- Isinalin sa Filipino ng may-akda mula sa Ethnic Group of the
Philippines, 2016. AngIsla ng Samal ay napakagandang isla na makikita sa Gulpo ng Davao. Ito ay kilala sa napakaganda dahil sa kulay asul nitong karagatan na may putting buhangin. Noong panahon ng komonwelt naging mas kilala ang lugar na ito nang bumuo si Hilario Moncado ng isang sektong panrelihiyon na tinatawag niyang Filipino Crusaders World Army (FCWA). Tinatawag na mga Moncadista ang mga kasapi nito na sumusunod sa katuruan ng kanilang ispiritwal na lider. Pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, marami mga tao mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang pumunta sa Samal upang maging tagasunod ng relihiyong ito at upang lalong malapit sa punong-kwarter nila. May dalawampu’t tatlong (23) ektaryang lupa sila sa Babak at labingsiyam (19) naman sa Limao na pinaninirahan ng mga Moncadista at pinatayuan ng tinawag nilang White House. Ang ibang miyembro nila ay nasa Makilala, North Cotabato, Marawi City, Lanao del Sur, Kitawtaw, Bukidnon, at sa Sudlon II. Sa Cebu ay may tatlong palapag sila na gusali na tinawag naman nilang Moncado Hotel. SiHilario Moncado na taga-Bamba, Cebu ay may di- pangkaraniwang kapangyarihan n makakakita ng di- pangkaraniwang nilalang na siya naming pinaniniwalaan ng kanyang milyon-milyong tagasunod. Ang kapangyarihang ito ay taglay na rin ng kanyang matagal nang mga miyembro. Noong 1925, itinatag niya ang Filipino Federation of America na naging pugad ng pagtitipon ng lahat ng mga migranting Pilipino sa buong Amerika at Hawaii. Dalawang grupong panrelihiyon ang bumuo sa organisasyon – ang Equifrilibricum World Religion at ang Moncadian Church of the Philippines. Sa Isla ng Samal ang may pinakamaraming miyembro nila hanggang sa kasalukuyan. Hindi sila kumakain ng karne ng hayop lalo na iyong may apat na paa. Nagtatanim sila ng gulay dahil ito ang pinakaulam nila. Bawal ang panlasa sa pagkain tulad ng asin at bitsen. Kilala sila na ang kinakain kung maaari ay hilaw na pagkain (raw food). Bilang pagsunod sa Diyos, nagpapahaba sila ng buhok at balbas. Hindi sila naninigarilyo at umiinom ng alak. Nang mamatay si Hilario noong 1956, may bagong acting na president ang inihalal sa isang kombensyon ng organisasyon para ipagpatuloy ang bisyon ng namatay na dating punong-kumander. Ngayon, ang White House na itinayo sa Isla ng Samal ay naging atraksyon na lamang sa mga turista na bumibisita sa lugar, banyaga man o local. Ang estatwa ni Hilario Moncado ay nakatayo pa rin sa Limao bilang alaala sa kanya. Pangalan:______________________ Iskor:____ Iskedyul ng klase:_______________ Petsa:_______ Instruksyon: Punan ang blangko para makumpleto ang diwa ng pangungusap. 1. Ang Isla ng ___________ ay luklukan o punong-kuwarter ng mga Moncadista/Moncadian sa buong Pilipinas. 2. Si ____________ Moncado ang bumuo o nagtatag ng sektong panrelihiyon ng mga Moncadista. 3. Tinawag na FCWA o ____________________ ang relihiyon ng mga Moncadista. (buong pangalan) 4.-5. May mga ekta-ektaryang lupain ang mga Moncadista sa _____________ at __________. 6. Ang tatlong palapag na _______________ Hotel ay Makikita sa Cebu. 7. Ipinanganak si G. Moncado noong Nobyembre 4, ____________________ . 8. Nagtrabaho si G. Moncado sa plantasyon ng ____________ sa Hawaii. 9. Itinatag ni G. Moncado sa America ang ___________ na nagging lugar ng pagtitipon ng lahat ng migranting Pilipino sa Hawaii at Amerika. 10. Ang mga Moncadista ay hindi Kumakain ng _____________ at hayop na may apat na paa. 11. Bawal din sa mga moncadista ang panlasa sa pagkain tulad ng asin at _____________. 12. Ang araw ng ______________ ay araw ng samba sa mga Moncadista. 13. Ang ______ director ang tagapangasiwa sa pagbabasa ng bibliya sa mga Moncadista. 14. Sa ngayon, ang bahay na tinatawag ng mga Moncadista na ____________ ay isang atraksyon sa lamang sa mga turista o sa local na gustong bumisita sa Samal. 15. Noong taong _________ ay namatay si G. Moncado.