Assignment in A

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Assignment in Araling

Panlipunam

Submitted by:

David,Rovan Kyrvy V.
• Maria Corazon C. Aquino

• (23 Enero 1933–1 Agosto 2009)

• First female President of the Philippines

• Isang “di-akalaing” pangulo si Maria Corazon Cojuangco Aquino


(Mar·yá Ko·ra·zón Ko·hwáng·ko A·kí·no) nang iluklok siyá sa
Malacañang ng People Power sa EDSA at maging unang babaeng
pangulo ng Republika ng Filipinas. Tinapos ng Pagaalsang EDSA ang
mahigit 20 taóng pamumunò ni Pangulong Marcos at ibinalik ng
pamumunò ni Pangulong Aquino ang demokrasya sa bansa.

• “Tita Cory” ang popular na tawag kay Pangulong Aquino. Taglay ng


palayaw ang pangyayaring tila isa lámang siyáng tahimik na
maybahay ng martir na si Benigno (Ninoy) Aquino Jr. ngunit
isinulong sa politika dahil sa pagpaslang kay Ninoy noong 21 Agosto
1983. Isinilang si Tita Cory sa Maynila noong 23 Enero 1933 at anak
nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong na kapuwa mula sa
mariwasa at politikong pamilya. Noong 1946, nagpunta sa Estados
Unidos ang kaniyang pamilya kayâ doon siyá nagtapos ng mataas na
paaralan at ng kursong Batsilyer sa Sining. Bumalik siyá sa Filipinas at
kumuha ng abogasya sa Far Eastern University ngunit hindi
nakatapos dahil ikinasal kay Ninoy. Nagkaroon silá ng limang anak:
sina Maria Elena, Aurora Corazon, Victoria Eliza, Benigno III (Noynoy)
na naging pangulo ng Filipinas, at Kristina Bernadette (Kris) na isang
popular na artista.

• Bago ang 1983, isang tapat na maybahay at mapagmahal na ina ang


tungkulin ni Tita Cory. Kailangan iyon upang maitaguyod ang
masiklab na karera ni Ninoy bilang politiko. Saksi at nása likod ni
Ninoy si Tita Cory mula sa panahon ng pag-akyat ni Ninoy bílang
lider ng oposisyon hanggang madestiyero ito sa Estados Unidos.

• Nang tumawag ng Snap Elections si Pangulong Marcos noong 7


Pebrero 1986, napagkaisahang ilaban ng oposisyon si Tita Cory.
Napasalin sa kaniya ang paghanga kay Ninoy. Nang magwagi ang
protesta ng taumbayan sa pamamagitan ng mapayapang na People
Power (tinatawag ngayong Pag-aalsang EDSA) at mapatalsik si
Pangulong Marcos noong gabi ng 25 Pebrero 1986 ay nanumpa na sa
umaga ng araw na iyon si Tita Cory bílang pangulo. Tumawag ng
Komisyong Konstitusyonal si Tita Cory upang bumuo ng bagong
Saligang-Batas. Sa kabilâ ng mga kudeta, isa-isang ibinalik ng
kaniyang administrasyon ang mga demokratikong institusyon.
Sinunod din niyá ang bagong 1987 Konstitusyon na bumabâ sa
tungkulin pagkatapos ng anim na taón. Ngunit patuloy siyáng
pumatnubay sa takbo ng politika at hindi lumipas ang kaniyang
pambihirang popularidad hanggang igupo ng karamdaman noong 1
Agosto 2009. (VSA)
• Melchora Aquino

• (6 Enero 1812–2 Marso 1919)

• Known as the “Mother of the Philippine Revolution”

• Binansagang “Tandang Sora” si Melchora Aquino (Mel·tsó·ra A·kí·no) bílang


pagkilála sa kaniyang paglilingkod at pagkakanlong sa mga kababayan noong
Himagsikang 1896 kahit na siyá ay nása katandaang gulang na. Itinuturing
siyáng “Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng Katipunan,” at “Ina ng
Balintawak.”

• Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa bayan ng Kalookan (at


ngayon ay matatagpuan sa Lungsod Quezon) kina Juan at Valentina Aquino,
pawang mga maralita. Sa kaniyang pagtigulang, ikinasal siyá kay Fulgencio
Ramos, isang cabeza del barrio. Nagsilang siyá ng anim na anak. Pumanaw si
Ramos noong pitóng taón pa lámang ang kanilang bunso. Kahit nag-iisang
magulang, naging abalá si Aquino sa mga pista, binyag, at kasal bílang hermana
mayor.

• Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Español noong 1896 ay 84 taóng
gulang na si Aquino. Ngunit hindi naging sagabal ang kaniyang edad upang
makapaglingkod sa mga Katipunero. Naging kanlungan ng mga hapo at
sugatang mandirigmang Filipino ang kaniyang tahanan at munting tindahan, na
ginagamit ding lihim na pulungan ng mga ito. Nangangalap din siyá ng mga
damit at gamot para sa kanila. Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan
Ramos ang pagpunit ng mga sedula sa Unang Sigaw.

• Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá at ipinatápon ng mga


Español sa Guam sa Islas Marianas. Nang masakop ng mga Americano ang
Filipinas noong 1898, kasáma si Aquino sa mga pinalaya at pinabalik sa bansa.
Namatay siyá noong 1919 dahil sa katandaan at inilibing sa sarili niyáng
bakuran, na ngayon ay bahagi na ng Himlayang Pilipino Memorial Park.
Ipinangalan sa kaniya ang isang distrito, isang barangay, at isang pangunahing
daan ng Lungsod Quezon. Siyá ang kauna-unahang Filipina na mailagay sa
salaping papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas (100 pisong papel mula 1951
hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5 sentimong barya mula 1967 hanggang
1992.

• Ipinahayag ang taóng 2012 na “Taon ni Tandang Sora” bílang paggunita sa


ikalawang sentenaryo ng kaniyang kapanganakan. Inilipat ang mga labí ni
Aquino mula sa Himlayang Pilipino patungo sa Pambansang Dambana ni
Tandang Sora sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon. (PKJ)
• ar-arosép
• Philippine Flora, Plants in the Philippines, Cooking ingredients, Filipino
cuisine, salad, aquatic plants, seaweed



• Isang uri ng kinakaing halamang-dagat ang Caulerpa lentillifera na higit
na kilalá sa pangalan nitóng ar-arosép sa Ilokano at lató sa Tagalog. Para
itong kumpol-kumpol na berdeng ubas kayâ sea grapes ang tawag sa
Ingles. Inalagaan na ito sa maraming pook sa Filipinas at sa Okinawa at
kinakain nang hilaw bílang ensalada. Mayaman ito sa iodine, iron,
calcium, at mga bitamina A at C. Kilalá itong omibudo sa Okinawa na
“ubas dagat” ang ibig sabihin.

• Masagana ang ar-arosep sa Pangasinan, lalo na sa mga bayan ng Agno,
Lingayen, at Bolinao. Karaniwang isinasawsaw lámang sa sukà ang hilaw
na ar-arosep. Ngunit sa Pangasinan, hinahaluan ito ng mga pinirasong
kamatis at bagoong (siyempre, bagoong pangasinan). May matagumpay
nang pond cultivation ng ar-arosep sa isla ng Mactan at ipinagbibili ang
ani sa Cebu at Manila.

• Umaabot ito sa 400 ektarya at umaani ng 12–15 tonelada ng sariwang
damong-dagat bawat ektarya taón-taón. Isang malaking problema ang
pagluluwas nitó sa ibang bansa dahil mabilis malanta. Kamakailan,
iniluluwas ang inasnang lato sa Japan at Estados Unidos.



• umilitaw sa pag-aaral na bumababà ang kalidad ng lato o ar-arosep dahil
sa pagkawala ng tubig na nangangahulugan ng pagkawala din ng iodine
at bitamina A. Lumilitaw din sa saliksik na naaapektuhan ang lasa nito ng
pagkawala ng tubig. Nababawasan ang pagiging madulas at makatas
nitó. Ang malaking problema, higit na malaking bahagi nitóng tubig at
iodine ang nawawala kapag malakas ang konsentrasyon ng asin. Sa
gayon, hindi nakaiinam ang mataas na konsentrasyon ng asin sa ar-
arosep na pang-export. Ngunit kailangan ang malakas na pag-aasin dahil
napananatili naman ang kulay, amoy, at itsura ng ar-arosep para sa
matagal na biyahe. (VSA)
• Arábe
• trade, economics, Islam, Islam in the Philippines





• Ang mga Arábe ay isang pangkating etniko na malaganap sa Gitnang
Silangan at Hilagang Africa. Isa silá sa mga unang dayuhang
nakipagkalakalan sa Filipinas.



• Masigla ang kalakalan ng mga Arabe at mga Chinese nang buksan ang
Canton sa dayuhang kalakal. Subalit noong ikasiyam na dantaon,
ipinagbawal ng Dinastiyang Tang ang pagpasok ng mga Arabe sa kanilang
bansa. Dahil dito, napilitang siláng maghanap ng ibang ruta hanggang sa
matag-puan nilá ang Calamianes at Mindanao. Nakipagkal-akalan silá sa
mga katutu-bo doon na naging unang palatandaan ng kalakalan ng mga
Arabe at ng mga Filipino.





• Hindi naglaon, hindi lá-mang mangangalakal ang dumating sa Filipinas.
Dumating din ang mga misyonerong Arabe upang magpalaganap ng
pananampalatayang Islam. Si Karim al-Mukdum ang itinuturing na kauna-
unahang misyo-nerong Arabe na nagpahayag ng mga aral ng Islam noong
1380. Sinundan ito ni Rajah Baguinda noog 1430 at ni Abu Bakr noong
1450. Si Abu Bakr ang nagpatuloy ng pagpapalaganap ng Islam sa Sulu at sa
karatig na mga pulo. Higit na napadalî ang pagpapalaganap nang Islam
nang pagsama-samáhin ang mga komunidad na tumang-gap nitó at nang
itatag ang mga “sultanáto,” isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng
isang sultan. Si Abu Bakr ang naging kauna-unahang sultan ng Sulu.



