Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Tanggapan ng Kalusugan

Hagonoy, Bulacan

Visual Inspection after Acetic Acid (VIA)


Acetic Acid Wash
Ano ang Visual Inspection after Acetic Acid (VIA)/Cervicoscopy?

Ito ay kilala din sa tawag na “ Aided Visual Inspection” o “Acid Acetic


Test”

• Pagtingin sa kwelyo ng matris (cervix) upang suriin kung may


abnormalidad pagkatapos pahiran ng suka (acetic acid)

• Suka (acetic acid) ang ginagamit upang tukuyin at markahan ang


mga pagbabago (acetowhite change) sa kwelyo ng matris na
maaaring makapagdulot ng kanser

• Sensitivity at specificity ng VIA ay 70-92%

• Positive Predictive value – 15-20%


Mabuting dulot ng Acetic Acid Wash

• Maaaring mabawasan ang bilang ng mga babaeng


nagkakaroon ng kanser sa kwelyo ng matris

• Mababawasan ang bilang ng mga namamatay


hanggang sa 80%

• Ito ay isang programang abot kaya at mabilis o agaran


ang resulta
Di kabutihang taglay ng acetic Acid Wash

• Di maginhawang pakiramdam dahil sa ipinasok


na “speculum” at ipinahid na suka

• Pagsangguni sa ibang klinika o pagamutan


sapagkat ang ibang pagsusuri ay wala sa center
gaya ng biopsy.
Mga kakailanganin sa Acetic Acid Wash

• Talaan ng pasyente
• Higaan
• Kelly pad
• Speculum
• Sterile gloves
• Maligamgam na tubig/ saline
• Bulak
• Ilaw/drop light
• Suka – 3% - 5% acetic acid
• Forceps (ovum/ring/tenaculum)
Visual Inspection Acetic Acid Wash

• Sabihan ang pasyente bago ang eksaminasyon, huwag gumamit ng matatapang


na panghugas sa ari (feminine wash/douch) at huwag makipagtalik sa asawa sa
loob ng 24 oras

• Ang pamamaraan at dahilan ay nararapat na maingat na naipaliwanag sa


babaeng susuriin

• Ang pasyente ay nararapat na komportable at isa-alang-alang ang kanyang


“privacy”.

• Ilagay ang pasyente sa posisyon na katulad ng sa manganganak, nakahiga na


nakabuluktot ang mga hita at tuhod (lithotomy position)

• Mahalaga na makita ng maliwanag at maayos ang pasyente. Itutok ang


pinanggagalingan ng liwanag sa ari ng babae.

• Sabihan ang pasyente na ito ay hindi masakit at huminga sa bibig.

• Suriin mabuti at itala ang anumang abnormalidad na makikita sa labas ng ari ng


babae.
Visual Inspection Acetic Acid Wash

• Maaaring padulasin ang “speculum” sa pamamagitan ng maligamgam na tubig


tsaka ito ipasok sa ari ng babae habang nakasara ang “speculum”.

• Huwag madaliin ang eksaminasyon upang maging komportable ang pasyente

• Ibuka ang “speculum” at itapat ang pinanggagalingan ng liwanag sa upang


makita mabuti ang kwelyo ng matris.

• Kung may sobrang “Mucus o discharge” sipon, linisin ito ng ng bulak na binasa
sa pinakuluang tubig o “ saline solution”

• Suriin sa anumang abnormalidad

• Hugasan ang kwelyo ng matris gamit ang suka (acetic acid 3-5%) sa
pamamagitan ng heringgilya. Maaari din gumamit ng “cotton swab”

• Maghintay ng Isang minuto

• Suriin ang kwelyo ng matris kung may pagbabago, gaya ng pagkakaroon ng


pamumuti “acetowhite areas”
Mahalagang paalala bago ang pagsusuri

• Hindi dapat gawin ang pagsusuri sa mga babaeng may


regla o kung may ginagamit na gamot na pinapasok sa
loob ng pwerta sa kasalukuyan. Payuhan na magbalik na
lamang pagkatapos ng regla o ng gamutan.

