malinaw ang nais na mangyari sa binabalak na proyekto. (Pagpapakita ng isang halimbawa ukol sa mga hakbang ng isang gawain.) 1. Pamilyar ba kayo sa mga hakbang na inyong nakikita?
2. Paano nakatutulong ang mga
hakbang sa isang gawain? Pagsasaayos ng mga hakbang ayon sa tamang pagkasunod-sunod. Pagproseso sa mga hakbang na inayos ng mga mag-aaral. “Paghahanda sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto” Paano sisimulan ang pagsulat ng panukalang proyekto? Bago magsulat, kailangan munang malinaw ang nais na mangyari sa binabalak na proyekto. Ano ang naiisip mong proyekto? Ano-ano ang mga layunin nito? Bakit kailangang isagawa ito? Kailan at saan mangyayari ang proyekto? Gaano ito katagal? Sino-sino ang makikinabang sa proyekto? Kailangan ding tukuyin kung magkano ang iminumungkahing badyet at kung sino-sino ang sangkot sa pagsasakatuparan ng proyekto. Kailangang ipaliwanag nang mabuti ang mga ito sa isusulat na panukalang proyekto. Tandaan, dapat makatotohanan ang iminumungkahi. Kung hindi makatotohanan dahil sa laki ng badget , limitasyon sa panahon o lugar, kakulangan ng tao, at iba pang salik, malaki ang posibilidad na hindi ito maaprubahan ng ahensiya ng pamahalaan o pribadong indibidwal o institusyon na siyang magdedesisyon kung maisakatuparan ang panukalang proyekto. “Bahagi ng Panukalang Proyekto” Ang akademikong sulatin ay karaniwang nahahati sa tatlong bahagi: panimula, katawan at kongklusyon. Ang estrukturang ito din ang susundan sa pagsulat ng panukalang proyekto. Sa unang bahagi ng panukalang proyekto, ilalahadang rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon. Sa katawan naman ilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing badget para sa mga ito. Sa kongklusyon ilalahad ang mga benepisyong maaaring idudulot ng proyekto. Ang mga sumusunod naman ang mga espisipikong laman ng panukalang proyekto, ayon sa pagkasunod-sunod.
Pamagat. Tiyaking malinaw at maikli ang pamagat. Halimbawa, “Panukala para sa
TULAAN 2015 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”. Proponent ng Proyekto. Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang address, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organisasyon. Kategorya ng Proyekto. Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program? Petsa. Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto? Rasyonal. Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito. 1. May ihahandang impormasyon ang guro na aayusin ng mga mag-aaral alinsunod sa mga hakbang na napag-aralan.
2. Pag-uulat ng bawat pangkat sa bunga ng
kanilang gawa. Pagkatang gawain: Paggawa ng Panukalang Proyekto alinsunod sa iminumungkahing paksa. Magtatagumpay lamang ang isang gawain kung susundin ang tamang hakbang. Pormatibong Pasulit: Pagsunod-sunurin ang tamang hakbang sa pagsulat ng panukalang proyekto gamit ang bilang 1- 10. Subuking magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga panukalang proyekto.