• Bukod sa relihiyong Islam at pamahalaang sultanato, ilan pa sa mga
impluwensiya ng mga Arabe ay ang pagbílang, pagsasalita, at pagsulat sa
wikang Arabe. Ilan sa mga salita sa wikang Arabe ay naisáma na sa
bokabularyong Filipi-no ay “hukom,” “pilat,” “salamat,” at “sulat.” Sa
musika, maraming instrumento at sayaw ang hango sa mga ipi-nakilála ng
mga Arabe, tulad ng sayaw na singkil. Sa laran-gan ng panitikan, naging
inspirasyon naman sa paggawa ng maraming kuwento ng mga Mëranaw at
Tausug ang mga kuwentong-bayan sa Arabia. (MJ)


Araneta Coliseum
The biggest indoor arena in the world when it opened in 1960.

Ang Araneta Center ay ang sentro ng komersiyo sa Cubao, Lungsod


Quezon, Kalakhang Maynila. May lawak itong 35 ektarya, at tinatáya na
daan-daang libong katao ang bumibisita sa samot-saring opisina,
pamilihan, tahanan, at pook-libangan dito araw-araw. Pinakatanyag sa
mga gusali nitó ang Araneta Coliseum (A·ra·né·ta Ko·li·sí·yum), na
noong buksan noong 1960 ay pinakamalaking indoor arena sa buong
mundo. Binili ni J. Amado Araneta ang lupang binabakuran ng Epifanio
Delos Santos Avenue (EDSA), Aurora Boulevard, P. Tuazon, at 15th
Avenue, mula sa Radio Corporation of America noong 1952, at mula
noon ay hawak na ito ng pamilyang Araneta. Sinimulan ang paggawa sa
Coliseum noong 1957, at si Dominador Lugtu ang nagsilbing arkitekto.
Ang sahig nitó ay sumasaklaw ng 23,000 metro kuwadrado.

Isang laban sa boksing ni Gabriel “Flash” Elorde para sa kampeonato


ang nagpasinaya sa arena, at mula noon, iba’t ibang mahahalagang
okasyon sa larangan ng isports at libangan ang ginanap dito. Ilan dito
ang laban sa boksing nina Muhammad Ali at Joe Frazier na tinaguriang
“ftrilla in Manila,” mga pandaigdigang laban sa basketbol, at konsiyerto
ng mga sikat na musikero. Mahigit sanlibong laro ng Philippine
Basketball Association (PBA) ang naidaos na sa tinaguriang ”fte Big
Dome.” Depende sa okasyon, káyang magpaupô ng koliseo ng 15,000
hanggang 16,500 katao, at nadadagdagan ito ng mga táong nakatayô sa
mga pilìng pagkakataón; halimbawa, maaaring umabot sa halos 24,000
katao ang nanonood sa mga laban para sa kampeonato sa basketbol.

Bukod sa Coliseum, matatagpuan din sa Araneta Center ang malalaking


pamilihan tulad ng Ali Mall, Farmers Market, Farmers Plaza, Gateway
Mall, at SM Cubao. Terminal din ito ng mga bus papuntang Timog
Luzon, at nása paligid lámang ng sentro ang iba pang terminal ng bus
papuntang Hilaga at Timog Luzon. (PKJ)
• Gregorio S. Araneta
• (19 Abril 1869–9 Mayo 1930)
• Filipino lawyer and politician
• Si Gregorio Soriano Araneta (Gre·gór·yo Sor·yá·no
A·ra·né·ta) ay isang abogado at politiko na naging
pinakabatàng associate justice sa kasaysayan ng
Korte Suprema, at unang Filipino na humawak ng
mataas na posisyon noong panahon ng pamahalaang
Americano.
• Pagkatapos pumasá sa pagsusulit sa abogasya,
pumasok siyá sa law office ni Don Jose Ycaza bago
maging auxiliary register of deeds ng timog distrito
ng Maynila (1894- 1895) at nanunungkulang piskal
(1896). Noong panahon ng Himagsikang Filipino,
nanungkulan siyáng kalihim ng Kongreso ng Malolos
at Kalihim ng Katarungan ni General Emilio
Aguinaldo. Noong 1899, sa panahon ng Americano,
itinalaga siyá ni Heneral Elwell Otis bílang Associate
Justice ng Korte Suprema. Noong 1901, itinalaga
naman siyáng Solicitor General, at noong 1906,
Attorney General. Noong 1908, hinirang siyáng
kasapi ng Philippine Commission at Kalihim ng
Katarungan at Kasapian. Pagkatapos ng kaniyang
panunungkulan noong 1913, nagtayô siyá ng sariling
law office at nagturo ng abogasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Tumakbo siyá bílang Senador noong
1916 ngunit hindi pinalad na magwagi. Nang inalok
siyá ni Ispiker Sergio Osmeña na maging Punòng
Mahistrado ng Korte Suprema, tinanggihan niya ito
upang magbigay-daan kay Manuel Araullo, na
pakiramdam niya ay mas karapat-dapat sa posisyon.
• Isinilang siyá noong 19 Abril 1869 sa Molo, Iloilo kina
Felix Araneta at Paz Soriano. Nag-aral siyá sa mga
pribado at pampublikong eskuwelahan sa Molo bago
mag-aral ng sekundarya sa Ateneo Municipal de
Manila. Sa Ateneo din siyá nagtapos ng batsilyer en
artes. Noong 1891, nakamit niya ang Licenciado en
Derecho sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagkaroon
siyá ng 14 anak sa asawang si Carmen Zaragoza.
Pumanaw siyá noong 9 Mayo 1930 sa atake sa puso.
Ipinangalan sa kaniya ang isang pangunahing abenida
sa Lungsod Quezon at ang De La Salle Araneta
University (dating Gregorio Araneta University
Foundation). (PKJ)
• Juan Araneta

