Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Pangkat 4

(Icelandic)
HALLO
(English)
I LOVE YOU

(Icelandic)
ég elska þig

(yĕg l-skä thĭg)


"SI THOR AT LOKI
SA LUPAIN NG MGA HIGANTE"
PANGKAT
NI SNORRI STURLUSON
4
ISINALIN SA FILIPINO NI SHEILA C. MOLINA
MGA TAUHAN:
THOR- DIYOS NG
KULOG AT KIDLAT;
PINAKAMALAKAS SA
MGA DIYOS NG
AESIR.
LOKI – KASAMA
NI THOR SA
PAGLALAKBAY; MAY
KAPILYUHAN.
HIGANTE:

SKYMIR – NANINIRAHAN SA KAKAHUYAN

UTGARO-LOKI - HARI NG MGA HIGANTE

LOGI, HUGI, AT ELLI - KABILANG SA KUTA


NI UTGARO-LOKI
MGA TAO:
THJALFI AT ROSVKA – ANAK NA
LALAKI AT BABAE NG MAGSASAKA
Napagpasiyahan
nina Thor at Loki na
maglakbay patungo
sa Utgaro, lupain ng
mga higante, ang
kalaban ng mga
diyos.
Kinaumagahan, sila
ay naglakbay sakay
ng karuwahe na
hinihila ng dalawang
kambing.
Nang abutin ng gabi sa paglalakbay,
nagpahinga sila sa bahay ng isang
magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang
kambing at inilagay sa malaking kaldero.
Iniluto at inihain ito sa hapunan.
Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila
sa pagkain ang mag-anak na magsasaka.
Ang anak na lalaki ng magsasaka ay
nagngangalang Thjalfi at Roskva naman
ang anak na babae. Inutos ni Thor sa
magsasaka na paghiwalayin ang buto ng
kambing sa balat nito.
Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi
sa halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati ito gamit
ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha
ang kaniyang maso, itinaas ito at binentidahan ang
kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay
bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor.

Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kaniyang mga


mata. Gayon na lamang ang takot ng buong pamilya.
Halos magmakaawa sila kay Thor at sinabing handa
nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung
gaano natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din
ang kaniyang kalooban at hininging kapalit ang mga
anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay naging
alipin niya pagkatapos.
Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang
kaniyang mga mata. Gayon na lamang ang
takot ng buong pamilya. Halos magmakaawa
sila kay Thor at sinabing handa nilang ibigay
ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano
natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din
ang kaniyang kalooban at hininging kapalit
ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at
Roskva ay naging alipin niya pagkatapos.
Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy
patungo sa silangang bahagi sa lupain ng mga
higante. Naglakbay sila buong araw at nang
abutan ng dilim humanap sila ng matutuluyan.
Doon nila nakita ang malaking pasilyo at
nagpasyang manatili roon.
Hatinggabi na nang gulatin sila
ng malakas na lindol, umuuga
ang buong paligid at
pakiramdam nila ay nagiba ang
kanilang kinatatayuan. Nang
siyasatin nila ang paligid ay
nakakita sila ng isang silid.
Natakot ang mga kasama ni
Thor kaya’t binunot niyaang
kaniyang maso at humanda sa
pakikipaglaban. Maya-maya pa
ay nakarinig sila nang malakas
na ungol. Kinaumagahan,
nakita ni Thor sa labas ang
isang higante.
Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang
pupukpukin ni Thor ng kaniyang maso ang higante nang
bigla itong magising. Tinanong ni Thor ang pangalan
ng higante.
Siya raw si Skrymir at
nakikilala niya si Asa-
Thor. Tinanong nito
kung inalis ba ni Thor
ang kaniyang guwantes.
Noon nalaman ni Thor
na higante na pala ang
kanilang tinulugan at
ang hintuturo nito ang
inaakalang silid.
Tinanong ni Skrymir si
Thor kung maaari
siyang sumama sa
kanilang paglalakbay at
ito ay pumayag naman.
Nang buksan na ni Skrymir
ang baon niyang bag at
humandang kumain ng almusal
wala ang baon nina Thor at ito
ay nasa ibang lugar. Napag
kasunduan nila na pagsamahin
ang kanilang mga baon.
Pumayag si Thor, kaya’t
pinagsama ni Skrymir ang
kanilang mga baon sa isang bag
at ibinuhol ito. Sa kanilang
paglalakad nauuna ang higante
dahil sa malalaki nitong hakbang,
sila ay nagpahinga sa isang malabay na puno. Napagod ang
higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas humilik.
Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit
hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad kinuha
ang kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante.
Nagising si Skrymir at inaakalang
may nalaglag na dahon sa
kaniyang ulo, tinanong si Thor
kung sila ay kumain na. Sinabi
nitong tapos na. Nang handa nang
matulog lumipat sila ng ibang
puno. Hatinggabi na nang marinig
na naman ni Thor ang malakas na
hilik ng higante. Nagising si Thor,
kinuha ang kaniyang maso at
muling pinukpok ang higante.
Nagising ang higante at tinanong
kung may acorn ba na nahulog sa
kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari
sa iyo Thor?” sabi ng higante.
Sinabi nitong siya ay
naalimpungatan lamang at mahaba
pa ang oras para matulog. Naisip
niya na kapag pinukpok niya sa
pangatlong beses si Skrymir ay
maaaring hindi na nito kayanin
kaya’t hinintay niyang muling
matulog ang higante.
Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay
hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si
Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika
kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya
ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa
kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya.
"Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na
kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong
nagbubulungan na ako ay walang kuwentang
higante. Kung makararating kayo kay Utgaro
makikitaninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko
kayo ng mabuting payo. Huwag kayong
magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.”
sabi pa nito.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni
Thor hanggang makita nila ang matibay
na tanggulan. Sinubok na buksan ni
Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya
mabuksan. Nakakita sila ng mataas na
pader, pinanhik iyon at doon ay may
daanan. Nakita nila ang malalaking tao
na nakaupo sa dalawang bangko.
Sumunod na araw ay kaharap na nila
ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya
si Thor ang mahusay na mandirigma.
“Ikaw ay malakas kaysa tingin ko
lamang. Anong kakayahan na mahusay
kayo ng iyong mga kasama? Hindi
namin hinahayaan na manatili rito ang
taong walang ipagmamalaki.” wika nito.
Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong
subukin. Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa
pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong
upuan na nagngangalang Logi. Inilagay sa gitna ng mesa ang
mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa, naupo
ang dalawang magkatunggali. Kinain nila nang sobrang bilis
ang karne, buto na lamang ang naiwan sa parte ni Loki ngunit
ni walang butong natira sa parte ni Logi. Kaya’t malinaw na
natalo si Loki sa nasabing labanan.
Sumunod na paligsahan
naman ang pabilisan sa
pagtakbo na nilahukan
ng batang si Thjalfi
laban sa bata rin na si
Hugi. Sa unang
paglalaban, masyadong
malayo ang agwat ni
Hugi. Inulit ito nang
tatlong beses ngunit
hindi talaga maabutan ni
Thjalfi si Hugi.
Nagising si Skrymir at inaakalang
may nalaglag na dahon sa
kaniyang ulo, tinanong si Thor
kung sila ay kumain na. Sinabi
nitong tapos na. Nang handa nang
matulog lumipat sila ng ibang
puno. Hatinggabi na nang marinig
na naman ni Thor ang malakas na
hilik ng higante. Nagising si Thor,
kinuha ang kaniyang maso at
muling pinukpok ang higante.
Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung
anong kakayahan naman ang ipakikita
nito. Sinabi nitong gusto niyang subukin
ang labanan sa pabilisan ng pag-inom.
Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang
cupbearer na dala-dala ang tambuli na
madalas inuman ng mga panauhin. “Isang
mahusay na manginginom ang
makauubos nito sa isang lagukan, ang
iba ay kaya ito ng dalawa ngunit
kadalasan ay nauubos ito nang tatlong
lagukan,” sabi ng pinuno ng mga higante.
Hindi pinansin ni Thor ang sukat ng
tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw.
Nilagok niya nang malaki ang lalagyan
ngunit hindi na siya makahinga kaya’t
nang tingnan ang lalagyan ay parang
