MMDM - Leadership Training For Change - LTC - Official

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 62

I.

Pangkalahatang Layunin;
II. Kasaysayan ng Makauring Pamumuno;
III. Mga Hakbang sa Pagbubuo ng MMDM Tsapter at
People's Council for Change (PCC);
IV. Wastong Istilo ng Pamumuno at Paraan ng Paggawa;
V. Bakahin ang Liberalismo; at
VI. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Lider-masa
VII. Assessment.
I. PANGKALAHATANG LAYUNIN:

1. Mailatag at mapagkaisa ang mga lider-organisador sa


wastong balangkas ng pag-oorganisa, pagbubuo ng MMDM
tsapter at pagsasakapangyarihan sa masa (grassroots
empowerment);

2. Matamo ang higit na pag-unawa sa mga prinsipyong


konsistent sa motto ng organisasyon na Empowering the
Grassroots; pagsusulong ng pagbabagong panlipunan at
mabuo ang mahigpit na pagkakaisa para ipalaganap ito;

3. Maunawaan at mapagkaisahan ang wastong istilo at paraan


ng pamumuno at paggawa, bilang mga seryosong lider-
organisador at lingkod-bayan; at

4. Matukoy ang mga anyo ng liberalismo at bakahin ito bilang


isang kalawang na umuuk-ok sa organisasyon.
Some Questions Concerning Methods of Leadership:

However active the leading group may be, its activity will amount to fruitless
effort by a handful of people unless combined with the activity of the
masses. On the other hand, if the masses alone are active without a strong
leading group to organize their activity properly, such activity can not be
sustained for long, or carried forward in the right direction, or raised to a
high level.
This is a universal truth. This principle of integration of leaders and masses must also be applied during any
stage of strugge.
PAMBUNGAD

Ang wastong mga paraan ng paggawa at pamumuno nating mga namumunong


lider ang magtitiyak sa mahusay na pagpapatupad sa nabuong mga desisyon.
Maaari pa ring sumulpot ang mga bara sa pagpapatupad ng mga gawain,
maski wasto ang nabuong mga desisyon, kung hindi nabibigyang-pansin ang
wastong mga paraan ng paggawa.

Dapat tayong magsikap na mag-aral at abutin ang pinakamahusay na mga


paraan ng paggawa para higit na maitaas ang antas ng ating pamumuno.
WASTONG ISTILO NG PAMUMUNO

Ano ang wastong estilo ng pamumuno?

Ang wastong estilo ng pamumuno ay tumutukoy sa integrasyon ng namumuno


sa pinamumunuan. Kolektibong pamumuno ang wastong istilo ng pamumuno.

(Collective Leadership is also Democrative/Participative leadership style: The leaders


invite and encourage the team members to play an important role in decision-making process,
though the ultimate decision-making power rests with the leader. The leader guides the members
on what to perform and how to perform, while the members communicate to the leader their
experience and the suggestions if any. The advantages of this leadership style are that it leads to
satisfied, motivated and more skilled members of organization. It leads to an optimistic work
environment and also encourages creativity).

Malamang wala sa ating makapagsabing siya, sa isang mahabang panahon na hindi


nagkaroon ng isa man lamang pagkakamali sa istilo ng pamumuno. Halungkatin natin
ang mga pagkakamaling ito at pag-aralang mabuti.
TATLONG TIPO NG PAGKAKAMALI SA PAMUMUNO

ANG UNANG TIPO ng pagkakamali sa estilo ng pamumuno ay ang pagiging


Liberal sa Pamumuno.

Ito ay ang pagpapabaya; ang pagpapahuli, hindi ang pangunguna, sa pag-


aaral, paglalagom at pamumuna at pagpuna-sa-sarili; ang pagiging huwaran
sa prinsipyo ng ganap at pagkamakasarili. Ito ang tipo ng pamumuno na
mahina at walang saysay. Ang tipo ng pamumunong ito ay laganap pa din sa
loob ng organisasyon ng MMDM.

Ang kauuwian ng tipo ng pamumunong ito ay ang paglalaganap ng labis na


demokrasya at, sa kahuli-hulihan, ang anarkiya.

Laissez-faire leadership - "lay-zay-fair" - The laissez-faire leadership style is also


known as the hands-off style. It is one in which the leading person provides little or no
direction and gives members of the organization as much freedom as possible. All
authority or power is given to the members and they must determine goals, make
decisions, and resolve problems on their own.
Ang ikalawang tipong pagkakamali sa estilo ng pamumuno ay ang
Pagmomonopolisa ng namumuno sa lahat o karamihan ng
gawain o talakayan.

