Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PROJECT 555

FILIPINO
FEBRUARY 1, 2018
Piliin mula sa kahon ang wastong paggamitA.pagbabakasyon C.Australia
ng pangngalan sa pakikipagtalastasan. B.kaibigan D. pangulo sa klase
1-3 “ Lilet! Ikaw ba si Lilet? Aba! Ikaw nga,
ang matalik kong_____________. Kumusta ka na?Naku, ang ganda-ganda mo at ang
seksi pa! Nawala ka ng maraming taon, saan kaba nagpunta?”,sunod-sunod na tanong
ni Liz. “Natuloy kasi ako sa _____________. Madalian ang pangyayari kaya hindi na
ako nakapagpaalam sa inyo nang maayos. Doon na ako nagtapos sa aking pag-aaral”,
paliwanag ni Lilet. “Mukhang mage enjoy ako sa ________________ kong ito
Sa sinalungguhitang salita sa pangungusap,kilalanin ang uri ng pangngalan nito.
____4. Ang kanyang pagsigaw ay nangangahulugan ng kagalakan.
•Di-kongkreto B. Payak C. Kongkreto D. Lansakan
____5. Nagdulot ng kasiyahan sa aming lugar ang hinding inaasahang pagdating
ng artistang si Coco Martin.
•Di-kongkreto B. Payak C. Kongkreto D. Pantangi
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
6.Babarilin ni Mang Juan ang mangangaso ng kalabaw.
A. magsasaka B. magbabakal C. mangangahoy D. manghuhuli ng
hayop
7. Kumaripas ng takbo si Kalabaw dahil sa putok ng baril.
A. dumapa B. tumumba C. nagmadali D. nagmarahan
8. Kabayanihan ang ginawa ni Langaw sa panahong nasa panganib si
Kalabaw. A. kabaitan B. karuwagan C. katapangan D. kagitingan
9. Nilutas ni Kalabaw ang problema ni Langaw.
A. sinulosyunan B. tinakasan C. tinama D. tinulungan
10. Nakaakma ang baril ng mangangaso kay kalabaw.
A. nakadikit B. nakakasa C. Nakatutok D. nakatapat
Piliin ang tamang sasabihin sa bawat pahayag.
11. Ano ang dapat mong sabihin kung nais mong humiram ng damit sa
iyong ate?
A. Ate, puwede ko bang mahiram ang bestida mo?
B. Ate, hihiramin ko po ang bestida mo ha?
C. Ate , hiniram ko nga po pala yung bestida ninyo kahapon.
D. Ate, hihiramin ko ang bestida mo.
12. Nais mong dumaan sa may pinto ngunit nag-uusap doon ang
dalawang guro. Paano mo ito sasabihin?
A. Makikiraan. C. Tabi po kayo. Dadaan ako.
B. Makikiraan po. D. Umalis po kayo diyan. Dadaan ako.
13. Nais mong gumamit ng palikuran ngunit nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang iyong
guro. Paano mo ito sasabihin?
A. Tumayo at sabihin “maaari po ba akong lumabas para gumamit ng palikuran?”
B. Itaas ang kamay at saka tumayo at sabihing “maaari po ba akong lumabas para
gumamit ng palikuran?”
C. Lumabas ng silid ngunit sa likod na bahagi dumaan at sabihin “ maaari po ba
akong lumabas para gumamit ng palikuran?”
D. Lumabas na lamang sa silid nang tahimik.
14. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaklase para tapusin ang inyong proyekto. Paano ka
hihingi ng pahintulot sa iyong mga magulang?
A. Itay, pupunta ako sa kaklase ko.
B. Itay, aalis na ako.
C. Itay, pupunta po ako sa kaklase ko upang tapusin yung aming proyekto.
D. Itay, puwede po bang pumunta ako sa kaklase ko para tapusin ang aming
proyekto?
15. Inimbitahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa kanyang
kaarawan. Paano ka hihingi ng
pahintulot sa iyong ina?
A. Inay, dadalo po ako sa kaarawan ng aking kaibigan.
B. Inay, aalis na po ako. Pupunta po ako sa kaarawan ng aking
kaibigan.
C. Inay, maaari po ba akong dumalo sa kaarawan ng aking
kaibigan?
D. Inay, kailangan ko pong pumunta sa kaarawan ng kaibigan
ko.
Bilugan ang pang-abay na hinihingi ng bawat bilang. At uriin kung ito ay
A. PAMANAHON B. PANLUNAN C. PAMARAAN D. PANANONG
16. Kaninang umaga naglaba si Inay ng mga uniporme naming
magkakapatid.