• (13 Hulyo 1852–3 Oktubre 1924)

• Filipino revolutionary leader; one of the pioneers in the development of


agriculture in the Philippines

• Si Juan Araneta (Hu·wán A·ra·né·ta), kilalá bílang Don Juan, ay lider sa


Rebolusyong Negros. Isa rin siyáng tagapanguna sa pagsasaka dahil sa
pagdadalá niya ng mga makabagong pamamaraang agrikultural sa
bansa.

• Isinilang siyá noong 13 Hulyo 1852 sa Molo, Iloilo kina Romualdo


Araneta at Agueda Torres. Lumipat ang mga Araneta sa Negros at doon
na namalagi. Nag-aral siyá ng Komersiyo sa Ateneo Municipal de Manila.
Nang magbalik sa Molo, hinirang siyáng Capitan del Pueblo. Naghinala sa
kaniya ang mga fraile noon ngunit dahil sa mataas na respeto sa kaniya
ng mga taumbayan ay hindi siya mapatalsik.

• Noong 1891, matapos mamatay ng kaniyang asawa, ay nagpunta siyá sa


Europa kasáma ang kaibigang si Don Claudio Reina. Nagkaroon siyá ng
pagkakataóng makilála ang mga lider na Filipino na nása Madrid, London
at Paris. Lalong nag-init ang mga fraile sa kaniya nang siyá ay bumalik sa
bansa. Inagaw ang kanilang lupa at kinailangan niyang dalhin sa Bundok
Kanlaon ang kaniyang pamilya upang magsimula ng bagong sakahan.

• Ang kaniyang mga paglalakbay sa Europa ang nagbukás sa kaniya sa mga


makabagong kagamitang pang-agrikultura tulad ng sugar mill mula sa
Inglatera na inilagay niya sa kaniyang asyenda sa Dinapalan, baler para
sa abaca, rice thresher, at iba pa. Naging mapaghinala ang mga
awtoridad na Español sa mga idinedeskarga sa kaniyang lupain sa
Lumangub. Dinakip siyá at dinalá sa Concordia noong Enero 1897. Ipiniit
siyá sa Himamaylan, sa Ilog, na kabisera noon ng probinsiya, at sakâ sa
Bacolod upang doon pakawalan noong Oktubre 1897.

• Noong 5 Nobyembre 1898, naging matagumpay ang Rebolusyong


Negros. Kasáma si Heneral Aniceto Lacson bílang Presidente, siya ay
naging Kalihim ng Digma sa itinatag na Republikang Negros. Nang
dumating ang mga Americano sa Iloilo, ipinayo niyang sumunod ang
Republika sa mga ito. Noong 1904, isa siyá sa mga naging komisyoner sa
St. Louis Exposition. Itinanghal niya ang iba’t ibang klase ng bigas, kakaw,
abaka, at iba pang ani mula Negros at Panay. Nagpatuloy siyá sa
pagpapaunlad ng agrikultura, sa kagamitan man o sa mga itinatanim. Isa
siyá sa mga nagtatag ng Maao Sugar Central.

• Nagkaroon siyá ng 25 anak sa apat na naging asawa na sina Celestina


Diaz, Cristeta Sarmiento, Natalia Salsalida, at Juanita Camillarosa.
Namatay siyá noong 3 Oktubre 1924 sa Negros Occidental. (KLL)
• aránya

• architecture, decorations

• Ang aránya, mula sa Español na araña, ay isang


sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na
nakasabit sa kisame ng bulwagan o
pangunahing pinagtitipunan ng mga tao sa
isang gusali. Bukod sa gamit bílang ilaw ay
nagsisilbi itong palamuti at tatak ng karangyaan.
Mas maraming nakakumpol na ilaw, mas
marangya at kahanga-hanga.

• Tinawag itong aránya dahil tila sápot ng gaga-


mba—na araña din sa Español. Noong araw,
kandila ang mga ilaw na itinutulos sa aranya.
Ngayon, mga bombilya ang mga ilaw ng aran-
ya, bagaman may mga bombilyang hinubog
kandila ang ikinakabit.

• Karaniwang nakikita ang aranya sa loob ng mga


simbahan, palasyo, malalaking modernong
gusali, at mansiyon. Hinahangaan din ang
disenyo nitó. Isa sa mga hinahangaang aranya
ay makikita sa pangunahing lobby ng Sentrong
Pangkultura sa Filipinas (CCP). Idinisenyo ni
Patricia Keller ang tatlong malalaking aranyang
gawa sa 5,000 kapis at prismong kristal.
Simbolo ng tatlong pangkat ng mga pulo (Luzon,
Visayas at Mindanao) ang tatlong kumpol ng
mga ilaw. (MJCT)
• aráro
• agriculture, farming


• Isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasáka ang
aráro (mula sa Español na arado). May mga varyant itong “dáro” sa
Sebwano at “dádo” sa Mëranaw at tinatawag na “lókoy” sa
Pangasinan. Ginagamit ito sa pagbungkal ng mal-aking piraso ng
bukirin, lalo na sa kapatagan, at karaniwang hinihila ng kalabaw o

• báka. May paniwala na ipinakilála lámang ito sa agrikultura ng Filipi-
nas sa panahon ng kol-onyalismong Español. Hindi ito ginagamit sa
pagbabakál ng bakood at kaingin. Hindi rin gumagamit ng aráro ang
pagsasáka noon ng payyo sa Cordillera. Kinailangan ang aráro sa
maluluwang at pina-tubigang bukirin.

