Ugnayang Pilipino-Amerikano Sa Isyung Pangmilitar

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

UGNAYANG PILIPINO-AMERIKANO

SA ISYUNG PANGMILITAR AT
KALAKALAN AT REAKSIYON NG MGA
PILIPINO
PHILIPPINE REHABILITATION ACT

Dahil sa matinding kahirapang naranasan


ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang pandaigdig ay napilitan si
Pangulong Manuel Roxas na tanggapin ang
tulong pinansyal na pinagkakaloob ng mga
Amerikano.
Philippine Rehabilitation Act
- ipinagkaloob ng pamahalaang Amerikano ang halagang $ 620 milyon.

$ 120 milyon-inilaan sa pagpagawa ng mga tulay, kalsado, at iba pang


imprastrakturang kailangan para maayos ang pamumuhay ng mga
mamammayan. Bahagi rin nito ang $ 100 milyon na halaga ng mga lumang
kagamitang pangmilitar na iniwan ng mga Amerikano sa bansa at halos hindi
na mapapakinabangan.
$ 400 milyon-ipagkakaloob o gagamitin bilang iskolarship ng mga
Pilipinong ipadadala sa Estados unidos upang mag-aral kung saan ang
kanilang matutunan ay gagamitin sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa at
gayundin ay pangalagaan ang interes ng pamahalaang Amerika sa Pilipinas
- Nakapaloob ang paglalaan ng halagang 800 milyong
dolyar bilang bayad-pinsala sa mga ari-arian ng mga
sibilyang naapektuhan ng digmaan kapalit ng pagsang-
ayon ng pamahalaan ng Pilipinas sa kasunduang
pangkalakalang inaalok ng mga Amerikano.
Bell Trade Act
-pinagtibay ng kasunduang ito ang malayang kalakalan sa pagitan ng
Amerika at ng Pilipinas sa loob ng walong taon mula 1946 hanggang 1954.

-itinakda rin ng Bell Trade Act ang pagkakaloob ng Parity Rights sa mga
Amerikano na magkaroon ng pantay na karapatan gaya ng tinatamasa ng mga
Pilipino ang mga Amerikano na magnegosyo sa bansa.
Kasunduang Base-Militar

-nilagdaan ni Pangulong Roxas noong Marso 14, 1947


kasama si Embahador Paul McNutt

-itinakda ng kasunduang ito ang pagpapahintulot na


manatili sa Pilipinas ang 23 base-military ng Amerika
sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Ilan sa mga kilalang base-military ng mga Amerikano
sa bansa:

-Clark Air Base sa Pampanga


-Subic Naval Base sa Olongapo, Zambales
-Camp John Hay sa Baguio
REAKSIYON NG MGA PILIPINO
-umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas mula sa mga Pilipino
-para sa marami ay naging Pro-American si Roxas na naging daan ng
paghahari ng neocolonialism sa bansa

neocolonialism-isang paraan ng panghihimasok ng malakas at


makapangyarihang mga bansa sa pamamagitan ng paggamit ng panggigipit a
ekonomiya, politika, at iba pa para makontrol o maimpluwensyahan ang mga
bagong-tatag na estado
-nagalit ang maraming Pilipino sapagkat malinaw na ipinakikita ng
pamahalaang Roxas na hindi isang ganap na kalayaan ang ipinagkaloob ng
Estados Unidos sa Pilipinas kundi kalayaang political lamang o pamamahala sa
gobyerno

-lalong tumindi ang pagkakaroon ng colonial mentality ng mga Piliino


PAG-USAPAN NATIN

Paano mo ilalarawan ang naging ugnayan ng mga Pilipino at Amerikano sa mga


kasunduang pangkalakalan at pangmilitar? Sang-ayon ka ba sa mga
kasunduang ito?

Sa iyong palagay bakit higit na tumindi ang pagkakaroon ng “colonial


mentality” ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig?

Paano tinanggap ng mga Pilipino ang hindi pantay na kasunduang namagitan sa


mga Pilipino at Amerikano tulad ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights,
at Kasunduang Base-Militar?
ISAISIP NATIN
-Maraming suliranin ang kinaharap ng Ikatlong Republika dulot ng epekto ng
nagdaang Digmaang Pandaigdig
-Nagkaroon di ng di pantay na mga kasunduan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano tulad ng:
a. Philippine Rehabilitation Act
b. Bell Trade Act
c. Parity Rights
d. Military Bases Agreement
e. Military Assistance Agreement
-Isa pa sa suliraning kinaharap ng bansa ay ang pagtaas ng antas ng “colonial
mentality” sa puso at isip ng mga Pilipino
SAGUTIN NATIN
Suriin ang isinasaad ng mga pangungusap. Salungguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga ng
sumussunod na mga pahayag.

1.Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang ekonomiya at kabuhayan ng bansa ay lubos


na naapektuhan
2. Nagbago ang kalagayan ng sentro ng kalakalan at kalinangan ng bansa nang
maapektuhan ito ng madugong labanan ng Allied Powers at Axis Powers
3. Dahil sa mas maraming oportunidad sa Kamaynilaan, maraming mga mamamayan mula sa
lalawigan ang tumungo rito
4. Patuloy na nagsikip ang Maynila at Lungsod Quezon bunga ng paninirahan ng mga
tagaprobinsya
5. Upang masolusyunan ang problema sa pagsisikip sa Kamaynilaan ay nilikha ng
pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat-tirahan at Pagsasaayos
KASUNDUANG BASE-MILITAR

Anu-ano ang mga


kasunduang base-military
na pinagtibay sa panahon
ng administrasyong Roxas
Sa inyong palagay, lubos bang nakatulong
ang mga kasunduang base-military na ito
sa pagsulong at seguridad ng bansa?

Oo Hindi

Magtala ng mga pangyayari sa kasalukuyang


panahon na nagpapatunay sa inyong sagot
Bilang pagpapahalaga, lagyan ng tsek ang mga gawaing sa palagay mo ay naging epekto ng
“colonial mentality” pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Magbigay ng
paliwanag sa inyong napiling sagot.

1. Pagtangkilik sa sariling atin.


2. Paghanga at gawing panginoon ang mga dayuhan.
3. Pag-asa na lamang sa mga programang pang-ekonomiyang inaalok ng mga dayuhan.
4. Pagmamalaki sa ating kultura.
5. Pagmamalaki sa pagiging Pilipino.
6. Pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan.
7. Pinagyayaman nang lubos at nililinang ang ating mga likas na yaman.
8. Pagpapahalaga sa programang “Pilipino Muna.”

You might also like