Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Katangian ng

mga Lalawigan
sa Rehiyon
Ang ating bansa ay biniyayaan ng
magandang lokasyon sa mundo. Isa
itong pulo ng mahigit sa 7, 100 na mga
isla. Ang Luzon sa hilagang bahagi ng
bansa ang pinakamalaking isla. Sa
gitnang bahagi naman ang maliliit na
isla ng Visaya at sa pinakatimog na
bahagi naman ang isla ng Mindanao.
Malaki ang pagkakaiba-iba ng katangiang pisikal ng mga isla sa bansa.
Ang bulubunduking bahagi ng bansa ay nasa hilagang kanluran
papuntang timog-silangan.
Ngunit sa mga kanluraning
mga isla ng Palawan, Sulu,
Negros at Panay ang
bulubunduking bahagi ay
nasa hilagang silangan
papuntang timog-kanluran.
Karaniwan sa mga isla ay
may bulubunduking bahagi
ngunit ang mga bahagi na
malapit sa tabing dagat at
iba pang anyong-tubig ay
kapatagan.
Sa mga lugar na
katapagan naninirahan
ang mga tao, kaya’t ito
ang mga nagiging bayan
bayanan.
Ang klima ng bansa ay
isang tropikal na bansa,
kaya’t katamtaman ang init
at lamig sa buong taon. Sa
kabuuan, halos pantay ang
pag ulan sa buong taon.
Malakas na pag-ulan ang
mararanasan sa bansa mula
Hunyo hangang Oktubre Ang
mga nasa silangang isla naman
ay nakakarananas ng mas
malakas na pag-ulan mula
Nobyembre hanggang Marso.
Sa mga huling buwan ng
taon mas marami ang
nararanasang bagyo na
nagdudulot ng mga pagbaha
sa malawak na bahagi ng
bansa.
• Ano ang masasabi mo sa unang larawan? Sa
ikalawang larawan?
• Ang mga nasa larawan ba ay naranasan mo
na?
• Ano ang naramdaman mo?
Ang Rehiyon IV-B (MIMAROPA)
Suriin mo ang mapa ng Rehiyon IV-B.
Ano ang napapansin mo?
Ang mga pulo sa katimugang
Luzon ang bumubuo sa
rehiyong ito. Kinuha ang
pangalang MIMAROPA sa unang
pantig ng mga lalawigang
sakop ng rehiyon IV-B (Mindoro,
Marinduque, Romblon, at
Palawan).
Alamin ang sukat ng lawak ng lupa ng
bawatlalawigan sa kilometrong parisukat.
Sukat ng Lawak ng Lupa sa Kilometrong Parisukat
Lawak ng Lupa sa
Mga Lalawigan
Kilometrong Parisukat
Occidental Mindoro 5,879.8 km2
Oriental Mindoro 4,364.7 km2
Marinduque 959 km2
Romblon 1,355.9 km2
KABUUANG SUKAT 12,559.40 km2
Ang Rehiyong MIMAROPA ay
binubuo ng apat (4) na
lalawigan. Ang Occidental
Mindoro, Oriental Mindoro,
Marinduque, at Romblon.
Ang Rehiyong ito ay may
kabuuang sukat na
12,559.40 kilometrong
Iisa lamang ang masasabing
lungsod sa Rehiyong ito. Ito ang
Calapan City sa Oriental
Mindoro. Ang lungsod ding ito
ang kabisera ng nasabing
lalawigan. Mamburao naman
ang kabisera ng Occidental
Mindoro, Boac sa Marinduque
at Romblon sa Romblon.
Mabundok at maburol sa mga
lalawigang sakop ng rehiyong ito.
Hindi rin maitatanggi ang
kagandahan, kalinisan at
kainaman ng mga baybayin dito.
Mayroon ding mga talon at bukal
sa Rehiyon ng MIMAROPA. Pag-
aralan ang talaan sa ibaba.
Magagandang Katatagpuang
Mga Lalawigan
Tanawin Lugar
Pulo ng Ambulong Sablayan
Pulo ng Lubang San Jose
Occidental Pulo ng Ambik San Jose
Pulo ng Ilin San Jose
Mindoro Pulo ng Pandan Grande Sablayan
Baybayin ng Tayamaan Mamburao
Bundok Halcon
Oriental Mga Baybayin
Baco
Puerto Galera
Talon ng Tamaraw at
Mindoro Hidden Paradise
Baco
Magagandang Katatagpuang
Mga Lalawigan
Tanawin Lugar
White Beach Torrijos
Bukal ng Malbog Buenavista
Marinduque Talon ng Norada
Bathala Caves
Mogpog
Tres Reyes Islands Sta. Cruz
Elephant Island Gasan
Amoingon Coast Buenavista Boac
Talon ng Mainit at Talon Odiongan
ng Garing
Talon ng Dubduban-Bita
San Agustin
Romblon Talon ng Mablaran
Tinagong Dagat San Andres
Baybayin ng Aliwanyag Calatrava Sta. Fe
Magagandang Katatagpuang
Mga Lalawigan
Tanawin Lugar
Underground River
Palawan Tubataha Reef
Puerto Princesa