• Ang tradisyonal na aráro ay binubuo ng bahaging kahoy at bahaging
bakal. Apat na piraso ng kahoy ang pinaka-balangkas nitó, kasáma ang
tinatawag na lúnas, ang na-kaarkong kahoy na kinakabitan ng lubid na
may singkaw ng kalabaw, at ang mataas na puluhan na tinatawag na
“úgit.” Ang “lúnas” ay pinakatiyan ng aráro at binubuo ng dalawang
maikling piraso ng kahoy na pinaghugpong sa anggulong 90 digri. Sa
hugpungan ng lúnas nakakabit ang bahaging bakal, na binubuo naman
ng sudsód at lipyà. Ang “sudsód” ay patulís na piraso ng bakal at tulad
ng ibig sabihin ng pangalan ay tumutusok sa lupang binubung-kal. Ang
“lipyà” ay hugis-pusong piraso ng bakal at huma-hawi sa isang tabi sa
mga tiningkal o malalaking piraso ng lupa na iniaalsa ng sudsód. Sa
kasalukuyang modernong pagsasáka, pumalit na sa aráro ang
mekanisadong traktora bílang pambungkal. May tinatawag na
“kuliglíg,” na ang totoo’y komersiyal na tatak ng isang maliit at popular
na traktorang-kamay. (VSA)
aratilés
Philippine Flora, trees in the Philippines, trees,
medicinal plants, traditional medicine
Ang aratilés (Muntingia calabura) ay isang uri ng
punongkahoy na namu-mulaklak, mabilis lumaki, at
katutubo sa Gitnang America at Timog America.
Tumataas ito nang lima hanggang sampung metro.
Ang mga palapád na dahon nitó ay mabalahibo,
madikit, salit-salit, biluhaba, may mga pagitan na
parang maliliit na ngipin, patulis, at humahabà nang
8–13 sm. Ang mga bulaklak ay may diyametrong
dalawang sentimetro, kulay putî, at maaaring mag-isa
o may kapares. Ang mga talulot ay may isang
sentimetro ang habà. Makinis at bilóg ang mga bunga
nitóng berde kapag hilaw at pulá naman kapag hinog,
matamis, at maraming maliliit na buto sa loob.
Nabubu-hay ito kahit sa mahinàng klase ng lupa at
nakakatagal sa mga asido at alkalinong kondisyon,
maging sa tagtuyot.
Maraming gamit ang aratiles. Ang hinog na bunga
nitó ay maaaring kainin. Sa Mexico, ginagawang jam
ang prutas nitó at tsaa ang mga dahon. Sa Brazil,
itinatanim sa gilid ng mga ilog upang ang mga
mahuhulog na bunga ay maging pang-akit sa mga
isda. Ang mga bulaklak naman ay ginagamit na
antiseptiko at panggamot sa sakít sa tiyan at
katawan, sipon, at sakít ng ulo. Ang mga balát ng
kahoy ay ginagawang lubid. Nagbibigay naman ng
magandang lilim ang makakapal na sanga at dahon
nitó. Popular na pagkain sa mga kabataan sa Filipinas
ang mga bunga nitó.
Nagmula ang aratiles sa maiinit na lugar sa America
at naipakilála sa Thailand at Java, Indonesia.
Naturalisado ito sa Filipinas at matatagpuan sa halos
lahat ng bayan sa bansa. Tinatawag din itong
Jamaican cherry, Panama berry, Singapore cherry,
Bajelly tree, Strawberry tree sa Ingles; bolaina,
yamanaza, cacaniqua, capulin blanco, nigua, niguito,
memizo sa Español; at kersen sa Indones. (KLL)
• Araw ng Kagitingan
• “Day of Valor” or “Bataan Day“ is a National
Holiday commemorated every April 9
• Ang Araw ng Kagitíngan, kilalá rin bílang ”Day of
Valor” at ”Bataan Day,” ay isang pambansang araw
ng paggunita sa pagbagsak ng Bataan noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Idinadaos tuwing
ikasiyam ng Abril, isa ito sa mga pambansang pista
o holiday ng Filipinas.
• Noong ikasiyam ng Abril 1942, pagkatapos ng
tatlong buwan na Labanang Bataan, isinuko ni
Major General Edward King Jr. ng Estados Unidos
ang mahigit-kumulang 76,000 sundalo sa hukbong
Japanese. Ang mga alyadong sundalo— Filipino,
Americano, at Tsinoy—ay sapilitang pinalakad, at sa
hulíng yugto ay ipinagsiksikan sa mga kotse ng tren,
sa umaabot sa 140 km patungong Camp O’Donnell
sa Capas, Tarlac. Libo-libo ang binawian ng búhay
sa tinatawag na ”Death March” dahil sa uhaw, init,
gutom, karamdaman, at pagmaltrato ng mga
Japanese. Mahigit-kumulang 54,000 sundalo
lámang ang nakaabot nang buháy sa kampo.
• Sa kasalukuyan, nakapaloob sa ”Linggo ng mga
Beterano ng Filipinas” (Philippine Veterans Week)
ang Araw ng Kagitingan. Ilan sa mga opisyal na
seremonya sa linggong ito ay idinadaos sa Libingan
ng mga Bayani, Kampo Aguinaldo, Isla ng
Corregidor, Capas, at ang Dambana ng Kagitingan
sa Bundok Samat, Pilar, Bataan. Malimit na sa
okasyong ito ay magkakasáma sa paggunita ang
mga beterano at kanilang kaanak, mga kinatawan
ng Estados Unidos at bansang Japan, mga pinunò
ng pamahalaan ng Filipinas, at mga kabataaang
Filipino. (PKJ)
• Araw ng Kasarinlan
• Philippine Independence Day is a National
Holiday commemorated every June 12
• Opisyal at pambansang pagdiriwang ang Áraw
ng Kasarinlán tuwing Hunyo 12. Ginugunita sa
araw na ito ang pagpapahayag ng kalayaan
noong ikaapat ng hápon ng 12 Hunyo 1898 sa
Kawit, Cavite. Ginanap ito sa balkonahe ng
matandang bahay-na-bato ni Hen. Emilio
Aguinaldo na kababalik noon mulang Hong
Kong upang ipagpatuloy ang Himagsikang
Filipino laban sa mga Español. Bukod sa
pagbása ni Ambrosio Rianzares Bautista sa Akta
ng Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa
pagkakataóng ito ang tinatawag ngayong
Pambansâng Watáwat at tinugtog ang Marcha
Filipina Magdalo na naging musika ng
Pambansâng Áwit ngayon.
• Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabílang ang
isang Americanong koronel sa hukbo ng Estados
Unidos. Noong nása Malolos, Bulacan na ang
hukbong Filipino, ipinabago ni Apolinario
Mabini ang teksto ng Akta dahil waring
ipinaiilalim ang Filipinas sa proteksiyon ng mga
Americano.
• Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing
Hunyo 12 ay sinimulan ni Pangulong Diosdado
Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act No.
4166 noong 4 Agosto 1964. Bago ito,
ipinagdiriwang sa Araw ng Kasarinlan ang
pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas ng Estados
Unidos noong 4 Hulyo 1946. (VSA)
• Araw ng Paggawa
• Labor Day is public holiday celebrated every May 1

