Bitamina A

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BITAMINA A

Ang bitamina A ay isang fat-soluble


na bitamina. Tinutukoy rin ito sa
alternatibong pangalang retinol at
carotenoids. Madalas itong makukuha
sa mga pagkaing sagana sa taba at
kolesterol, tulad ng karne, itlog,krema,
at iba pa. Mahalaga ang bitaminang
ito lalo na sa pagkakaroon ngmalusog
na mata, pagtubo ng selula, reproduk-
siyon, matibay na resistensiya
(immune system), at pagkakaroon ng
malusog na buhok, balat, at mucous
membranes.
 Gamit
Tumutulong ang bitamina A sa
pagbubuo at pagpapanatili ng kalusugan sa
ngipin, skeletal at soft tissue, mucous
membranes, at balat.Tinatawag din itong
retinol dahil nagproprodyus ito ng pigments
sa retina ng mata. Nakapagbibigay ito nga ng
magandang paningin lalo na kapag hindi
masyadong mailaw. Kailangan din ito para sa
panganganak at pagpapasuso. Ang pag-iinom
din ng suplemento ng bitamina A ay may
mga positibong epekto sa pagbabawas ng
anemia.
 Pinagkukunan
Ang bitamina A ay may dalawang anyo,
depende sa pagkaing pinagmulan nito.
Nakukuha ang bitamina A na anyong retinol sa
mga pagkain na nagmula sa hayop, katulad ng
itlog, gatas, cream, karne, atay, kidney, at
mantika ng isdang halibut. Ang lahat ng
pagkaing ito maliban sa skim milk ay mataas
sa saturated fat at kolesterol. Nakukuha din
ang bitamina A na anyong carotenoid at
walang taba at kolesterol sa mga gulay katulad
ng karots, kalabasa, kamote, broccoli at sa
halos lahat ng berde at madahong gulay. Mas
mataas ang beta-carotene content sa mga
gulay na mas matingkad ang kulay.
 Epekto ng kakulangan sa bitamina A
Ang kakulangan sa bitamina A o vitamin A
deficiency lalo na sa mga bata ay isa sa mga
pangunahing sanhi ng pagkabulag o
pagkakaroon ng florie ann tae. Ang mild
vitamin A deficiency ay maaaring magdulot
ng pagbabago sa conjunctiva (sulok ng mata)
na tinatawag na Bitot’s spots. Ang severe
vitamin A deficiency naman ay nagdudulot ng
kondisyon na tinatawag
na xeropthalmia (pampalinaw ng mata) na
nagreresulta ng corneal ulcers, scarring at
pagkabulag.

You might also like