Aralin 3

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Aralin 3:

Ugnayan ng Pangkalahatang Kita,


Pag-iimpok at Pagkonsumo
Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga
bagay na kinakailangan upang mapunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Ang pagkonsumo gamit ang salapi ay


kinakailangan din ng matalinong pag-iisip
at pagdedesisyon.
Kita
pinanggagalingan ng pera ng maraming
tao; ang kapalit ng serbisyo o produktong
ibinigay; maaaring itabi o itago bilang
savings o ipon
Ayon kina Meek, Morton
at Schug, ang ipon o
Ayon sa savings ay ang kitang
“Macroeconomics” ni hindi ginagamit sa
Roger E.A. Farmer pagkonsumo at hindi
(2002), ang savings o ginagastos sa
pag-iimpok ay paraan pangangailangan.
upang ipagpaliban ang
paggastos.
Personal Investment
Economic Investment
paglalagay ng ipon ang
paglalagak o paglalagay isang indibidwal sa mga
ng pera para sa isang tinatawag na financial
negosyo assets gaya ng stocks,
bonds o mutual funds.
1. Ang naipon ay maaaring ilagak sa mga Financial
Intermediaries gaya ng mga bangko na ang layunin ay
mamagitan sa nag-iipon ng pera at sa mga nais umutang o
mag-loan.

2. Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin


ang nahiram na pera sa pagbili ng assets o idagdag
bilang kanyang puhunan.
3. Ang perang inilagak sa mga Financial Intermediaries ay
maaaring kumita ng interes o dibidendo at mapalago ito.
Sa panig ng sambahayan (S): Sa panig ng bahay-kalakal (B):
Y=C Y=C
Php 100 000= Php 100 000 Php 100 000= Php 100 000

Kung saan:
Y= Kita
C= Pagkonsumo

Ito ay tinatawag na makroekonomikong


ekwilibriyo kung saan ang kita (Y) sa
panig ng sambahayan ay katumbas sa
pagkonsumo ( C) o kaya sa panig ng
bahay-kalakal, ang kita sa produksiyon
(Y) ay katumbas ng pagkonsumo.
Sa panig ng sambahayan (S): Sa panig ng bahay-kalakal (B):
Y=C+S Y=C + I
Php 100 000= Php 90 000 + Php 10 000 Php 100 000= Php 90 000 + Php 10 000

C+S=Y=C+I
S=I
Samakatuwid, lumalabas na kita (outflow)= Pumapasok na kita (inflow)

Kung saan:
S=Pag-iimpok
I= Pamumuhunan
• Ang mga inilalagak na salapi ng mga depositor sa bangko
ay lumalago dahil sa tinatawag na interes. Ipinauutang naman
ng mga bangko ito sa mga namumuhunan na may dagdag na
kaukulang tubo. Ibig sabihin,habang lumalaki ang
naidedeposito sa bangko, lumalaki rin ang maaaring ipautang
sa mga namumuhunan. Kapag dumarami ang
namumuhunan, dumarami ang nabibigyan ng empleyo . Ang
ganitong sitwasyon ay indikasyon ng masiglang gawaing pang-
ekonomiya (economic activity) ng isang lipunan.
• Matatag na sistema ng pagbabangko ay
magdudulot ng mataas na antas ng pag-iimpok
(savings rate) at kapital (capital formation).
• Philippine Deposit Insurance Corporation
(PDIC) ay ang nagbibigay ng proteksyon sa mga
depositor sa bangko sa pamamagitan ng
pagbibigay seguro (deposit insurance) sa
kanilang deposito hanggang sa halagang Php
250 000.
*kasalukuyang deposit insurance = Php 500 000
Ito ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari
(assets), pagkakautang (liabilities), negosyo,
at iba pang financial interest ng isang
empleyado ng gobyerno., kasama ang
kanyang asawa at mga anak na wala pang 18
na taong gulang.

You might also like