• Ang Araw ng Paggawâ ay ginaganap tuwing unang araw ng Mayo
bílang pagdiriwang at pagpapahalaga sa mga manggagawa’t
anakpawis. Ang unang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay nangyari
sa Estados Unidos noong 1882 at itinaguyod ng Knights of Labor, isang
samahan ng mga anakpawis. Gayunman, nang lumaon ay ginawang
unang Lunes ng Setyembre ang opisyal na pagdiriwang ng araw na ito
sa Estados Unidos at Canada. Sa Filipinas, higit na sinunod ang
tradisyong namayani sa Europa na ipagdiwang ang araw na ito tuwing
unang araw ng Mayo. Ang araw na ito ay unang ipinagdiwang sa
Filipinas noong 1903 at ang bansa ay nása ilalim pa ng Estados Unidos.
Mahigit isang daang libong manggagawa ang nagmartsa sa harap ng
Palasyo ng Malacañang upang humingi ng mga kondisyon para sa
ikabubuti ng lahat ng manggagawa at ito’y pinamunuan ng
organisasyong Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF). Hudyat
ito ng pagtubò ng unyonismo sa Filipinas. Dahil dito ay naalarma ang
pamahalaang Americano. Sinalakay ng mga Americano at Filipinong
kabilang sa Philippine Constabulary ang imprenta ng UODF at inaresto
ang presidente nitó na si Dominador Gomez sa salang “illegal
assembly and sedition.”
• Pagkaraan ng limang taón, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang
Batas Blg. 1818 na nagtatadhanang isang pista opisyal ang unang araw
ng Mayo bílang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Idinadaos sa araw
na ito ang mga parada at palatuntunang pangmadla. Walong taón ang
lumipas, 1 Mayo 1913, nabuo ang Congreso de Obrero de Filipinas
(COF), na pinamunuan ni Herminigildo Cruz. Ang organisasyong ito ay
naglalayon na ipaglaban ang walong oras na pagtatrabaho sa isang
araw, ang abolisyon ng pagtatrabaho ng mga batàng wala pa sa
wastong gulang, ang pamantayan para sa paggawa ng kababaihan, at
ang paglinaw sa mga pananagutan ng mga kapitalista. Simula din noon
ay nagbago na ang tradisyon ng paggunita sa Araw ng Paggawa. Kung
noong mga nakaraang taón ay ipinagpipista ito sa pamamagitan ng
parada, sa ngayon ay ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng protesta
ng mga manggagawa. Naging araw din ito ng paglalatag ng mabibigat
na isyung pampolitika at suliraning pangkabuhayan at may nagaganap
na mga araw ng welga’t rali bago sumapit ang 1 Mayo. Karaniwang
pinangungunahan ng pederasyon ng mga unyon ng manggagawa ang
naturang protesta. (LN)
• Francisco Arcellana
• (6 Setyembre 1916–1 Agosto 2002)
• National Artist for Literature; Filipino writer, essayist, critic and
educator; one of the pioneers in modern Filipino short story in English
• Isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, kritiko,
at guro si Francisco Arcellana (Fran·sís·ko Ar·sel·yá·na). Zacarias
Eugene Francisco Quino Arcellana ang buo niyáng pangalan. Si
Arcellana, na kilalá rin sa palayaw na Franz, ay isa sa mga tagapanguna
sa pagsusulat ng maikling kuwento sa Ingles. Iginawad sa kaniya ang
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1990.
• Nakilála ang kahusayan ni Arcellana sa pagsusulat noong 1932 at
estudyante pa lámang sa Torres High School dahil sa pagkakalathala
sa Graphic ng kaniyang kauna-unahang katha, “fte Man Who Could
Be Poe.” Ang kaniyang inilathalang Expression (1934) ay pagsisimulan
ng kaniláng mahabàng panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose
Garcia Villa, isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa
wikang Ingles. Bahagi siyá ng Veronicans na binubuo ng 13 manunulat
bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sumasalungat sa
tradisyonal na porma at paksa sa panitikang Filipino.