wala pa ring nabawas. Ganito rin ang
nangyari sa ikalawang lagok. Sinabi ni
Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin
itong lahat sa pangatlong pagkakataon.
Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng
inaasahan ko.” Nagalit si Thor kaya’t
ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas
ngunit tila wala pa ring nabawas sa
laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito
hanggang sa matapon lahat ng laman.
Ipinakikita lamang na ang lakas mong
taglay ay hindi kasintindi tulad ng aming
iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang
iba pang uri ng pakikipaglaban?” tanong
ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang
maimumungkahi mo?” sagot ni Thor.
“Isang laro na paborito ng kabataan dito
buhatin ang aking pusa mula sa lupa.”
Isang abuhing pusa ang lumundag sa
lupa. Malaki ito ngunit hinawakan ni Thor
ang palibot ng tiyan nito at sinubok na
itaas gamit ang lahat ng lakas. Ngunit
paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor.
“Tapos na ang labanang ito tulad ng
aking inaasahan, walang laban si Thor sa
aking malaking pusa, ano pa kaya sa
malalaking tao rito?” wika ni Utgaro-Loki.
“Tawagin mo na akong maliit kung gusto
mo pero tumawag ka ng sinumang
makikipagbuno sa akin, galit na ako
ngayon,” sabi ni Thor. “Wala akong alam
na gustong makipagbuno sa iyo ngayon
pero hayaan mong tawagin ko ang aking
kinalakihang ina, ang matandang si Elli.
Siya ang labanan mo ng wrestling,
marami na siyang pinatumbang mga
lalaki na tulad mong malakas.”
Hindi na dapat pahabain pa
ang kuwento, habang gamit ni
Thor ang kaniyang buong lakas
lalo lamang matatag ang
matandang babae hanggang
mawalan ng balanse si Thor.
Pumagitna si Utgaro-Loki at
sinabing itigil na ang labanan.
Hindi na kailangang makipag
buno pa ni Thor kaninuman sa
tagapaglingkod. Malalim na
noon ang gabi kaya’t
sinamahan sila ni Utgaro-Loki
kung saan sila makapag-
papahinga at inasikaso nang
maayos.
Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang
mga kasamahan ay nagbihis at humanda
na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni
Utgaro-Loki nang masaganang agahan.
Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni
Utgaro-Loki si Thor kung ano ang naiisip
nito sa kinalabasan ng kanilang
paglalakbay at kung may nakilala ba
itong lalaki na higit na malakas kaysa
kaniya (Utgaro-Loki). Sumagot si Thor na
hindi niya maikakaila na nalagay siya sa
kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at
marahil iniiisip nito na siya ay walang
halaga at hindi niya ito gusto.
“Ngayong palabas ka na sa
Sinabi ni Utgaro-Loki,
aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyo ang
katotohanan, kung ako ay mabuhay at may
kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na
kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking
salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam
ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang
magdulot ng kapahamakan sa aming lahat.
Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika.
Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad
kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin
ang pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa
dahil binuhol ko ito ng alambre. Pagkatapos
noon hinampas mo ako ng iyong maso nang
tatlong ulit.
Ang una ay mahina pero kung umabot ito sa
akin ay patay na ako. Nang makita mo ang
burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking
kuta kung saan naroon ang tatlong
kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim,
ito ang marka ng iyong maso. Inilagay ko
talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng
iyong mga hampas pero hindi mo ito nakita.
Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng
paligsahan laban sa aking mga tagapaglingkod.
Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang
mga hiniwang karne sa sobrang kagutuman
pero ano ang laban niya kay Logi na tulad ng
mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang
kakahuyan.
At si Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa
tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban
sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa
bilis ng aking kaisipan. At noong ikaw
naman ay uminom mula sa tambuli
inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa aking
salita, anong himala na ang dulo ng
tambuli ay nakakabit sa dagat pero hindi
mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat
halos masaid ang tubig nito. Hindi rin
kamangha-mangha sa akin nang
maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa,
pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang
lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan.
Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi
isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat
na upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo
at buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos
abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin
nang makipagbuno ka nang matagal at
napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong
pakikipaglaban kay Elli na wala kahit sino
mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay
maghihiwalay mas makabubuti para sa ating
dalawa na tayo’y di na muling magkita.
Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking
kuta gamit ang aking mahika o anumang
paraan upang hindi manaig ang iyong
kapangyarihan sa akin.
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang
kaniyang maso upang ipukol ngunit wala
na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon
wala na rin ang kuta kundi isang
malawak lamang na kapatagan. Muli
siyang lumisan at ipinagpatuloy ang
kaniyang paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng
mga diyos.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. SAAN NAPAGPASYAHAN NILA THOR AT


LOKI NA MAGLAKBAY? _________________

2. ANO ANG PANGALAN NG 2 ANAK NG


MAGSASAKA? _________________________

3. SINO-SINO ANG MGA NABANGGIT NA


HIGANTE'NG KABILANG SA KUTA NI UTGARO
LOKI? ________________________________
4. ANO ANG IPINAYO NI SKRYMIR KAY THOR
SA PAGLALAKBAY NILA TUNGO SA UTGARO?
_______________________________________

5. ANO ANG GINAWA NI UTGARO LOKI UPANG


IPAGTANGGOL ANG KANIYANG KUTA SA MGA
KATULAD NI THOR? ____________________

6. MAYROON BANG RELASYON SI LOKI KAY


UTGARO LOKI? O WALA? PATUNAYAN.
________________________
7. ANG MGA DIYOS NG NORSE AY KILALA SA
TAWAG NA..? __________

IBIGAY ANG KAHULUGAN NG PANGALAN NG MGA SS.

8. HUGI - __________________

9. LOGI - __________________

10. ELLI - ___________________

You might also like