Ugnayang Pilipino-Amerikano Sa Isyung Pangmilitar

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

UGNAYANG PILIPINO-AMERIKANO

SA ISYUNG PANGMILITAR AT
KALAKALAN AT REAKSIYON NG
MGA PILIPINO
PHILIPPINE REHABILITATION ACT

Dahil sa matinding kahirapang


naranasan ng Pilipinas pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang
pandaigdig ay napilitan si
Pangulong Manuel Roxas na
tanggapin ang tulong pinansyal na
pinagkakaloob ng mga Amerikano.
Philippine Rehabilitation Act
- ipinagkaloob ng pamahalaang Amerikano ang halagang
$ 620 milyon.

$ 120 milyon-inilaan sa pagpagawa ng mga tulay,


kalsado, at iba pang imprastrakturang kailangan para
maayos ang pamumuhay ng mga mamammayan. Bahagi
rin nito ang $ 100 milyon na halaga ng mga lumang
kagamitang pangmilitar na iniwan ng mga Amerikano sa
bansa at halos hindi na mapapakinabangan.
$ 400 milyon-ipagkakaloob o gagamitin bilang
iskolarship ng mga Pilipinong ipadadala sa Estados unidos
upang mag-aral kung saan ang kanilang matutunan ay
gagamitin sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa at
gayundin ay pangalagaan ang interes ng pamahalaang
- Nakapaloob ang paglalaan ng halagang 800
milyong dolyar bilang bayad-pinsala sa mga
ari-arian ng mga sibilyang naapektuhan ng
digmaan kapalit ng pagsang-ayon ng
pamahalaan ng Pilipinas sa kasunduang
pangkalakalang inaalok ng mga Amerikano.
Bell Trade Act
-pinagtibay ng kasunduang ito ang malayang kalakalan
sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas sa loob ng walong
taon mula 1946 hanggang 1954.

-itinakda rin ng Bell Trade Act ang pagkakaloob ng Parity


Rights sa mga Amerikano na magkaroon ng pantay na
karapatan gaya ng tinatamasa ng mga Pilipino ang mga
Amerikano na magnegosyo sa bansa.
Kasunduang Base-Militar

-nilagdaan ni Pangulong Roxas noong


Marso 14, 1947 kasama si Embahador
Paul McNutt

-itinakda ng kasunduang ito ang


pagpapahintulot na manatili sa Pilipinas
ang 23 base-military ng Amerika sa iba’t
ibang sulok ng bansa.
Ilan sa mga kilalang base-military ng mga
Amerikano sa bansa:

-Clark Air Base sa Pampanga


-Subic Naval Base sa Olongapo, Zambales
-Camp John Hay sa Baguio
REAKSIYON NG MGA PILIPINO
-umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas
mula sa mga Pilipino
-para sa marami ay naging Pro-American si Roxas na naging
daan ng paghahari ng neocolonialism sa bansa

neocolonialism-isang paraan ng panghihimasok ng


malakas at makapangyarihang mga bansa sa
pamamagitan ng paggamit ng panggigipit a
ekonomiya, politika, at iba pa para makontrol o
maimpluwensyahan ang mga bagong-tatag na estado
-nagalit ang maraming Pilipino sapagkat malinaw na
ipinakikita ng pamahalaang Roxas na hindi isang ganap na
kalayaan ang ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Pilipinas
kundi kalayaang political lamang o pamamahala sa gobyerno

-lalong tumindi ang pagkakaroon ng colonial mentality ng


mga Piliino
PAG-USAPAN NATIN

Paano mo ilalarawan ang naging ugnayan ng mga Pilipino at


Amerikano sa mga kasunduang pangkalakalan at
pangmilitar? Sang-ayon ka ba sa mga kasunduang ito?

Sa iyong palagay bakit higit na tumindi ang pagkakaroon ng


“colonial mentality” ng mga Pilipino pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pangdaigdig?

Paano tinanggap ng mga Pilipino ang hindi pantay na


kasunduang namagitan sa mga Pilipino at Amerikano tulad
ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights, at Kasunduang
Base-Militar?
ISAISIP NATIN
-Maraming suliranin ang kinaharap ng Ikatlong Republika
dulot ng epekto ng nagdaang Digmaang Pandaigdig
-Nagkaroon di ng di pantay na mga kasunduan sa pagitan ng
mga Pilipino at Amerikano tulad ng:
a. Philippine Rehabilitation Act
b. Bell Trade Act
c. Parity Rights
d. Military Bases Agreement
e. Military Assistance Agreement
-Isa pa sa suliraning kinaharap ng bansa ay ang pagtaas ng
antas ng “colonial mentality” sa puso at isip ng mga Pilipino
SAGUTIN NATIN
Suriin ang isinasaad ng mga pangungusap. Salungguhitan ang sanhi at
ikahon ang bunga ng sumussunod na mga pahayag.

1.Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang ekonomiya at


kabuhayan ng bansa ay lubos na naapektuhan
2. Nagbago ang kalagayan ng sentro ng kalakalan at kalinangan ng
bansa nang maapektuhan ito ng madugong labanan ng Allied Powers
at Axis Powers
3. Dahil sa mas maraming oportunidad sa Kamaynilaan, maraming
mga mamamayan mula sa lalawigan ang tumungo rito
4. Patuloy na nagsikip ang Maynila at Lungsod Quezon bunga ng
paninirahan ng mga tagaprobinsya
5. Upang masolusyunan ang problema sa pagsisikip sa Kamaynilaan ay
nilikha ng pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat-
tirahan at Pagsasaayos
KASUNDUANG BASE-
MILITAR

Anu-ano ang mga


kasunduang base-
military na
pinagtibay sa
panahon ng
administrasyong
Roxas
Sa inyong palagay, lubos bang
nakatulong ang mga kasunduang
base-military na ito sa pagsulong
at seguridad ng bansa?

Oo Hindi

Magtala ng mga pangyayari sa


kasalukuyang panahon na
nagpapatunay sa inyong sagot
Bilang pagpapahalaga, lagyan ng tsek ang mga gawaing sa palagay
mo ay naging epekto ng “colonial mentality” pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Magbigay ng paliwanag sa inyong napiling
sagot.

1. Pagtangkilik sa sariling atin.


2. Paghanga at gawing panginoon ang mga dayuhan.
3. Pag-asa na lamang sa mga programang pang-ekonomiyang inaalok
ng mga dayuhan.
4. Pagmamalaki sa ating kultura.
5. Pagmamalaki sa pagiging Pilipino.
6. Pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan.
7. Pinagyayaman nang lubos at nililinang ang ating mga likas na
yaman.
8. Pagpapahalaga sa programang “Pilipino Muna.”

You might also like