Dito ay may maling interpretasyon sa prinsipyo ng pangunguna. Ang


karamihan sa atin, sa kagustuhang mabilisang matapos ang isang
gawain, o mapunta agad sa pangunahing punto ng talakayan, ay may
tendensiyang angkinin itong lahat.

Hindi natin naisasaisip na ang panahong sa unang tingin ay "nasasayang"


sa paghihintay sa ibang kasamang magtrabaho o mag-isip ang siyang
puhunan natin sa kanilang pag-unlad. Ang kailangan dito ay tiyaga, at
mas higit pa sa tiyaga, pagpupunyagi.
Sa kabilang dako naman, hindi tayo kailangang maghintay ng napakahabang panahon
upang umunlad ang naiiwang kasama. Ang paghihintay ay napaiikli sa pamamagitan
ng tuwinang pag-aaral; sa pamamagitan ng pagsasama sa kasama sa mga piling lakad
upang maipakita ang wastong estilo at paraan ng pagagawa; at sa pamamagitan ng
mga impormal na talakayan, na kung saan mauungkat natin ang kadahilanan ng
mahinang pagkilos ng kasama nang hindi sumasama ang kanyang loob.

Ang mga ito, at hindi ang pagmomonopolisa sa gawain at talakayan, ang paraan ng pagwawasto sa mali o
mahinang pagkilos at pag-iisip. Ang pinakaesensiya ng pangunguna ay ang kakayahang magpalabas ng mga
kahusayan ng lahat ng kasama, maging sa gawain man o talakayan, maging abante man o naiiwan.
Ang ikatlong tipo ng pagkakamali sa estilo ng pamumuno ay ang
AKMANG LABIS NA HUWARAN.

Kung sa Ingles pa, "self-righteousness". Sa lahat ng tipo ng pagkakamali sa


pamumuno, ito ang pinakamasahol sapagkat nagbubunga ng antagonistikong
relasyon sa pagitan ng namumuno at pinamumunuan.

Ang dapat maging aktitud ng namumuno at, masabi pa lahat ng kasama, ay


ang pagtanggap ng superbisyon ng masa at ng ibang kasama, at ang akmang
"labis na huwaran" ay agad-agad nagbabawal na mangyari ito. Ang
pagtanggap ng superbisyon ng masa at ng ibang kasama ang pinakaubod ng
tunay na lider - pagpapakumbaba.
NG PAGGAWA
MAGING MAHUSAY NA ISKWAD LIDER

Dapat maging mahusay na "lider ng iskwad" ang bawat lider-


organisador para sa pagbabago. May kabuuang bilang na limang
miyembro ang ating Executive Committee o Execom sa lahat antas;
tulad ito ng isang iskwad sa hukbo, at ang pinuno ay tulad ng isang
"lider ng iskwad". Totoong hindi madaling pamunuan nang mahusay
ang iskwad na ito. Ang pamumuno ay nangangahulugang hindi lamang
ng pagpapasya sa pangkalahatan at partikular na mga patakaran
kundi ng paglikha rin ng wastong mga paraan ng paggawa. Wasto
man ang pangkalahatan at partikular na mga patakaran, susulpot pa
rin ang gulo kung hindi bibigyang-pansin ang mga paraan ng
paggawa.
Upang magampanan ang tungkulin nitong mamuno, dapat magtiwala ang buong
execom sa mga "kasapi ng iskwad" at ipaganap sa kanila nang lubusan ang kanilang
papel. Upang maging mahusay na "lider ng iskwad", ang pinuno ay dapat mag-aral
nang husto at magsiyasat nang masusi. Ang isang pinuno o pangalawang pinuno ay
mahihirapang mamuno nang mahusay sa kanyang "iskwad" kung kakaligtaan niyang
gumawa ng propaganda at gawaing pang-organisasyon sa sarili niyang mga "kasapi
sa iskwad", kung hindi siya mahusay sa pakikitungo sa mga kasapi o hindi mag-
aaral kung papaanong matagumpay na pangangasiwaan ang mga pulong/gawain.
Kung ang mga "kasapi ng iskwad" ay hindi marunong magmartsa sa kumpas, hindi
sila makapamumuno sa ilampung libong mamamayan. Mangyari pa, ang ugnayan
ng pinuno at mga kasapi ng execom ay isang ugnayan kung saan ang minorya ay
sumusunod sa mayorya, kayat ito ay iba sa ugnayan ng lider ng iskwad at mga
tauhan niya. Nababanggit lamang natin ito bilang isang paghahalintulad.
ISAHAPAG ANG PROBLEMA SA MESA

