saknong (stanza) o taludturan sa larangan ng panulaan (poetry) na nagsimula sa bansang Japan. Sa literature ng mga Hapon, ito ay binubuo ng tatlong taludtod at may bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5) ayon sa pagkakasunod-sunod. Ito ay karaniwang hindi nangangailangan ng tugma sa bawat hulihang bahagi ng salita ngunit ginagamitan ng paghahambing ng isa o dalawang ideya o kaya naman ay paglalarawan ng dalawang magkaibang tao, hayop, bagay, pangyayari o lugar. Mahigpit ang mga Hapones sa pagpapatupad ng mga alituntuning kaakibat ng ganitong uri ng sining. At dahil na rin sa likas na pagkamalikhain ng mga Hapones, naipaimbulog sa kanilang kultura ang haiku at magpahanggang ngayon ay kinakikitaan ng katangiang maaring maging paraan upang mapagyaman ang kanilang likas na sining. Ang mga salita na may wastong sukat na mga pantig na 5-7-5 at may tugma sa hulihang bahagi at may iisang diwa, ideya, paglalarawan, at katugmaan ang kalimitang nagiging dahilan ng ikagaganda ng isang haiku. Sa Pilipinas, karaniwang inihahalintulad ang haiku ating sariling uri na tula, katulad ng TANAGA, DIONA, AT DALIT. May mga alituntunin ding sinusunod at may sukat ng pantig na dapat isaalang-alang ang mga uri ng ganitong tula. Ngunit ito ay isang pagkakamali. Hindi nararapat na ihalintulad ang haiku sa ating literature (poetry). Ang diona ay diona. Ang tanaga ay tanaga. Ang dalit ay dalit. Sila, sa kanilang pagkakaiba ay may kanya-kanyang katangian na siyang nagiging dahilan ng kanilang pagiging kakaiba sa bawat isa. May kanya-kanya silang batas na sinusunod at mga alituntunin kung kaya’t sila ay dapat na ituring na magkakaibang uri ng panulaan. HALIMBAWA 1. TAPAT DAPAT Kung maghahanap Kaibigang kausap Dapat ay tapat. 2. PILIIN Ang payo ko lang Makipagkaibigan Sa maiinam. LAHAT NG ORAS Ang kaibigan, Iyong maasahan Sa kagipitan.