Ang pananakop
ng mga Kastila
• Ang pananakop ng mga kastila sa mga Pilipino ay hindi pa nagsisimula
bago ang taong 1565, nang ang isa pang ekspidisyon galing sa bagong
Espanya ay dumating sa Pilipinas. Ito ay pinangungunahan Miguel López
de Legaspi. Siya ang kauna-unahang gobernador heneral ng Pilipinas. Ang
pamahalaang Kastila ay madaling naitatag sa maliliit na mga kumunidad na
dating walang sentralisadong pamahalaan. Sa loob lamang ng anim na
taon pagkatapos na matalo ang mga lider na muslim, itinatag ni Legazpi
ang kabisera ng pamahalaang Kastila sa Maynila dahil sa ito ay may
malaking populasyon at malapit sa mga mapagkukunan ng bigas na nasa
mga palayan ng Central Luzon. Ang Maynila ang naging sentro ng aktibidad
ng mga kastila tulad ng sibil, militar at relihiyosong mga okasyon. Noong
1571, naitayo na ni Lopez de Legaspi ang Spanish city of Manila sa lugar na
dating okupado ng mga Moro na kanyang nasakop isang taon bago ang
1571. Ang Pilipinas ay pinamamahalaan na sakop ng probinsya ng New
Spain o Mexico hanggang sa ideklara ang kalayaan ng Mexico noong 1821.
• Ang mga mamamayan ng Maynila ay lumaban sap ag-atake
ng Tsinong pirata na si Limahong noong 1574. Sa loob ng
maraming siglo bago pa man dumating ang mga kastila, ang
mga Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa mga
Pilipino, subalit lumilitaw na hindi sila nanirahan ng
permanente sa bansa hanggang sa matapos ang Kastilang
kolonyalismo. Ang kalakal at lakas ng mga Intsik ay
mahalaga sap ag-unlad ng kolonyang Kastila dito sa bansa,
subalit ang mga Intsik ay kinaiinisan at kinatatakutan dahil
sa kanilang mabilis na pagdami. Kaya noong 1603, pinatay
ng mga Kastila ang libu-libung Intsik. Pagkatapos ng
patayang iyon, kakaunting Intsik na lamang ang pinapatay
ng mga Kastila.
• Ang Kastilang gobernador, na sa huli ay tinawag
na viceroy noong 1589, ay siyang taga pamahala
sa konsilyo ng makapangyarihang audiencia.
Nagkaroon ng manaka-nakang paghimagsik ang
mga Pilipino na ayaw sa sistemang encomienda.
Sa pagtatapos ng ika labing anim na siglo, ang
Maynila ay naging ang pangunahing sentro ng
komersyo sa buong Silangang Asya. Ang Pilipinas
ay nagbigay ng kayaman sa Espanya. Ginto at
kalakalang Galyon na dumadaan sa PIlipinas at
nakakarating sa China, India at East Indies.
• Ang kolonyalismo na ginawa ng mga Kastila ay hindi
masyadong madugo noong una, sapagkat ang mga
lugar na kanilang sinasakop ay hindi gaanong nanlaban
maliban lamang sa mga Moro. Isa sa pinaka mahirap na
problemang dinanas ng mga kastila ay ang kanilang
pagsakop sa Mindanao na pugad ng mga Moro. Bilang
ganti sa pag-atake sa kanila ng mga Kastila at mga
katutubong kakampi nito, sinalakay nila ang ilang lugar
sa Luzon at Visayas na hawak ng mga Kastila. Ang mga
Kastila naman ay nagsagawa ng maigting na kampanya
laban sa mga Muslim, subalit ito ay halos walang
epekto hanggang sa ika 19 siglo.

You might also like