Dapat itong gawin hindi lamang ng "lider ng iskwad" kundi maging


ng mga kasapi ng iskwad. Huwag magsalita sa likuran ng
sinumang kasama. Kapag may sumulpot na suliranin, tumawag ng
isang pulong, ihapag ang mga suliranin upang matalakay, gumawa
ng mga pasya at ang mga suliranin ay malulutas. Kung may mga
suliranin at hindi ihinahapag, hindi malulutas ang mga ito sa matagal
na panahon at maaari pang tumagal sa loob ng maraming taon. Ang
"lider ng iskwad" at ang mga kasapi ng execom ay dapat
magpamalas ng pagkakaunawaan sa kanilang ugnayan. Walang higit
na mahalaga kaysa pag-uunawaan, pagtutulungan at pagkakaibigan
ng pinuno at mga kasapi ng execom, Dapat nating ipagpatuloy ang
pagbibigay-pansin sa puntong ito sa hinaharap.
“MAGPALITAN NG IMPORMASYON”

Ito'y nangangahulugang ang mga kasapi ng excom ay dapat


magpabatiran at magpalitan ng kuru-kuro sa mga bagay na
kanilang napapansin. Malaki ang kabuluhan nito sa pagtamo ng
iisang wika (common language). Ang iba ay nakakalimot na
gawin ito, "hindi nagdadalawan sa buong buhay nila, bagamat
nagkakarinigan sila ng tilaok ng mga manok at kahol ng mga
aso nila." Bunga nito'y wala silang iisang wika. Mahalaga ang
iisang wika lalo na sa mga usapin ng: 3-year MMDM Program;
Empowering the Grassroots; Participatory Governance at
Pulitika ng Pagbabago.
MAGTANONG SA MGA NAKABABABA SA IYO

Magtanong sa mga nakabababa sa iyo tungkol sa mga bagay


na hindi mo nauunawaan o hindi nalalaman, at huwag ihayag nang
basta na lamang ang pagsang-ayon mo o di-pagsang-ayon.
Matapos isulat ang ilang dokumento, hindi muna ikinakalat ang
mga ito dahil may mga usapin ditong dapat liwanagin at dapat
maisangguni muna sa mga nasa nakabababang antas.

Hindi tayo dapat magkunwaring nakakaalam ng hindi natin


nalalaman, hindi tayo dapat "mahiyang magtanong at matuto sa
mga tao sa nakabababang antas" at dapat nating matamang
pakinggan ang mga opinyon ng mga kasaping nasa nakabababang
antas.
Maging isang mag-aaral muna bago maging isang guro; matuto
muna sa mga miyembrong nasa nakabababang antas bago
maghayag ng mga kautusan. Sa paghawak ng mga suliranin, ganito
dapat ang gawin ng lahat ng mga miyembro ng execom, maliban sa
mga sitwasyong pang-kagipitan o kapag malinaw na ang mga
katotohanan tungkol sa isang bagay.

Ang pagsasagawa nito ay hindi makapagpapababa kundi


makapagpapataas lamang ng prestihiyo ng isang tao. Dahil kasama
sa ating mga desisyon ang tamang mga palagay ng mga miyembro
sa nakabababang antas, natural lamang na itaguyod ang mga ito ng
huli. Ang mga sinasabi ng mga miyembro sa nakabababang antas ay
maaaring tama o mali; matapos marinig, dapat nating suriin ang mga
ito.
Dapat nating sundin ang tamang mga palagay at kumilos ayon sa
mga ito. Wasto ang pamumuno natin dahil pinagsasama-sama
nito ang materyal, mga ulat at tamang palagay na nanggagaling sa
iba't ibang lokalidad. Magiging mahirap para sa atin na maglabas
ng tamang mga kautusan kung hindi nagbibigay ng materyal at
hindi nagpapahayag ng kanilang mga opinyon ang mga lokalidad.

Makinig din sa maling mga palagay mula sa ibaba; maling hindi na


makinig sa lahat ng ito. Gayunman, ang ganitong mga palagay ay
hindi dapat sundin kundi dapat punahin.
MATUTONG “TUMUGTOG NG PIYANO”

Matutong "tumugtog ng pyano". Sa pagtugtog ng pyano, ang


lahat ng sampung daliri ay gumagalaw; hindi maaaring ang ilang
daliri lamang ang igagalaw at ang iba ay hindi. Ngunit kung lahat ng
sampung daliri ay ididiin nang sabay-sabay, hindi magkakaroon ng
himig. Para magkaroon ng magandang tugtugin, ang sampung daliri
ay dapat igalaw nang ayon sa ritmo at nang may koordinasyon.

Dapat mahigpit ang hawak ng mga Execom sa sentral na tungkulin


nito, at sa palibot ng sentral na tungkulin dapat din nitong
ipagpatuloy ang gawain sa ibang mga larangan. Sa kasalukuyan
dapat nating asikasuhin ang gawain sa maraming larangan. Hindi
dapat ituon ang buong pansin natin sa iilang suliranin at kalimutan
naman ang iba.
Kung may suliranin, kailangang matukoy natin ito nang malinaw, at
ito ay isang paraang dapat nating matutunan nang buong husay.
Ang ilan ay mahusay tumugtog ng piyano at ang iba ay hindi, at
may malaking pagkakaiba sa mga melodyang tinutugtog nila.

Ang mga kasapi sa bawat Execom ay dapat matutong "tumugtog


ng pyano" nang mahusay.
HUMAWAK NANG MAHIGPIT
"Humawak nang mahipit." Nangangahulugan ito na ang Execom
ay hindi lamang dapat "humawak" kundi dapat "humawak nang
mahigpit" sa pangunahing mga tungkulin nito. Ang isang bagay ay
matatanganan lamang kung ito ay hawak nang mahigpit at walang
anumang paglulubay. Ang hindi paghawak nang mahigpit ay hindi
kailanman maituturing na paghawak. Mangyari pa, hindi maaaring
magkaroon ng mahigpit na pagsapol sa isang bagay kung ang kamay
ay nakabukas.

Kung ang kamay ay nakakuyom na parang humahawak sa isang


bagay ngunit hindi naman nakakuyom nang mahigpit, wala pa ring
mahigpit na pagtangan dito. Nahahawakan man ng ilan sa ating mga
kasama ang pangunahing mga tungkulin, hindi naman mahigpit ang
kanilang paghawak, kaya hindi nila mapagtagumpayan ang kanilang
gawain. Hindi maaari ang hindi man lamang humawak; at hindi rin
maaari kung ang paghawak ay hindi mahigpit.
MAGPAKAHUSAY SA NUMERO
"Magpakahusay sa numero." Ang ibig sabihin nito'y dapat nating
pagtuunan ng pansin ang aspeto ng kantidad sa isang sitwasyon o
suliranin at dapat tayong gumawa ng saligang pagsusuri sa kantidad.

Ang bawat kalidad ay nakikita lamang sa isang tiyak na kantidad, at


kung walang kantidad, hindi magkakaroon ng kalidad. Marami sa
ating mga kasama ang hindi pa nakakaunawa na kailangang harapin
nila ang aspeto ng kantidad ng mga bagay - ang mga saligang
estadistika, ang mga pangunahing porsyento at mga hangganang
kantidad na nagtatakda ng mga kalidad ng mga bagay.
Hindi sila "mahusay sa numero" at bunga nito'y hindi nila
maiwasang magkamali. Mahalagang natutukoy at nauunawaan
natin ang mga kinakailangang datos sa saklaw ng oprerasyon ng
ating organisasyon. Halimbawa, Ilan ang populasyon ng sakop
nating barangay/sityo at ilan ang registered voters sa kanila. Mabuti
ring malaman kung ilan ang bumoto kay PRRD sa bawat
lunsod/bayan/barangay sapagkat humigit kumulang ay ito na din
ang bilang ng mga maituturing nating DDS sa erya. Gayun din
mahalagang malaman din kung ilan ang mga elementong dating
dilawan na naging “Born Again” sa hanay ng mga miyembro sa
bawat tsapter

Sa malapit na hinaharap, dapat tayong magsagawa ng saligang


pagsisiyasat at pagsusuri sa bilang ng aktibong tagapagtaguyod,
kalaban at walang pinapanigan, at hindi dapat magpasya sa paraang
suhetibo at walang batayan.
PABATID PARA MAPANATAG ANG PUBLIKO

"Pagpapabatid para Mapanatag ang Publiko." Ipabatid munang


may pulong bago ito idaos; ito ay tulad ng pagpapalabas ng
"Pagpapabatid para Mapanatag ang Publiko" nang sa gayo'y
malaman ng bawat isa kung ano ang tatalakayin at anong mga
suliranin ang lulutasin, at makagawa ng napapanahong paghahanda.

Sa ilang lugar, ang mga pulong ng mga lider/miyembro ay tinatawag


nang wala munang inihandang mga adyenda/ulat; saka na lamang
sila gumagawa ng madaliang paghahanda kapag dumating na ang
mga tao; ito ay katulad ng kasabihang "Dumating na ang mga tropa
at kabayo ngunit hindi pa handa ang pagkain at damo," at hindi ito
mainam. Huwag kara-karakang tatawag ng pulong kung hindi pa
tapos ang mga paghahanda.

National Executive Committee (NEC-MMDM) Facebook/MMDNnational


MAS KAKAUNTI AT MAS MAHUSAY NA MGA TROPA

"Mas kakaunti at mas mahusay na mga tropa, at mas


simpleng pangangasiwa." Ang mga usapan, mga talumpati,
mga artikulo at mga resolusyon ay dapat maging maikli at
walang paliguy-ligoy. Hindi rin dapat napakatagal ang mga
pulong.
BIGYANG PANSIN ANG PAKIKIISA AT PAGGAWA

Bigyang-pansin ang pakikiisa at paggawa na kalahok ang mga


kasamang may ibang palagay. Dapat itong isaisip sa mga lokalidad.
Ito'y nauukol din sa pakikipag-ugnayan sa mga taong nasa labas ng
ating organisasyon. Nagkasama-sama tayo mula sa iba't ibang
sulok ng bayan at sa ating gawain, dapat tayong maging mahusay
sa pakikiisa hindi lamang sa mga kasamang may mga opinyong
pareho ng sa atin kundi maging sa mga kasamang may ibang mga
palagay.

May ilan sa ating nakagawa ng napakalulubhang pagkakamali; huwag nating


silang pangunahan ng paghuhusga bagkus ay dapat tayong maging handang
makasama sila sa gawain.
IWASAN ANG PAGMAMATAAS

Iwasan ang pagmamataas. Sa sinumang namumuno, dapat


itong maging usapin ng prinsipyo at isang mahalagang kondisyon
upang mapanatili ang pagkakaisa. Kahit na iyong hindi pa
nakagagawa ng mabibigat na kamalian at nagtamo na ng
malalaking tagumpay sa kanilang gawain ay hindi dapat
magmataas at arogante.

Hindi nararapat ang pagpapangalan ng mga lugar, kalye at gusali nang


sunod sa pangalan ng mga lider. Dapat nating panatilihin ang estilo ng
simpleng pamumuhay at puspusang paggawa at tigilan ang panlalangis at
labis-labis na papuri.
GUMUHIT NG DALAWANG LINYA NG PAGKAKAIBA

Gumuhit ng dalawang linya ng pag-iiba. Una, sa pagitan ng


pagbabago at kontra-pagbabago. Hindi nauunawaan ng ilan na dapat
nilang iguhit ang linyang ito ng pag-iiba.

Ikalawa, sa hanay natin, dapat liwanagin ang pagkakaiba ng tama at


mali, ang pagkakaiba ng tagumpay at kamalian, at linawagin kung
alin sa dalawa ang pangunahin at alin ang pumapangalawa.
Halimbawa, ang mga tagumpay ba ay 30 porsyento o 70 porsyento
ng kabuuan, o kabaligtaran. Walang-saysay ang magpakulang o
magpalabis.

Dapat tayong magkaroon ng pundamental na pagtantya sa gawain ng isang


tao at tiyakin kung ang nagawa ay 30 porsyento at ang mga pagkakamali ay
70 porsyento, o kung ang mga nagawa ay 70 porsyento at ang mga
pagkakamali ay 30 porsyento.
Kung ang kanyang mga nagawa ay 70 porsyento ng kabuuan, ang
kanyang gawain ay dapat pagtibayin sa kabuuan. Isang ganap na
pagkakamali ang sabihing pangunahin ang kamalian sa isang gawaing
pangunahin ang tagumpay.

Sa pagharap natin sa mga suliranin, hindi natin dapat kalimutang iguhit


itong dalawang linya na naghahati sa pagitan ng pagbabago at kontra-
pagbabago at ng mga tagumpay at mga pagkukulang.

Mahahawakan natin nang mahusay ang mga bagay-bagay kung isasaisip


natin ang pagkakaiba ng dalawang linyang ito; kung hindi, malilito tayo
tungkol sa kalikasan ng mga suliranin. Mangyari pa, kailangan ang
maingat na pag-aaral at pagsusuri para maiguhit nang mahusay ang mga
pagkakaibang ito. Ang ating aktitud sa bawat tao at bawat bagay ay
dapat pag-ukulan ng pagsusuri at may pag-aaral.★
V. BAKAHIN ANG LIBERALISMO
Naninindigan tayo sa masiglang tunggalian sa mga pananaw sapagkat ito
ang sandatang tumitiyak sa pagkakaisa sa loob ng kilusang pagbabago at
sa mga progresibong organisasyon para sa kapakanan ng ating kilusan.
Dapat gamitin ng bawat progresibong lider-organisador ang sandatang ito.

Ngunit tinatangihan ng liberalismo ang tunggalian sa mga pananaw (o


pang-ideolohiya) at pinaninindigan nito ang di-makaprinsipyong
kapayapaan, kung kaya ito’y nagbubunga ng pag-iisip na bulok at
nagiging dahilan ng pampulitikang pag-urong sa ilang lider at bahagi ng
organisasyon sa loob ng kilusang pagbabago sa buong bansa.
Ang liberalismo ay napakikita sa iba’t ibang paraan.

Magpalampas sa mga bagay-bagay alang-alang sa kapayapaan at


pagkakaibigan kapag ang isang tao ay maliwanag na nagkamali at
umiwas sa makaprinsipyong pangangatwiran sapagkat siya ay
isang matagal nang kakilala, isang kababayan, isang kamag-aral,
isang matalik na kaibigan, isang minamahal, isang malaon nang
kasamahan o isang malaon nang tauhan. O kaya’y banggitin ang
usapin nang pahapyaw sa halip na talakayin ito nang lubusan
upang mapanatili ang mabuting pagsasamahan. Dahil dito, ang
organisasyon at ang indibidwal ay kapwa napipinsala. Ito ay isang
tipo ng liberalismo.
Magpakalulong sa mga iresponsableng pamumuna nang
sarilinan sa halip na masiglang magharap ng mga mungkahi
sa organisasyon. Tumahimik sa harap ng tao subalit
magtsismis sa kanilang likuran, o tumahimik sa harap ng
isang pulong at magdadaldal pagkatapos. Hindi man lang
iginalang ang mga prinsipyo ng kolektibong pamumuno at sa
halip ay sumunod sa sariling hilig. Ito ay ikalawang tipo.
Palampasin ang mga bagay-bagay kung hindi sangkot ang
sarili; magsalita nang babahagya hanggat maaari gayong
tiyak na nalalaman kung ano ang pagkakamali,
magpakatuso at maniguro at umiwas lamang na
mabagsakan ng sisi. Ito ay ikatlong tipo.
Sumuway sa mga kautusan at sa halip ay ipagmalaki ang
sariling palagay. Humingi ng natatanging konsiderasyon ng
organisasyon ngunit tumanggi sa disiplina nito. Ito ay
ikapat na tipo.
Magpakasasa sa atakeng personal, maghanap ng away,
magbulalas ng sariling galit o maghiganti sa halip na
makipangatwiran at makitunggali laban sa mga maling
palagay alang-alang sa pagkakaisa o kaunlaran o maayos
na pagsasakatuparan ng gawain. Ito ay ikalimang tipo.
Makarinig ng maling palagay na hindi sinasagot ang mga ito at
makarinig pa ng mga kontra-sa-kilusang pahayag nang hindi
iniuulat ang mga ito, at sa halip ay pakinggan ang mga ito nang
buong kapanatagan na parang walang anumang nangyari. Ito ay
ikanim na tipo.
Maparoon sa masa at kaligtaang magsagawa ng propaganda at
edukasyon o kaya’y magsalita sa mga pulong o gumawa ng
pagsisiyasat at pagtatanong sa kanila, at sa halip ay ipagwalang-
bahala sila at magpakitang walang pagmamalasakit sa kanilang
kapakanan, at makalimot na ang sarili ay isang lider-organisador at
kumilos na parang karaniwang tao. Ito ay ikapitong tipo.
Makitang ipinapanganib ng isang tao ang kapakanan ng
masa at hindi pa makaramdam ng pagngingitngit, o kaya’y
pagpayuhan o pigilin siya o makipagpaliwanagan sa kanya,
at sa halip ay pabayaan siyang magpatuloy. Ito ay
ikawalong tipo.
Gumawa nang matamlay at walang tiyak na balak, o
patutunguhan; gumawa nang pawalang-bahala at magpabasta-
basta—“Hanggat mongha ka’y patugtog ka na lang nang
patugtog ng kampana.” Ito ay ikasiyam na tipo.
Ipalagay na ang sarili’y nakapaglingkod na nang malaki sa
kilusan, magmalaki sa pagiging isang beterano, mamuhi
sa maliit na gawain samantalang hindi naman kaya ang
malalaking tungkulin, at maging padaskul-daskol sa
gawain at tamad sa pag-aaral. Ito ay ikasampung tipo.
Mabatid ang sariling mga kamalian ngunit hindi magpunyaging
iwasto ang mga iyon at maging liberal sa sarili. Ito ay
ikalabing-isang tipo.
Ang liberalismo ay lubhang nakapipinsala sa
progresibong kolektibo.

Ito ay kalawang na kumakain sa pagkakaisa, bumubuwag sa


pagkakabuo, nagiging sanhi ng pagwawalang-bahala at
lumilikha ng kaguluhan.

