na itinuring na pinakapopular at pinakagamiting uri ng debate. Dalawa hanggang tatlong miyembro lamang sa debate. MGA HAKBANG SA OXFORD- ORGEON • Bawat miyembro ay bibigyan ng 8-10 minuto para magsalita. Isusunod dito ang tatlong minutong sandaling pagtatanungan at tatlong minutong panunuligsa. • Bawat miyembro ng koponan na matatalo ay magtatalumpati. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang kasapi ng PANIG-SANG-AYON at PANIG-DI-SANG-AYON. May takdang haba ang kanilang pagtatalumpati. Maaaring nakapaloob ito sa walo hanggang 10 minuto. MGA HAKBANG SA OXFORD- ORGEON • Pagtatapos ng kani-kanilang talumpati nang may takdang bilang ng minuto ay magkakaroon ng pagtatanungan. • Pagkatapos naman ng pangunahing pagtatalumpati at pagtatanungan ay ang paglalahad ng panunuligsa ang magkabilang panig. Kung tig-tatatlong minuto ang pagtutuligsaan, tig-tatatlong minuto rin ang pagtatanungan. MGA TUNTUNIN Dapat tandaan sa pagtatalo: 1. Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa isang positibong pahayag 2. Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig 3. Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakalahad sa isang maayos na pagpapahayag. MGA TUNTUNIN 4. Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban. 5. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban. MGA TUNTUNIN Dapat tandaan sa pagtatanong: 1. Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong 2. Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI 3. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong MGA TUNTUNIN 4. Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng pagtatanong ang isa sa kanila 5. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan MGA TUNTUNIN Dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa (Rebuttal) 1. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban 2. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban. MGA TUNTUNIN 3. Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban 4. Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa paksang pinagtatalunan. MGA TUNTUNIN 5. Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa 6. Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at katibayan MGA TUNTUNIN 7. Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap 8. Iwasan ang pagpapahiya sa kausap 9. Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap 10. Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap