Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

MGA BAHAGI NG

PANANALIKSIK
GROUP 3
“Mga bahagi ng Pananaliksik”
Pagkakaiba ng Konseptong Papel sa Pamanahong
Papel o Term Paper
 Ang konseptong papel ay isang gawaing isinasagawa bilang paghahanda sa
pinaplanong pagsasagawa ng pananaliksik.
 Isa itong konseptong papel kung saan nakapaloob ang mga gawaing dapat gawin
sa pag gawa ng pananaliksik. Nakabatay dito ang mga ideyang nabuo mula sa
ginawang pagpaplano ng gawain.
 Dito na bubuo ang mga planong nais patunayan, bigyang linaw o nais tukuyin ng
isang mananaliksik
Mga bahagi ng konseptong papel:
1.Rasyunal(rationale)
-nabibilang dito ang mga bahaging pinagmulan ng ideya o dahilan kung bakit
napili ang paksa at inilalahad dito ang kahalagahan at kabuluhan ng pagsasaliksik.
2.Layunin(objective)
-ito ang bahaging nais ng mananaliksik na makamit o matamo sa paksang napili.
-maaring itoy layuning pang kalahatan o tiyak na layunin o ispesipikong
layunin ng mananaliksik.
3.Metodolohiya(methodology)
-nabibilang sa bahaging ito ang paraang ginamit ng mananaliksik at mga paraan
sa pagkuha ng datos o pagsusuri.
4.Kinalabasan ng pag-aaral(result)
-inalalahad sa bahaging ito ang resulta ng na isagawang pananaliksik kung saan
lahat ng mga inaasam na maging bunga ng pag-aaral ay nailalahad sa bahaging ito
ng konseptong papel. At maaari ding banggitin dito at isama ang karagdagang
dahoon gaya ng apendiks.
Eksampol ng Balangkas ng Konseptong Papel

Pormat ng Pahina ng Pamagat


Pahina ng Pamagat
6 NA ESPASYO MULA SA ISANG PULGADANG MARGIN
Pamagat
6 na espasyo
I. Pamagating Pangalan
Pahina 2 espasyo
II. Rasyonale
III. Metodolohiya Filipino 2 (seksyon)
IV. Inaasahang Kay (pangalan ng propesor)
Resulta
6 na espasyo
V. Talaan ng
Sanggunian Petsa
Pangalan ng Paaralan/Kolehiyo
Ang Pamanahong Papel
- Ang pamanahong papel o term paper ay isang papel-pampananaliksik na
bahagi na ng pag-aaral na kailangang maisakatuparan ng mga mag-aaral sa
kolehiyo bilang pagtupad sa pangangailangan sa kursong kinukuha o isa sa
larangang pang-akademiko. Pinakagamitin ang makrong kasanayan na pag basa`t
pagsulat sa pag-buo ng isang pamanahong papel at ito rin ay kadalasang
kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa.

Mga Bahagi ng Pamanahong Papel:


1. Mga pahinang pang preliminary:
` Fly Leaf 1. - ito ay isang blankong papel na nasa pinakaunang pahina ng
pamanahong papel.
a. Pamagat na Pahina
- Nakasaad dito ang pamagat ng pamanahong papel, kung kanino ipinasa ang papel,
kung saang asignatura ito, kung sino ang gumawa at komplesyon at nakaayos nang pa-
inverted pyramid.
Eksampol ng Balagkas ng Pamanahong Papel
MGA TERMINOLOHIYANG PAMPANANALIKSIK SA WIKA NG INGLES NA TINUMBASAN
SA WIKANG FILIPINO AT ANG KAHALAGAHAN NITO PARA SA MGA MAG
AARAL NA KUMUKUHA NG MEDYOR SA FILIPINO NG LAGUNA
STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY NG LAGUNA
P.T 2014-2015

Isang Tesis na
Iniharap sa Lupon ng mga Guro sa
Pangradwadong Pag-aaral at Aplayd Riserts sa
Laguna State Polytechnic University
Santa Cruz Main Campus
Santa Cruz, Laguna

Bilang Bahagi sa
Pangangailangang Itinakda sa Pagtatamo ng
Titulong Pandalunhasaan ng Sining sa Pagtuturo
ng Filipino (M.A. –Filipino)

JOVY VALEZUELA LARRIOS

Nobyembre 2014
b. Dahong Pagpapatibay
- Ang pahinang ito ay naglalaman ng pagkumpirma sa ipinasang
pamamanahong papel ng mananaliksik.

PAGPAPATIBAY

Ang tesis na ito na pinamagatang “MGA TERMINOLOHIYANG PAMPANANALIKSIK SA WIKA NG INGLES NA TINUMBASA SA WIKANG
FILIPINO AT ANG KAHALAGAHAN NITO PARA SA MGA MAG-AARAL NA KUMUKUHA NG MEDYOR SA FILIPINO NG LAGUNA STATE
POLYTECHNIC UNIVERSITY NG LAGUNA P.T 2014-2015” na inihanda at isinumite ni JOVY V. LARRIOS bilang pagtupad sa
pangangailangan para sa titulong Pandalubhasaan ng Sining sa Pagtuturo ng Filipino (M.A.) ay sinuri at itinagubilin na tanggapin at pagtibayin.

DR. TERESITA W. BALLESTEROS

Tagapayo

PANEL NG MGA TAGASURI


Pinagtibay ng Komite para sa Oral na Pagsusulit na may grading .