Dahil dito’y nawawala sa progresibong hanay ang matibay na


pagkakabigkis at mahigpit na disiplina, hindi maisakatuparan
ang mga patakaran at nahihiwalay ang mga organisasyon
mula sa masang pinangungunahan ng kilusang pagbabago.
Ito ay isang napakasamang tendensiya.
Itinuturing ng mga taong liberal na abstraktong dogma ang
mga alituntuning ito.

Sinasang-ayunan nila ang mga prinsipyo, ngunit hindi naman


handang isagawa ito o isagawa ito nang lubos; hindi sila handang
palitan ng progresibong paraan ang kanilang liberalismo.

Taglay ng mga taong ito ang kanilang prinsipyo, ngunit taglay pa


rin nila ang kanilang liberalismo—nagsasalita sila ng mga prinsipyo
ngunit nagsasagawa ng liberalismo; inilalapat nila ang prinsipyo sa
iba ngunit liberalismo naman sa sarili. Itinatago nila ang dalawang
uri ng kagamitang ito at nakakakita ng akmang paggagamitan ng
bawat isa. Ganito ang takbo ng isip ng ilang lider.
Ang liberalismo ay pagpapakita ng oportunismo at
pundamental na salungat sa progresibong prinsipyo.

Ito ay negatibo, at obhetibong tumutulong sa kaaway ng


pagbabago; kung kaya’t ikinatutuwa ng kaaway ang
pananatili nito sa ating hanay. Sapagkat ganyan ang
katangian nito, hindi ito dapat magkaroon ng puwang sa
hanay ng kilusang pagbabago
Dapat nating gamitin ang progresibong prinsipyo nang may
positibong diwa upang mapagtagumpayan natin ang liberalismo na
mayroon namang negatibong diwa.

Ang isang lider-organisador ay dapat magtaglay ng malawak na pag-


iisip, dapat siyang maging matatag at masigasig; dapat niyang ituring
na pinakabuhay niya ang kapakanan ng kilusan at ipailalim ang
personal na kapakanan sa kapakanan ng kilusan; kailanman at
saanman ay dapat siyang manindigan sa simulain at magbunsod ng
walang-pagod na pakikitunggali sa lahat ng maling kaisipan at kilos,
upang mapatatag ang kolektibong pamumuhay ng kilusan at
mapatibay ang pagkakabuklod ng organisasyon at ng masa; dapat
niyang pagmalasakitan ang organisasyon at ang masa nang higit
kaninuman; at pagmalasakitan ang iba nang higit sa sarili. Sa gayon
lamang siya maituturing na progresibong lider-organisador
Ang lahat ng tapat, tunay, masigasig at matuwid na
progresibong lider-organisador ay dapat magkaisa
upang labanan ang tendensyang maging liberal na
ipinakikita ng ilang taong kasama natin, at akayin sila sa
tamang landas.★
VI. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY
NA LIDER-MASA
Ang MULA SA MASA DU30 MOVEMENT (MMDM), Inc. ay
isang pang masang organisasyon sa pambansang saklaw
KILUSAN PARA SA
na nagsusulong ng
PANLIPUNANG PAGBABAGO na
militante ang tipo. Kung gayon, suriin natin ang
nararapat na katangian ng isang mahusay na lider-masa
para sa ating kilusan.
A. Walang ipinanganak na isang mahusay na lider ng militanteng
kilusang masa; lumilitaw ang mahusay na lider sa proseso ng praktika at maigting
na pakikibaka para sa panlipunang pagbabago.

Lumilitaw at napapanday sila sa apoy ng mga pangmasang pakikibaka–silang mga


may pinakamarurubdob na hangaring magsilbi sa masang api, pinakamatatapat sa
simulain, pinakamasisigasig sa paggawa at pinakaseryosong matuto sa
pamamaraan ng pamumuno sa masa.

Yaon namang hindi nakaaangkop at nakasasabay sa tempo ng pagsulong, mga


hindi makatugon sa mga napapanahong panawagan at dumaraming mga tungkulin,
at mga simpleng hindi mapangibabawan ang makikitid na pansariling interes at
mabuway ang hangaring maglingkod sa masa – ay napag-iiwanan, nadadapa at
naliligaw ng daan.

Sa ganitong mga pagkakataon, walang ibang tagapaghusga kung sino ang tunay at
di-tunay na mga lider ng masa – kundi ang malawak na masa. Huhusga ang masa
batay sa tindig, galaw at salita ng mga umaaktong namumuno sa kanila.
B. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Lider

Sa burges/elitista at pyudal na pamantayan ng pagpili ng mga lider,


ipinapanguna ang mga sumusunod: mataas ang pinag-aralan; may
katungkulan sa burges na gubyerno (opisyal ng barangay, atbp; at may kaya
sa buhay. Pero pinatunayan na ng karanasan na hindi ang mga ito ang dapat
na pamantayan. Ang ilang mga naging lider na ganito ay siya pang unang
tumiklop sa gitna ng pakikibaka.