• Ang mga akda ni Arcellana ay naisalibro sa The Francisco Arcellana
Sampler (1990). Kabílang sa mga kuwento niyáng malimit isáma sa
mga antolohiya ang “Divide by Two,” “Flowers of May,” at “fte Mats.”
Isa namang kuwento niyáng ekperimental ang “Trilogy of Turtles.”
Hinahangaan siyá ng maraming kritiko dahil sa masinop at
disiplinadong gamit ng wika.
• Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong 6 Setyembre 1916, si Arcellana
na tinatawag sa pamilya na Paking, ay ikaapat sa 18 mga anak nina
Jose Arcellana at Epifania Quino. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa
Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1939. Naging kagawad
din siyá ng Philippine Collegian. Ikinasal siyá kay Emerenciana
Yuvienco, na professor emeritus sa UP at may-akda ng The Relevance
of Recto Today, at nagkaroon silá ng anim na anak. (1996). Mula
1979–1982, nagsilbing guro si Arcellana sa UP Department of English
and Comparative Literature, tagapayo ng Philippine Collegian,
direktor ng UP Creative Writing Center, at nagpatuloy magturo
hanggang magretiro at sumakabilang-buhay noong 1 Agosto 2002.
(RVR)
• Liwayway A. Arceo
• (30 Enero 1920–03 Disyembre 1999)
• Filipina multi-awarded Tagalog writer, fictionist, radio,
scriptwriter, essayist, translator and editor
• Si Liwayway Ablaza Arceo (Li·way·wáy A·blá·za Ar·sé·o) ay isa sa
mga nangungunang kuwentista, radio scriptwriter, mananaysay,
tagasalin, at editor sa wikang Tagalog. Isinilang siyá noong 30
Enero 1920 sa Tondo, Maynila kina Gregorio Arceo at Amada
Ablaza. Nagkaroon siya ng anim na anak sa asawang makatang si
Manuel Principe Bautista. Nang makapagtapos sa Torres High
school, pumasok siyá sa Balita at naging unang babaeng kawani
ng isang pahayagang Tagalog. Gumanap siyá sa pelikulang
Tatlong Maria kasáma sina Carmen Rosales at Norma Blancaflor
noong 1943. Nang muling alukin sa pag-arte, tinanggihan niya ito
at mas pinilì ang pagsusulat. Noong dekada 50, nagsulat siyá ng
mga script para sa Ilaw ng Tahanan, ang unang radio soap opera
sa bansa na nagtagal nang halos 10 taón. Siyá rin ang nása likod
ng mga iskrip na binabasa noon ng mga gaya ni Tiya Dely
Magpayo sa programang Ang Tangi Kong Pag-ibig at Kasaysayan
ng mga Liham ni Tiya Dely noong mga taóng 1960 hanggang
1990 at ni Helen Vela sa programang Lovingly yours, Helen
noong mga taóng 1970.
• Nakapagsulat siyá nang halos 50 nobela, libong maikling
kuwento, sanaysay, at dramang panradyo. Naging pinakatanyag
ang kaniyang mga nobelang Canal de la Reina (1972) at Titser
(1995). Ang ilan naman sa kalipunan ng kaniyang mga maiikling
kuwento ay: Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha (1968);
Mga Piling Katha (1984); Ina, May-bahay, Anak, at Iba Pa (1990);
Ang Mag-anak na Cruz (1991). Naging editor din siyá ng
seksiyong Bagong Dugo sa Liwayway at ng seksiyong
pangkonsiyumer sa Balita. Marami siyáng isinaling akdang
relihiyoso sa wikang Filipino. Ang pinakamalaking proyekto na
marahil ay ang pagsasalin ng Bibliya kasáma ang kaniyang asawa
at iba pang kapuwa manunulat. Naisalin din sa iba’t ibang wika
ang kaniyang mga akda tulad ng: Canal de la Reina at Uhaw ang
Tigang na Lupa sa wikang Nihonggo at Banyaga sa wikang
Bulgarian, Russian, at Ingles, at umani ng mga parangal mula sa
mga pangunahing institusyong gaya ng Don Carlos Palanca
Memorial Awards, Catholic Mass Media Awards, Cultural Center
of the Philippines, Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas, Asian
Catholic Publishers, at iba pa. (KLL)
• Tomas Arejola
• (18 Setyembre 1866–Mayo 1926)
• Filipino lawyer and propagandist
• Isang makabayang abogado at masipag na Propagandista, si Tomas
