Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Layunin

NAIBIBIGAY ANG
KAHULUGAN NG MGA
MATATALINGHAGANG
PAHAYAG SA ALAMAT(F8PT-
ID-F-20)
PANGKATANG GAWAIN.

BUMUO NG DALAWANG PANGKAT AT PAG-USAPAN ANG SITWASYONG INYONG NABUNOT.


ILAHAD ANG PANANAW NG INYONG GRUPO TUNGKOL SA ISANG ISYUNG NARARANASAN
NG MGA KARAMIHAN SA MGA KABATAAN SA KASALUKUYANG PANAHON.

SA KASALUKUYAN, ISA SA MADALAS NA NAPAG-USAPAN SA USAPING PAMPAMILYA AY ANG


ISYU TUNGKOL SA KUNG HANGGANG SAAN MAARING PANGHIMASUKAN NG
MAGULANG ANG BUHAY NG KANILANG MGA ANAK.
SA IBABA, MAKIKITA ANG MGA ISYU SA BUHAY NG MGA KABATAANG MADALAS
PAKIALAMAN NG MGA MAGULANG.PAG-UUSAPAN ITO NG BUONG GRUPO SA LOOB LAMANG
NG 3 MINUTO AT PAGKATAPOS AY PIPILI KAYO NG ISA NINYONG KINATAWAN NA
MAGREREPRESENTA SA INYONG GRUPO
IBIGAY ANG INYONG PANANAW HINGGIL SA ISYUNG INYONG NAPILI AT IPAHAYAG ANG
INYONG REAKSIYON.
MGA SITWASYON
REAKSIYON/PANANAW

1. Pagtatakda ng magulang ng kursong


dapat kunin ng anak sa kolehiyo.

2. Pagpili ng magulang ng
mapangangasawa ng anak.
RAMBOL TITIK
Hulaan kung anong salita ang
maaaring mabuo sa nakarambol
na mga titik na may kaugnayan
sa ating paksang tatalakayin.

MAALTA
ANG ALAMAT
NG
MARINDUQUE
Ang alamat - ay kuwentong nagpasalin salin sa
bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng
pinagmulan ng isang pook,bagay,halaman, hayop,
pangalan o katawagan, o iba pang bagay. Ang mga
pangyayari sa isang alamat ay maaaring totoo o
likha lamang ng mayamang guniguni ng manunulat.
Sinasabi na noon pa mang unang panahon, ang
ating mga ninuno ay nagkaroon na ng kuwentong-
bayang kinabibilangan ng mga alamat. Ang mga
ito’y lumaganap sa paraang pasalita at nagpasalin
salin sa bibig ng mga taong-bayan. Higit na
maunlad ang paglaganap ng mga alamat sa bansa
nang magsimulang makipag-ugnayan at
Gayunman, mas marami pa rin ang alamat na nagpasalin
salin sa bibig ng ating mga ninuno. Sa pagdating naman ng
mga Espanyol sa bansa ay saglit na nahinto ang paglaganap
ng mga kuwentong-bayan at panitikan tulad ng alamat sanhi
ng paglaganap ng relihiyong Katolisismo. Ipinasunog ng mga
prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ang ibang
mga akda ay ipinaanod sa ilog sapagkat ang mga ito raw ay
gawa ng demonyo. Gayunman, dahil ang alamat ay panitikan
at pasalindila hindi ito tuluyang naglaho o nawala.
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang isang alamat
tungkol sa pinagmulan ng isang lalawigang matatagpuan sa
Rehiyon IV-B o MIMAROPA. Ito ay itinuturing na lalawigang
makikita sa pinakasentro o pinakagitna ng Pilipinas kung ang
pagbabatayan ay ang heograpiya nito o walang iba kundi ang
Marinduque.
Payabungin natin
A. Panuto: Ibigay ang kahulugan matatalinghagang pahayag na
ginamit sa binasang alamat na nakasulat ng may diin sa pangungusap.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno. May
pagpipilian na nakasulat sa cartolina.

____ 1. Umalis ang binatang ang mukha ay nasa talampakan dahil sa


masasakit na salitang kanyang natanggap mula sa datu.

____ 2. Dulot ng di-matingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, ang


dalaga ay buong tapang na binagtas ang kaparangan para hanapin
ang kasintahan.

____ 3. Sa kabutihang- palad ay nailigtas ng binata ang dalaga sa


tiyak na kamatayan.
______4. Sa kabila ng abang kalagayan ng binata ay labis pa rin siyang
minahal ng dalaga dahil sa pagkakaroon niya ng banal na kaluluwa.

____5.Binuo ng magkasintahan ang kanilang sarili na sila ay hindi


pabibihag ng buhay sa mga taong nais na humabol sa kanila.

 MGA PAGPIPILIAN NG SAGOT:


A. Dahil sa magandang pangyayari
B. Di –masusukat na lakas
C. Mabuting kalooban
D. nagkaisang magdesisyong gawin ang isang
bagay
E. nagpasiyang tumanan o tumakas
F. Nakaramdam ng matinding pagkapahiya
B. Tukuyin kung ang pares ng mga salita ay
magkasingkahulugan o magkasalungat. Isulat lang sa
inyong kuwaderno ang tsek (/) kung ang mga salita ay
magkasingkahuugan at ekis (x) kung magkasalungat.
1. sumisila ------------ pumupuksa
2. Mabangis ----------- maamo
3. Magkasintahan ------------ magkaribal
4. Kinalululanan ------------- kinasasakyan
5. Maluwat -------------- saglit
TAPOS

You might also like