May pagkakaiba-iba sa klima ang mga lalawigan sa


rehiyon. Ang mga lalawigan ng Marinduque,
Occidental Mindoro at Oriental Mindoro ay
nakararanas ng dalawang uri ng panahon. Tag-init
dito mula Disyembre hanggang Abril. Tag-ulan
naman mula Mayo hanggang Nobyembre. Sa
Romblon naman ay may tatlong buwang tag-init at
maulan naman sa ibang mga buwan.
Agrikultura ang pangunahing industriya ng Rehiyon IV-B. Pag-aralan mo ang talahanayan sa ibaba. Ano-ano ang pangunahing industriya at produkto sa Rehiyon MIMAROPA?

ANG MGA INDUSTRIYA AT PRODUKTO SA REHIYONG MIMAROPA

Lalawigan Industriya Produkto


Agrikultura,
Occidental palay, niyog, mani at
bakahan at
Mindoro abaka, itlog at karne
manukan
palay, tubo, niyog,
Oriental mais, mga prutas na
Agrikultura
Mindoro citrus at ibang uri ng
prutas
Lalawigan Industriya Produkto
3. Agrikultura, niyog, palay at
Marinduque minahan tanso
4. Romblon Agrikultura,
paghahayupan at abaca, kopra,
industriyang marmol
pantahanan

5. Palawan Agrikultura,
palay, niyog
turismo
Sagana sa likas na yaman ang Rehiyong MIMAROPA. May
mga produkto rito na hindi matatagpuan sa ibang rehiyon sa
Pilipinas. Sa Romblon lamang nagmumula ang marmol.
Marami ring mapagkakakitaan ng kabuhayan sa
rehiyong ito. Ang mga nakatira sa malapit sa
baybayin ay pangingisda ang ikinabubuhay. Marami
ring magsasaka sa rehiyon. Mayroon ring nag-aalaga
ng mga baka at manok sa mga bakahan at manukan.
May mga nagmimina rin sa mga minahan ng tanso.
Matatagpuan sa Marinduque ang malaking mina ng tanso.
Maraming magandang tanawin at anyong-tubig sa MIMAROPA.
Nariyan ang Puerto Galera at
Bundok Halcon ng Mindoro, ang
Underground River ng Palawan
na ideneklarang World Heritage
site at isa sa New Seven Wonders
of Nature sa buong mundo.
Basahing mabuti ang mga gabay na
tanong sa ibaba at sikaping masagot
ang mga ito. Isulat sa kuwadernong
sagutan ang iyong mga sagot.
1. Ano ang isang katawagan para sa
Rehiyon IV-B?
2. Ano ang pangunahing industriya
ng
Rehiyon IV-B?
3. Ano ang kilalang produkto ng
Romblon?
4. Ano ang tawag sa kilalang
baybayin
sa Oriental Mindoro?
5. Ano ang kabisera ng Occidental
Mindoro?
6. Ano ang kabisera ng Marinduque?
7. Ano ang tawag sa bukal na
makikita sa Buenavista,
Marinduque?
8. Ano ang tawag sa kabisera ng
Oriental Mindoro?
9. Ano ang tawag sa ibong
nakakain
ang pugad na makikita sa
Palawan?
Isulat ang Tama sa patlang kung ang
isinasaad ng pangungusap ay wasto.
Isulat naman ang Mali kung ito ay di-
wasto at iwasto ang pangungusap.
1. Ang Rehiyon IV-B ay binubuo ng 5
lalawigan.
2. Ang mga lalawigang bumubuo sa Rehiyon
5 ay dikit-dikit.
3. Pawang mga pulo ang bumubuo ng
MIMAROPA.
4. Agrikultura ang pangunahing
industriya ng Rehiyon IV-B.
5. Ang Rehiyon IV-B ay mga
maiinam na baybayin.
6. Pinagkakakitaan din sa Rehiyon

IV- B ang pangingisda.


7. Makikita sa Romblon ang
pinakamalaking minahan ng
8. Tanyag din ang Romblon sa mga
gawaing yari sa marmol
9. Ang Underground River ng Palawan ay
isa sa 7 Wonders of Nature sa buong
mundo.
10. Ang Tubataha Reef ay matatagpuan
sa Mindoro.

You might also like