Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Cariñosa

Guro: Venus V. Macato


Cariñosa
Ang ibig sabihin ng
salitang Cariñosa ay
“mapagmahal o
magiliw”. Ang sikat na
sayaw na ito ay
nanggaling sa Espanya.
Nagsimula ang sayaw na Cariñosa sa
Isla ng Panay at ipinakilala ng mga
Espanyol noong kanilang
kapanahunan at kolonisasyon sa
Pilipinas.
Ang panyo at abaniko ang syang
pangunahing elemento ng sayaw kung
saan ang lalake at babaeng mananayaw
ay nasa sitwasyon ng pagliligawan o nasa
romantikong eksena at kanilang itinitago
ang nararamdaman sa pamamagitang ng
panyo at abaniko.
Ang panyo ay hawak ng lalaki at
abaniko naman ang hawak ng babaeng
mananayaw sa sayaw na parang
nagtataguan ang mga kilos habang
sumasayaw sa indayog ng mabilis na
musika ng Cariñosa.
Tinaguriang sayaw ng pagliligawan,
kadalasan ay dalawang mananayaw
lamang – isang babae at isang
lalaki ang gumaganap
nito, ngunit maari ring
maramihan na
magkapareha. Walang
hawakan ng kamay
ngunit makikita ang
kanilang gusto at interes
sa isa’t isa.
Pilit na hahabulin ng
lalaki ang babae sa
pamamagitan ng
sayaw, at ang babae
naman ay may
pagkamahiyain at
nagpapahabol sa
kanyang kapareha.
Ikaanim na Pigura-Taguan sa Panyo
1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang
apat na sulok ng panyo, ang mga kamay ng lalaki
ay nasa itaas na pantay ng mukha.
2. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit.
Salitan ding iangat ang mga kamay habang hawak
ang panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at
lalaki. Sisilipin lalaki ang mukha ng kapareha.
3. Bibitiwan ng babae ang panyo at magpapalitan
sila ng lalaki ng puwesto. 4. Gawin ang 1-3,
bumalik sa dating lugar. Hahawakan na ng babae
ang panyo
Ikapitong Pigura-Pagsusuyuan sa Panyo
1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang
balseng hakbang pupunta sa gitna. Ang mga
bisig ng babae at lalaki ay magka agapay sa
posisyon na papunta sa gilid pakanan at
pakaliwa.
2. 2. Gumawa ng anim na balseng hakbang
pasulong at pakanan na gagawin ng babae.
Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.
3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na
salungat sa takbo ng orasan. Una ang lalaki.
Magtapos na kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang
babae.
TANDAAN:
Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa
mga hakbang at mga termino ng sayaw.
Makatutulong ang tama at palagiang
pagsasanay upang mapagbuti ang
pagsasayaw at mapaunland ang
koordinasyon ng mga kamay at paa.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
1. Ito ay isang popular na sayaw na ipinakilala sa atin ng mga espanyol
noong ika-16 na siglo na nagging tanyag sa buong pilipinas.
A. Pandanggo sa Ilaw B. Paseo de Bicol C. Carinosa D.Polka sa Nayon
2. Ang pagsasayaw ay nagpapaunlad ng _______ ng mga kamay at paa.
A. Liksi B. Koordinasyon C. Ganda D. Bilis
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?
A. Malambing B. Masaya C. Matapang D. Malungkot
4. Anu-ano ang mga kailangan sa pagsayaw ng Cariñosa?
A. Tsinelas at salakot C. Panyo at abaniko
B. Bilao at panyo D. Bulaklak at pamaypay
5. Sino ang grupo ng mga dayuhan na nagpakilala ng sayaw na Cariñosa?
A. Tsino B. Amerikano C.Espanyol D. Hapon
6. Saan lugar unang naging ang sayaw na ito?
a. Bukidnon c. Palawan
b. Cebu d. Panay
7. Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa mga _____ at mga
terminong sayaw.
A. Kagamitan B. Kapareha C. Kasaysaya D. Hakbang
8. Sa Carinosa isinasagawa ang pagsusuyuan sa panyo sa_____na pigura.
A. Ikalawa B. Ikapito C. Ikaapat D. Ikatlo
8. Sa Carinosa isinasagawa ang taguan sa panyo sa_____na pigura.
A. Ikalawa B. Ikapito C. Ikaapat D. Ikaanim
9. Ang_____ ay isinasagawa sa ikaapat na pigura sa sayaw na Carinosa.
A. Pagluhod at pagpaypay C. Taguan sa panyo
B. Taguan sa pamaypay D. Talikuran
10. Ang_____ ay isinasagawa sa ikatlong pigura sa sayaw na Carinosa.
A. Pagluhod at pagpaypay C. Taguan sa panyo
B. Taguan sa pamaypay D. Talikuran

You might also like