edukasyon at lagpas pa Oktubre 3, 2011 Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo sa pagtataguyod ni Dr. David Micheal M. San Juan---convenor ng Tanggol Wika, Associate Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila at sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may layuning “Urging the Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Education (DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on the implementation of the senior high school/junior college and Revised General Education Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program which might cause the downsizing or even abolition of the Filipino departments in a number of universities (other departments would surely be downsized too).” AGOSTO 29, 2012 Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M.C. Umali, Esq. na walang asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education Curriculum (RGEC). DISYEMBRE 7, 2012 Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa DLSU, inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pmabansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.” Hunyo 16, 2014 Sa pagtataguyod nina Dr. David Micheal M. San Juan, convenor Tanggol Wika at Dr. Antonio Contreras at paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diaylogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/ Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Hunyo 21, 2014
Bienvenido Lumbera, National Artist- isa sa
mga tagapagsalita sa Forum at paglahok sa halos 500 delegado mula sa mga kolehiyo, unibersidad at organisasyong pangwika at pangkultura, nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultasyong forum sa DSLU-Manila. HULYO 4, 2014 Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng Tanggol Wika. Agosto 2014
Inilabas ang dokumentaryong gaya ng “Sulong
Wikang Filipino (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbrera) at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para Kanino?” Setyembre 2014
Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling
Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa”. Abril 15, 2015 Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terru Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng Act Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Micheal M. San Juan, ang nasabing petisyon. Abril 21, 2015
Halos isang linggo pagkatapos ng
pagsasampa ng kasong ito at kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamgitan ng pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO). Hulyo 18, 2016 Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the Implementation of the CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 Entitled “General Education Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies”. Setyembre 23, 2016 Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Phillipine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na Philippine History subject). Hulyo 11, 2017
Lumabas ang isa pang memorandum ng
tagapangulo ng CHED-Dr. Patricia Licuanan at may paksang Clarification on the Offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher Education Programs, na hindi naman nila gaanong ipinalaganap. Agosto 9, 2017
Natanggap ng Tanggol Wika ang isang
“manifestation and motion” sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General. Agosto 25, 2017