Kolektibong Kuwento • Isagawa ang mga sumusunod na hakbang para sa Gawain ng kolektibong pagkukuwento. • Maging aktibo sa pakikinig sa dikta ng guro upang ang buong pangkat ay makabuo ng makabuluhan at interesanteng kuwento: Kolektibong Kuwento 1. Maghanda ng isang buong papel na magsisilbing sulatan para sa pagbuo ng kolektibong kuwento. 2. Lumikha ng bilog ang bawat pangkat na binubuo ng limang kasapi. 3. Isusulat ng estudyanteng may-ari ng papel ang simula ng kuwento at iikot nang clockwise ang nasabing papel para maituloy ng mga kaklase ang kuwentong gusto nilang idugtong. Hintayin ang hudyat ng guro sa bawat bahagi ng kuwento. Kolektibong Kuwento 4. Bibigyan ng dalawang minuto ang bawat miyembro para maisulat ang karugtona kuwento hanggang sa makapagsulat ang huling miyembro sa bawat grupo. 5. Ididikta ng guro ang bawat bahagi ng kuwento na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa susundang daloy ng pagkukuwento. Kolektibong Kuwento • Tanong: • Ano-anong uri ng interaksiyon ang nabuo sa inyong kuwento? • Aling ang mga pahayag na nagpapakita ng personal na saloobin o damdamin? • Maituturing mo bang malikhain ang inyong nabuong kolektibong kuwento? • Ipaliwanag ang iyong sagot. Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: • Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa interaksiyonal, personal at imahinatibo; • Napag-iiba ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, imahinatibo; • Natutukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at imahinatibo sa pinanood na indie film; • Naiuugnay ang interaksiyonal, personal, at imahinatibong tungkulin ng wika sa pinanood na indie film. Interaksiyonal, Personal at Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi isang purong elementong pragmatika. • May panlipunang papel na ginagampanan ang wika upang maglinaw ng kahulugan batay sa mga aktuwal na sitwasyon at natural na tungkulin nito upang tumugon sa mga tiyak na layunin at panlipunang konteksto. Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay may interaksiyonal na tungkulin. • Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag- ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid. Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya ng “Mahal kita,” “Kamusta?” “Nanay,” at “Mabuhay.” Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng • kilos, • tuon ng mata, at • pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-killing ng ulo, at iba pang mga kilos). Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba-iba ang • ekspresyon, • tono, at • intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag- usap. Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Pormularyong Panlipunan • Pangungumusta • Pagpapalitan ng biro • Kumusta ka na aking kaibigan? • Maligayang Kaarawan Personal na Tungkulin ng Wika • Nagsisilbing gampanin naman ng Personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibiduwal. • Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang kaniyang mga personal na • preperensiya, • saloobin, at • pagkakakilanlan. Personal na Tungkulin ng Wika • Ang Personal na sulatin ay informal, walang tiyak na balangkas at pansarili. • Ito ang pinakagamit na uri ng sulatin sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay anumang paniniwala, pag-iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili. • Mga halimbawa: Shopping o Groseri List, Tala, Diary, Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati. Personal na Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Shopping o Groseri List • Tala • Diary • Dyornal • Dayalog • Liham • Mensahe • Pagbati. Personal na Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Porma/Di-Pormal na Talakayan • Liham sa Patnugot • Sang-ayon ako na idaos ang ating retreat • Ikaw ang talagang tumatanglaw sa aking bawat madilim na gabi • Nakakabahala ang artikulong inilathala ninyo sa nakaraang isyu ng inyong pahayagan. Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag ang • imahinasyon at haraya, • maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, • lumikha ng bagong kapaligiran ng tayutay at • iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng makapang-akit ng komunikasyon. Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines halimbawa ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin. • Halimbawa: • “Password ka ba? – Di kasi kita makalimutan.” • “Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.” Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Pagsasalaysay • Paglalarawan • Akdang pampanitikan Pagsubok: • Suriin ang mga sumusunod na tag line batay sa ginamit na tungkulin ng wika (interaksiyonal, personal, at imahinatibo) at ipaliwanag ang iyong sagot. • Limitahan ang paliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap. • (Limang puntos bawat isa.) Pagsubok: 1. FACEFOOD Like ko ‘to
Paliwanag: ______________________________________________________ ______________________________________________________ _______________________________________ Pagsubok: 3. TV 45 Kasama Ka!
Tungkulin ng wika: _____________________
Paliwanag: ______________________________________________________ ______________________________________________________ _______________________________________ Pagsubok: 4. Bongga ka Lhai! Parlor ng mga Sikat!
Tungkulin ng wika: _____________________
Paliwanag: ______________________________________________________ ______________________________________________________ _______________________________________ Maraming salamat sa inyong pakikinig At magandang araw sa inyong lahat.😍