Komunikasyon Sa Filipino Grade 11

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Tungkulin at Gamit

ng Wika
Bakit kailangang pag-aralan
ang mga tungkulin at gamit ng
wika?
 Upang matukoy ang mahahalagang gampanin ng wika
sa ating buhay at kung paano mabisang magagamit ito
sa iba't-ibang angkop na sitwasyon.
 Upang magkaroon ng sapat na kakayahang magamit
ang wika.
 Upang mapagkaiba ang natatanging papel ng tao na
kaiba sa hayop.
 Upang magamit para sa iba't-ibang larangan ng
pakikipag-ugnayan o mabisang komunikasyon.
Halliday at Jacobson
Ayon kay Michael
Halliday
Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa
Inglatera.
Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino .
Siya ang nagpanukala ng
Systemic Functional Grammar.
Isang sikat na modelo ng gramatika na gamitin at
kilala sa daigdig.
Interaksiyunal

-nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyon sa


kapwa.
HALIMBAWA:
•Pasalita
-"Magandang Umaga!", "Maligayang Kaarawan!"
•Pasulat
-Imbitasyon, Liham Pangkaibigan
Instrumental

-tumutugon sa mga pangangailangan


HALIMBAWA:
•Pasalita
-pag-uutos
•Pasulat
-liham pangangalakal
Regulatori

-kumukontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba.


HALIMBAWA:
•Pasalita
-pagbibigay ng panuto, direksiyon o paalala
•Pasulat
-Resipe
Personal

-nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


HALIMBAWA:
•Pasalita
-pagtatapat ng pag-ibig sa isang tao, talumpati, debate
•Pasulat
-editoryal, liham sa patnugot, pagsulat ng suring-basa
Imadyinatib

-nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing


paraan.
HALIMBAWA:
•Pasalita
-pagbigkas ng tula, pagganap sa teatro
•Pasulat
-pagsulat ng akdang pampanitikan (tula, maikling kuwento,
nobela)
Heuristiko

-naghahanap ng mga impormasyon o datos na


magpapayaman ng kaalaman
HALIMBAWA:
•Pasalita
-pagtatanong, pananaliksik, pakikipanayam
•Pasulat
-sarbey, tesis, pamanahong papel, disertasyon
Impormatib

-nagbibigay ng impormasyon o datos para mag-ambag


sa kaalaman sa iba
HALIMBAWA:
•Pasalita
-pag-uulat, pagtuturo
•Pasulat
-pananaliksik-papel
Ayon kay Roman
Jacobson
Isa siya sa mga nagtatag ng
Linguistic Circle of New York. Ang
kanyang bantog na Functions of
Language ang kanyang naging
ambag sa larangan ng semiotics.
Ang semiotics ay ang pag-aaral
tungkol sa mga palatandaan at
simbolo at kung paano ito gamitin.
 Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
-palutangin ang karakter ng nagsasalita
 Paghihikayat (Conative)
-ginagamit ang wika uoang mag-utos, manghikayat, o
magpakilos
 Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
-panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa
 Paggamit bilang sanggunian (Referential)
-ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang
babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng
kaalaman.
 Pagbibigay ng kuro-kuro (Metalingual)
-ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komentaryo sa isang kodigo o batas..
 Patalinghaga (Poetic)
-masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa at iba pa.

You might also like