Kaya ano ang dapat na susing pamantayan? Iyong mga matatatag


manindigan para sa interes ng masang api at pinagsasamantalahan, di
natatakot humarap sa kaaway sa uri, masisigasig sa pagkilos para sa
pagbabago, at handang magsakripisyo alang-alang sa interes ng masa, sa
kilusan at ng bayan.
MGA KATANGIAN:

1. Laging ipinagpapanguna ang interes ng mas malawak na


kabuuan, ng mamamayan, ng kilusan, at ipinapailalim dito ang
pansariling interes at kapakanan. Nakahandang magsakripisyo alang-
alang sa interes na malawak na masa, prestihiyo at kaligtasan ng
kilusang masa, at para sa pagsulong ng kabuuang pakikibaka.
2. Puno ng kasigasigang kumilos para itaguyod ang mga interes at
kapakanan ng malawak na masa. Hindi nagiging sagka ang mga kaunting
suliranin, limitasyon sa katawan, suliraning pampersonal, at pananakot at
pambubulabog ng mga kaaway sa uri upang gampanan ang mga tungkuling
nakaatang.

Para sa kanya, ang pag-aktibo sa kilusang masa ay hindi lamang isinisingit


kung walang gaanong gawain sa bukid at okasyong pampamilya. Tinitiyak
nito na laging may makabuluhang panahong ginugugol niya sa pagkilos sa
bawat araw at bawat linggo, at ang mga sagabal sa pagkilos niya na
sumusulpot ay kanyang nireresolbahan.

Sinusunggaban ang lahat ng panahon at lugar upang mapabilis at higit pang


maging produktibo ang paggampan ng mga gawain. Hindi nagkakasya sa
mga nakasanayang paraan ng paggawa; tuluy-tuloy na nagpapaunlad ng
paraan ng paggawa upang lalo pang sumulong ang mga gawain.
3. Masigasig sa pag-aaral sa ibat ibang usapin sa prinsipyo,
kasaysayan, kasalukuyang mga pangyayari sa ekonomya,
pulitika. Pinagsisikapan niya ito sa pamamagitan ng masiglang
pagdalo sa mga pag-aaral, pagbabasa ng mga dokumento,
pagsubaybay sa mga pinakahuling pangyayari, atbp. Hindi nagiging
sagka ang kasalatan niya ng “mataas na pinag-aralan” para magawa
ito.
4. Laging nagsisikap para sa pagkakaisa ng mga mamamayan
at ng buong kilusan. Iniiwasan ang mga gawa at hakbang na
nakasisira sa pagkakaisang ito. Aktibong tinutunggali ang mga gawa at
hakbang ng iba na mapanghati at o di kaya’y nagdedemoralisa sa
masang kasapi at nagbubunsod ng di pagkakaisa.
5. Laging nagpapaunlad ng mga kakayahan. Nagsisikap na
matutunan ang ibat ibang linya ng gawain at hindi lamang
nagkakasya sa mga dati nang linyang alam at kakayahan.
6. Nakikisalamuha sa malawak na masa. Pana-panahong
kinokunsulta ang kasapian ng organisasyon at mga karaniwang
mamamayan. Pinakikinggan at kinokonsidera ang mga opinion ng iba
laluna ang mga kaiba ang palagay, nakikipag-aralan sa kanila,
natututong makipagsalubungan sa layuning magkaisa. Nagpapakabihasa
sa demokratikong istilo ng pamumuno. Iwinawaksi ang kumandismo.
7. Hangga’t pinahihintulutan ng kalagayan ay pinangungunahan
ang paggampan ng ibat ibang gawain hanggang sa sityo at purok,
ipinakikita at itinuturo sa pinakamaraming bilang kung paano ang tama,
mas angkop at mas epektibo at higit na mas mabungang paraan ng
paggawa. Iwinawaksi ang burukratismo.
8. Huwaran sa disiplina, mulat na laging binabaka ang anumang
impluwensyang burges at pyudal sa sarili at sa mga kasama. Iniiwasan
ang mga bisyo at gawing nakakasira sa prestihiyo ng kilusan, katulad
ng laging pag-iinom, pagsusugal, pambababae, atbp.
9. Bukas sa pagtanggap sa puna ng iba, habang pinupuna ang
mga kahinaan at kamalian ng iba upang matulungan sila.★
National Executive Committee (NEC-MMDM)
E-mail: mmdmnational@gmail.com

Facebook/MMDNnational
Twitter/MMDMnational

You might also like