NESTOR M. DEVERA, Ph. D. LUCITA G. SUBILLAGA, Ed. D. LYRMA C. HIFE, Ed. D.


Pangulo ng Unibersidad / Tagapangulo Miyembro ng Panel Miyembro ng Panel

IMELDA G. CARADA, M.A. TERESITA ELYBA, M.A. VICTOR ESTALILA, M.A.


Miyembro ng Panel Eksternal na Miyembro ng Panel Eksternal na Miyembro ng Panel

Tinanggap at pinagtibay bilang pagtupad sa pangangailangang itinakda para sa Titulong Pandalubhasa sa Sining ng Pagtuturo ng
Filipino (M.A.), sa Laguna State Polytechnic University, Santa Cruz Main Campus.

LUCITA G. SUBILLAGA, Ed. D.


________________ Dekana
Petsa Panggalawang Pag-aaral at Aplayd Riserts
c. Pasasalamat o Pagkilala
Sa pahinang ito nabibigyan ng pagkakataong maitala at pasalamatan o bigyang pagkilala
ang mga taong naging bahagi ng pag-aaral ng isang mananaliksik.

PASASALAMAT

Kalayaan sa mga salita ko`y pahintulutan ako,

tulang ito`y di sapat sa mga pasasalamat ko.


Pinasasalamatan
Oktober 27, 2011 nang LSPU ay masilayan ko,
ng mananaliksik ang
binuksan ang pinto`t nagging isa sa tahanan ko.
lahat ng mga sumuporta Mag-aaral ngayo`t guro rin sa unibersidad na ito,

at nag bigay patnubay salamat LSPU sa liwanag at ito`y nasilayan ko!

upang matapos ang pag- Mga panahong ginugol, kaalama`y nakamit ko,

aaral na ito. hindi pinagsisihang dito napadpad mga paa ko.

Marupok, matinik, at madawag ang tinahak ko,

lakad, takbo at gapang mga daang binagtas ko,

Salamat LSPU sa panibagong TAGUMPAY ko!


d. Talaan ng nilalaman
-Dito nakatala ang mga bilang at kung saan makikita ang bawat pahina. Nakatala at
nakaayos ditto ang balangkas na mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel

TALAAN NG NILALAMAN
Panimula Pahina
PAMAGAT………………………………………………………………………..... i
PAGPAPATIBAY………………………………………………………………..... ii
PAGHAHANDOG………………………………..……………………………..... iii
PASASALAMAT…………………………………………………………………..... iv
ABSTRAK………………………………………………………………………..... vii
TALAAN NG NILALAMAN……………………………………………………..... x
TALAAN NG FIGYUR…………………………………………………………....... xiv
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN…………………………………………........ x
e. Talaan ng Talahanayan o graf.
- matatagpuan sa bahaging ito ang pamagat ng bawat talahanayan at graf na nasa loob
ng pamanahong papel.

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN


Talahanayan Pahina
1 Panukatan sa Paglalarawan ng Kasagutan sa Pagsasalin…………...............
2 Makabuluhang Kaugnayan sa Marka ngMag-aaral……………………………

f. Fly Leaf 2
- isa ito sa blanking papel bago ang katawan o kabuuan ng pamanahong papel
KABANATA 1
a. Ang panimula (problem and scope)
- Dito nakapaloob ang maikling talataan na kung saan kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay sa pananaliksik. Ito ay isinusulat sa unang panauhan at
maaaring ilagay ang direktang sipi ng mga konsepto basta kasama ang pinaghanguan.
b. Balangkas na teoretikal (literature background)
- Inilalagay dito ang mga konseptong nabasa mula sa aklat-reperensya na magiging
batayan sa pananaliksik.
c. Paradima ng pag-aaral (theoretical and conceptual)
- Ipinakikita sa bahaging ito ang mga varyabol ng pag-aaral ang independent variable at
dependent variable. Ang Teoritikal at Konseptwal na mga balangkas ay susundan ng
pagkilala sa prosesong pagdaraanan sa pamamagitan ng paradym na Input-Process-
Output
Input Process Output

Feedback
d. Layunin ng pag-aaral (statement of the problem)
-Nakasaad dito ang naisin ng mananaliksik na matuklasan at kung bakit
isasagawa ang pag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin
-Sa bahaging ito inilalahad ang suliranin na nais saliksikin. Ang mga ito ay nasa
anyong patanong.

e. Haypotesis o hinuha
-Nakasaad dito ang suhestiyong kasagutan sa isang suliranin o pag-aaral.
Karaniwang isinusulat ito sa paraang eksperemental. Ito ay pansamanatala at
sayantipikong hula sa resulta na binubuo bago pa man matapos ang pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
-upang maging espisipiko ang kabuoan ng saliksik, kailangang ilahad ang saklaw
at limitasyon nito. Ang saklaw ay tumutukoy sa pangkalahatang layunin, paksa at
tiyak na aspektong pag-aaralan.
f. Kahalagahan ng Pag-aaral (significants of the study)
-Dito nakasaad ang signifikans ng gawaing pananaliksik batay sa paksang pag-
aaralan at kung sino ang maaaring makinabang sa pag-aaral.

g.Depinisyon ng mga terminolohiya (definition of terms)


-Binibigyan ng angkop na depinisyong operasyonal ang mga sumusunod na mga
terminolohiyang ginamit sa isinagawang pag-aaral upang mas lubos na maintindihan
ang paglalahad ng paksa.

You might also like