Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Gawain 14. Magbasa at Matuto.

Panuto
Ang teksto tungkol sa Kabihasnan ng
Rome.
MAPA NG ROME
Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa
kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na
nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng
Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming
kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang
mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog
Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang
bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng
Latium at sinasabing dito umusbong ang
dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome
dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa
Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay
nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa
mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea.
Ang saganang kapatagan at maunlad na
agrikultura ay kayang suportahan ang
pagkakaroon ng malaking populasyon.

You might also like