17. Ako at ang aking kaibigan ay naligo sa ilog kahapon.
18. Matiyagang tinahi ni Lola ang butones ng aking bestida.
19. Nag-aaral sa Unibersidad sa Davao si Ate Karol.
20. Umuwing umiiyak si Lorna dahil sa pangungutya ng kanyang
mga kaklase
21. Si Nanay ay _____________ habang naglalaba.
a. nagluluto b. nagluto c. magluluto d. pinagluluto
22. Kami ay masayang _______________ sa probinsya noong nakaraang
lingo. a. namamasyal b. mamasyal c. namasyal d. papasyal
23. Ako ay nautusang __________ ng mga halaman sa hardin mamayang
hapon.
a. nagdilig b. magdidilig c. pinagdidilig d. didiligan
24. Si Lorraine ay kasali sa singing contest kaya siya ay ______________
ngayon. a. mag-eensayo b. nag-ensayo c. pag-eensayo d. mag-
ensayo
25. _____________ ni Aling Nena ang kanyang anak knina bago siya papasok
sa paaralan a. Pinapayuhan b. Papayuhan c. Napapayuhand.
Pinayuhan
Basahin ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
Si Andres Bonifacio ay masikap at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyan
bumasa at sumulat. Tinulungan niya ang kanyang sarili sa pamamgitan ng
pagbabasa ng mga lathalaing sinulat ng mga Pilipino.
Bungan g pang-aabuso, napilitang lumaban si Andres Bonifacio sa mga
Espanyol at kanyang itinatag ang Katipunan. Noong Agosto 23, 1896,
nagtipun-tipon ang mga Katipunero sa Pugadlawin, at sabay-sabay na pinunit
ang kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa pamahalaan ng mga
Espanyol.
Bagamat kulang sa armas at kakayahang pang-militar, naitaguyod ni Andres
Bonifacio ang malawakang paghihimagsik laban sa lakas ng Espanyol. Siya ay
tinawag na “Ama ng Katipunan” dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan.
26. Bakit sinabing masikap at matalinong mag-aaral si Andres Bonifacio?
a. Siya ay nag-aral sa mga sikat na paaralan.
b. Siya napabilang sa mga matatalinong bata sa knyang paaralan.
c. Tinulungan niya ang kanyang sarili upang siya ay makapag-aral.
d. hindi sinabi sa teksto ang dahilan
27. Bakit itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan?
a. Dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol b. Dahil sa marami siyang tauhan
c. Dahil siya ay isang magiting na kawal d. Nais niyang maging pinuno ng mga
kawal na Pilipino
28. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng tekstong iyong binasa?
a. Ang Sigaw sa Pugadlawin b. Andres Bonifacio: Magitng na Tao
c. Andres Bonifacio: Ama ng Katipunan d. Bonifacio: Ang Katipunero
29. Anong grupo ang itinatag ni Bonifacio laban sa mga Espanyol?
a. Kalayaan b. Katipunan c. Kaisahan d. Kapipipinuhan
30. Kailan itinatag ni Bonifacio ang Katipunan?
a. Agosto 24, 1896 b. Agosto 13, 1896 c. Agosto 23, 1896 d. Agosto 10, 1986
31-35
A. kasing-itim B. di-gasino
C. nakalulungkot D. sariwa E. pinakamasaya
__________ pa ang hangin sa pook. Ang ilog ay malinis at
malinaw.Tahimik ang lugar at payapa. Isa sa ____________ bahagi ng
araw ay ang gabi. Tuwang-tuwa na nag-uusap ang mga magkakapitbahay
sa ilalim ng maliwanag na sikat ng buwan habang masayan- masayang
naghahabulan ang mga bata habang naglalaro ng tumbang preso.
Ngunit. __________ maganda na ang buhay ngayon sa nayon. Ang
dating tahimik at payapa ay magulo at maingay na. _________________
isipin na ang dating malinis at maayos na kapiligiran ay puno na ng
basura. _______ na ng usok ang tubig ilog.
Malungkot na sa nayon.Sana maibalik ang dati nitong anyo
36. Anong pangngalang ang hindi material na bagay. Ito ay tumutukoy sa
diwa o kaisipan.
A. Konkreto B. di – konkreto C. pambalana D. pantangi
37. Kilalanin sa mga sumusunod ang pangngalang nakikita at nahahawakan.
A. Di- konkreto B. konkreto C. pambalana D. pantangi
38. Piliin sa mga sumusunod ang ibang tawag sa konkretong pangngalan?
A.basal B. tahas C. pambalana D. pantangi
39. Ano ang ibang katawagan ng tahas na pangngalan
A. di – konkreto B. konkreto C. pantangi D. pambalana
40. Hanapin sa mga sumusunod ang di nabibilang sa grupo ng pangngalan
A. kaligayan B. katalinuhan C. kagandahan D. bulaklak

You might also like