Arejola (To·más A·re·hó·la) ay isinilang noong 18 Setyembre 1866 sa
Nueva Caceres (Lungsod Naga ngayon) sa mariwasang pamilya nina
Antonio Arejola at Emeterio Padilla. Nakatapos siyá ng perito agronomo
sa Colegio de San de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Ngunit nagpunta siyá ng España noong Agosto 1888 at
tinapos ang abogasya sa Universidad Central de Madrid.
• Napalahok siyá sa Kilusang Propaganda nang sumapi sa Asociacion
Hispano-Filipino na itinatag ni Miguel Morayta noong 12 Hunyo 1889 at
lumakad sa Batas Maura noong 1893. Itinatag pagkuwan ni Tomas ang
Circulo Hispano-Filipino na siyá ang unang pangulo at si Mariano Ponce
ang kalihim. Naging masipag na manunulat si Tomas sa mga diyaryo sa
España at marami sa mga ito ang atake laban sa mga abuso at
katiwalaang nagaganap sa Filipinas. Nang sumiklab ang Himagsikang
1896, isinangkot at dinakip siyá at ipiniit sa Carcel Modelo ng Madrid,
kasáma ang anim pang miyembro ng Circulo at Mason. Ang kaniyang
amang si Antonio Arejola ay dinakip din sa Filipinas at ipinatápon sa
Fernando Po sa Kanlurang Africa. Nang pawalan, ipinagpatuloy ni Tomas
ang gawaing propagandista hábang nása España. Nahirang siyáng
kinatawan ng Ambos Camarines sa Kongresong Malolos bagaman nása
España siyá.
• Pumunta siyá sa Singapore at sa Hong Kong upang tumulong mag-
organisa ng mga Filipino doon. Noong 1902–1906, kasáma siyá ni
Mariano Ponce sa Japan. Nang umuwi siyá sa Filipinas, naging aktibo
siyáng kasapi ng Partido Nacionalista sa Bikol at nahalal na kinatawan sa
Philippine Assembly. Pinakamahalagang ginawa niya ang pagiging isa sa
awtor ng Philippine Public Library Act noong 1908. Kumandidato siyáng
senador noong 1916 at nagwagi. Gayunman, di siyá nakaupô dahil
pinawalang-bisa ang halalan dahil sa mga katiwalaan. Nagretiro sa
politika si Tomas at namatay noong Mayo 1926. Napangasawa niya si
Mercedes Caldera y Olarte ngunit wala siláng naging anak. (GVS)
• Deodato Arellano
• (26 Hulyo 1844–7 Oktubre 1899)
• Filipino patriot; one of the founders and the first president of the
Katipunan
• Si Deodato Arellano (De·yo·dá·to A·rel·yá·no) ay isang patriyotang
Filipino, isa sa mga tagapagtatag ng Katipunan, at naging pangulo
nitó.
• Ipinanganak siyá sa Bulacan kina Juan at Mamerta de la Cruz.
Pinalitan ng pamilya ang kanilang apelyido bílang Arellano nang
ideklara ng pamahalaang Español noong 1849 na palitan ng mga
katutubo ang kanilang apelyido alinsunod sa mga nakalagay sa
direktoryo ng Madrid. Nag-aral siyá ng bookkeeping sa Ateneo
Municipal de Manila at kalaunan ay nagtrabahong katulong na klerk
sa Maynila. Ikinasal siyá kay Hilaria del Pilar, kapatid ni Marcelo H.
del Pilar.
• Kasáma ng mga del Pilar, siyá ay naging aktibong Mason. Naging
tagakalap siyá ng salapi para sa mga Filipino sa España nang
kinailangan ni Marcelo H.del Pilar na tumakas patungong España
dahil sa pinaghihinalaang mga subersibong artikulo na lumabas sa
Diariong Tagalog.
• Noong 1892, sumáma siyá sa La Liga Filipina, na itinatag ni Jose Rizal
at naging kalihim siyá ng samahan. Noong 7 Hulyo 1892, nang
ideklara ang pagpapatápon kay Rizal sa Dapitan, itinatag niya kasáma
sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, at
Jose Dizon ang Katipunan. Inihalal siyáng unang pangulo ng
Katipunan. Nang sumiklab ang Himagsikan noong Agosto 1896,
nagpunta si Arellano sa Bulacan upang sumáma sa brigada ni
Gregorio del Pilar.
• Nakipaglaban din siyá sa Bulacan noong Digmaang Filipino-
Americano. Nagkaroon siyá ng tuberkulosis hábang nakikipagdigma
sa Cordillera. Inilibing siyá sa La Trinidad, Benguet. (KLL)

You might also like