• Hindi dapat maglagay ng suka sa mga pasyenteng may


mga sugat ang kwelyo ng matris na mukhang o itsurang
kanser. Isangguni agad ito sa espesyalista o sa ospital.
Layunin ng Pagsusuri

• Hanapin ang squamocolumnar junction

• Tukuyin ang anumang sugat o abnormalidad

• Magdesisyon kung ang mga nakitang pagbabago at mga


sugat ay nakakakanser

• Tiyakin kung ito ay kumalat na sa ibang bahagi

• Pumili ng lugar kung saan isasagawa ang pagkuha ng


laman o biopsy
Ano ang ginagawa ng suka (acetic acid)

• Tinutunaw ang mga mucus o sipon


• Pinagkakaroon ng intracellular dehydration
• nagiging dahilan ng coagulation ng protein

Ang mga ito ay nagreresulta sa:


• nuclear/cytoplasmic ratio
• Nuclear density
• Chromosomal anueploidy

Ang mga pagbabagong ito ay nagdudulot ng puting kulay


“acetowhite area” - ang pagsusuri ay POSITIBO.
Mga abnormalidad na makikita pagkatapos
pahiran ng suka

• Aceto-white

• Margins and surface

• White gland openings

• Mosaic and punctuation

• Abnormal vessels
Ano ang maaaring pamumuti o acetowhite?

• Hindi lahat ng acetowhite ay kanser


• Kahit alin sa mga pagbabago sa kwelyo ng matris ay
maaaring mamuti
• Healing or regenerating epithelium
• Congenital transformation zone
• Inflammation
• Immature squamous metaplasia
• HPV infection
• CIN/CIGN
• Adenocarcinoma
• Invasive squamous cell carcinoma
Pag-uulat ng resulta ng Pagsusuri

bago ang pagpapahid ng suka

• Normal ang kwelyo ng Matris


• Makinis at mamula mula
• Malinis (clear) ang sipon
• External os – gitnang butas
• Isang anak – bilog
• Madaming anak – pahaba
Abnormal ang kwelyo ng matris

• Hypertrophy
• Redness or congestion
• Distortion
• Simple erosions (do not bleed when touch)
• Cervical polyps( with smooth surface)
• Abnormal discharge- mabaho, madumi, kulay berde o
madilaw, may bahid ng dugo
• Nabothian follicles
• Prolapsed uterus
Interpretasyon ng mga Abnormal na nakita sa kwelyo ng
matris

• Inpeksyon
• Ectopy (erythroplasia)
• Benign tumour (bukol na hindi kanser)
• Suspetsa ng malignancy o kanser
• Sugat o mga gasgas na nagdudugo kapag nahawakan
• Bukol o cyst na hindi regular ang hugis o magalas ang
itsura o nakaumbok/nakaalsa
• Iregular na hugis ng kwelyo ng matris
• Mahalaga na lahat ng resulta ng pagsusuri normal o
abnormal ay naitala at naipalaiwanag mabuti sa
pasyente.

• Ang pasyente ay napayuhan kung kailan ang susunod na


pagbabalik(follow-up).

• Kung ang resulta ay normal payuhan ang pasyente na


bumalik pagkatapos ng 5 taon.
Sino sino ang maaaring magkaroon ng kanser sa kwelyo
ng matris

• Maraming nakatalik (multiple sexual partner)

• May kapareha na mayroon maraming nakatalik

• Maagang pakikipagtalik

• Maraming beses na panganganak (multigravida)

• Paninigarilyo

• Mababa ang resistensya


Mga sintomas

• Walang sintomas

• Di pangkaraniwang pagdurugo sa pwerta ngunit


walang nararamdamang kirot

• Di pangkaraniwang sipon sa pwerta (vaginal


discharge)
Paano maiiwasan ang kanser sa kwelyo ng matris

• Pagbabakuna

• Regular na pagsusuri/eksaminasyon sa kwelyo ng


matris

• Maagang gamutan
Kailan kailangan na mag-Papsmear?

• 3 taon pagkatapos ng unang pakikipagtalik

• Babae edad 35 taon pataas

• Taon –taon pagkatapos manganak


Sama-samang labanan ang kanser!
Maraming salamat.

You might also like