Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

FILIPINO 1

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Wika?
Ang wika ay isang bahagi
ng pakiki-pag-talastasan na
ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga
kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.
Kahalagahan
Kung wala ang wika, mawawalan ng
saysay ang halos lahat ng gawain ng
sangkatauhan, sapagkat nagagamit
ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng
sa pakikipag-kalakalan, sa
diplomatikong pamamaraan ng
bawat pamahalaan, at
pakikipagpalitan ng mga kaalaman
sa agham, teknolohiya at industriya.
Ang siyentipikong pag-aaral ng wika o agham ng wika ay tinatawag
na lingguwistika.

Dalubwika – ang taong nag-aaral ng wika.

Polygot/poligot – taong maraming nalalamang wika.


Etimolohiya

 Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.


 Nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag
ding salita ang wika.
 Katulad ng language – tawag sa wika sa Ingles.
 Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang
“dila” sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,

Anyo ng wika
1) pagsasalita.
2) pagsusulat,
3) mga wikang pasenyas,
4) larangan ng musika,
5) sining ng pagpipinta,
6) pagsasayaw, at
7) maging ang matematika.
 “Wika” - tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-
wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.

Kasaysayan at teorya
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula
ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-
kuro ang mga dalubhasang nagsipag-aral ng paksang ito. Isa sa mga
teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang tao ang
mga tunog na narinig niya sa kalikasan.”
Halimbawa ng mga tunog na ito ay tulad ng;
 ang mga kahol ng mga asong-gubat o
 ng mga bumubukal na sapa.
 “tunog ng kalikasan”
Katangian ng Wika

May balangkas
Makahulugang tunog
Pinipili at isinasaayos
Arbitraryo
Nakabatay sa kultura
Ginagamit
Kagila-gilalas
 Balangkas
- Ang balangkas ay isang wika ay mayroong sistema sa pag-aayos ng
mga salita upang makabuo ng mga pangungusap na mayroong diwa.
 Nabubuo ng mga makahulugang tunog
- Ito ay sa pamamagitan ng mga napag-kasunduang
kombinasyon ng tunog, nagagamit ng mga tao ang isang wika
upan
 Pinipili at isinasa-ayos
- Ito ay mayroong sistematikong pagkakaayos at pagkakapili
ang bawat salita. Hindi mo maaring gamitin ang kahit na anong
salita upang makabuo lamang ng pangungusap.
 Arbitraryo
- Ito ay may pagbabago at sumusulong ang paggamit ng mga
bagong salita.
Nakabatay sa kultura
- Ito ay ang mga taong kabilang sa iisang kultura o rehiyon ay ang
nagtatakda ng kanilang wika. May iba't ibang paggamit ng mga salita
sa bawat lugar o kultura.
Ginagamit
- Ang wika upang maging buhay, kailangan nagagamit sa pang-
araw-araw na pakikipag-ugnayan.
Kagila-gilagis
- Ito ay maaring gamitin ang wika upang bumuo ng mga
pangungusap na kagiliw-giliw sa damdamin.
 Makapangyarihan
- Ito ay nagagawa ng isang wika na mapukaw ang damdamin at mapilit
ang isang indibidwal o grupo ng mga indibidwal upang kumilos patungo sa
iisang layunin.
 May antas
- ang wika ay nahahati sa apat na uri.
 May pulitika
- nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita.
 Ginagamit araw-araw
- lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay
natin ang atinmga layunin araw-araw.
Mga Antas ng Wika
 Balbal – pinaka-mababang uri wikang ginagamit ng tao, salitang nahango lamang sa
pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
Halimbawa:
 lespu (pulis)
 epal (mapapel)
 chibog (pagkain)
 Kolokyal – ginagamit sa pangaraw-araw na pakikipag-usap. salitang ginagamit sa mga
pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa
antas na ito.
Halimbawa:
 mayroon - meron
 ayaw ko - ayoko
 nasaan - nasa'n
 Lalawigan – o salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan.
Halimbawa:
 adlaw (araw)
 balay (bahay)
 babaye (babae)
 Pambansa/ neutral – ginagamit ng buong bansa o mga salitang kabilang sa wikang
Filipino. karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga
paaralan, gayundin sa pamahalaan
Halimbawa:
 malaya
 sabaw
 paniwala

 Pampanitikan/Pangretorika – ginagamit ang mga salita sa iba pang kahulugan o


ginagamit pang-katha ng dula at iba pang likhang pampanitikan. Karaniwang
matatayog, malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa:
 sanggunian
 tahanan
 kabiyak
Kategorya ng Paggamit ng Wika
 Pormal
 - ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng
wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal.
 Pambansa o karaniwan
 Pampanitikan o panretorika

 Impormal o di-pormal
 - ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw
na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan.
 Lalawiganin
 Balbal
 Kolokyal
 Ang kuneiporme (Ingles: cuneiform;
Kastila: cuneiforme) ay isa sa mga
pinakamaagang sistema ng pagsulat. Ito
ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.
Sa simula, mga marka lamang itong
makikita sa pagdiin sa mga luwad na
tableta. Gumagamit ang mga eskriba
(scribe; tagasulat sa templo) ng isang
maliit na patpat na tinatawag na stylus.
Hango ang cuneiform sa salitang Latin
na cunneus o ang kombinasyon ng
mga wedge na ginagamit na tanda nito.
Hindi sa papel sumusulat ang mga
Sumerian kundi sa tabletang luwad na
ginagamitan ng stylus habang malambot.
Pagkatapos, pinatutuyo ito sa araw
hanggang sa tumigas.
Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo. Tingnan ang una
bilang halimbawa.

WIKA
 Gumuhit ng masayang mukha sa loob ng kahon sa unahan ng bilang kung tama ang sinasabi
ng pangungusap. Gumuhit naman ng malungkot na mukha kung mali ang pahayag.
1) Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura.
2) Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.
3) May masistemang balangkas ang wika.
4) Unique o natatangi ang bawat wika.
5) May mga wikang mas makapangyarihan kaysa iba pang wika.
6) Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang wika.
7) Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o nagsasalita nito.
8) Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.
9) Ginagamit natin ang wika para makamit natin ang ating mga kagustuhan.
10) Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.
11) Napagkasunduang gamitin ng mga tao ang wika
12) Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumanggap ng mga pagbabago.
13) Dinamiko ang wika.
14) Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.
15) May pagsulat at pasalitang anyo ng wika.

You might also like