LANDSCAPE NG KAAYA-AYANG TANAWIN SA KARAGATAN BALIK-ARAL
Hayaang magbahagi ang
mga bata ng kanilang natutunan sa nakaraang markahan. a. Ano-anong mga bagay ang inyong nakikita sa larawan?
b. Nagpapakita ba ito ng iba’t ibang linya,
hugis at kulay?
c. Naging kaakit-akit ba ito sa inyong mga
mata? Sa paanong paraan? Paglalahad
Ang Bahurang Tubattaha ay isang pulo
ng korales na pumapaligid sa lawa. Matatagpuan ito sa timog-silangan ng siyudad ng Puerto Prinsesa, Palawan. Ipinrinoklama itong World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Culutral Organization (UNESCO) noong Disyembre 1993 at nasa ilalim ito ng proteksyon ng Department of Natural Defense (DND). Ang salitang “tubbataha” ay pagsasanib ng dalawang salitang Samal na nangangahulugang “isang mahabang bahurang lumilitaw sa pagbaba ng tubig”. Sinasakop ito ng mga makukulay na korales ang dalawang-katlo ng buong lugar at tirahan ito ng napakaraming uri ng buhay-dagat. Ang biodiversity ng Tubbataha ay kumakalaban sa Great Barrier Reef ng Australia. Mayroon itong 300 na uri ng koral at 400 na uri ng isda. Dahil sa angking yaman ng karagatan, pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taong madalas pumupunta dito bagaman hindi sila tahasang naninirahan sa lugar na ito. Tulad ng angking ganda ng Tubattaha, isa ang “Tropical Landscape” sa mga larawang nagpapakita ng likas na kagandahan ng ating bansa na ipininta ng isa sa mga kilalang Pilipinong pintor na si Juan Arellano. Dito niya ipinamalas ang paggamit ng “modern realism style” sa pagpipinta. Kilala din siya sa kanyang mga neo-klasikong arkitektura kabilang ang Ateneo de Manila. Ang isang likhang sining ay mas nagiging kaakit-akit sa paningin kung malalapatan ng wastong lamlam o tingkad ng kulay. Ito rin ang isang paraan upang mas maipakitang tila totoo ang larawan. a. Ano –anong elemento ng sining ang iyong nakita sa larawan?
b. Naging kaakit-akit ba ito sa iyong
paningin?
c. Ang lahat ba ng mga pintor sa
Pilipinas ay may magkakaparehong istiilo o pamamaraan ng pagppipinta? Gawaing Pansining
Hayaan ang mga batang mag-isip
ng mga lugar na malapit sa lawa o dagat na kanila ng narating, napuntahan o di kaya’y natanaw habang naglalakbay noong nakaraang bakasyon. Ipalarawan ang angking ganda nito sa pamamagitan ng pagpipinta. Pagpapalalim ng Pag-unawa
Paano ninyo ginamit ang mga
elemento at prinsipyo ng sining sa inyong ipininta?
Mahalaga bang maging akma ang
kulay at disenyo na iyong gagamitin sa paggawa ng inyong likhang sining? Paglalahat
A. Ano ang natutnan ninyo sa inyong ginawa?
B. Bilang mag-aaral, sa pagsasalaysay mo
lang ba maaaring ibahagi ang iyong damdamin at karanasan? Sa paanong paraan mo ito ginawa?
C. Ikaw ba ay nasiyahan sa paggawa ng
natapos mong likhang sining? Repleksiyon
Dapat ba nating ipagmalaki ang
kagandahang taglay ng ating mga karagatan? Kung oo, ipaliwanag kung sa paanong paraan mo ito maisasagawa. Pagtataya
Hayaan ang batang magbigay
puna sa natapos niyang likhang sining sa pamamagitan ng rubrics.