Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 18

SPEECH-ACT THEORY

ISANG PAG-UULAT

Asst. Prof. ROBERT DL. AMPIL, Ph.D.


Introduksyon

 Bakit nga ba tayo nakikipag-usap sa ibang tao?


Speech-act theory
 Ang kadalasang isinasagot sa tanong na ito ay upang
makipagtalastasan, makipagpalitan, magbigay at makakuha ng
impormasyon.
 Samakatwid ang primaryang tungkulin ng wika ay maglarawan.
halimbawa:
 “How many eggs this morning?”
 “six.”
suriin mabuti ang mga sumusunod pang usapan.
 “Come to breakfast.”
 “How do you like them done?”
 “sunny side up.”
 “The yolks are too hard.”
 “You’re always complaining!Cook them yourself.”
 “Aw! Mum!”
Speech-act theory
 Alam nating lahat na ang pahayag na “you’re
always complaining! ay hindi isang simpleng
deskripsyon ng isang nakagawiang pagkilos.
 Dito pumapasok ang social psychology at linguistic
analysis.
 Ang huling anim na pahayag ay gampanin ng tiyak
na aktong sosyal: pag-anyaya,pagtatanong,
pagsagot, pagrereklamo, pagpapahayag ng galit,
at paghingi ng paumanhin.
 Ang mga pahayag na ganito ay tinatawag na
“performative” ni Austin (1964), at ang kilos na
isinasagawa ay tinatawag na “speech-act”.
Speech-act theory

 Ayon kay Austin, efektibo lamang ang


pahayag kung sinabi o binigkas ito ng
tamang tao sa tamang pagkakataon, at
nauunawaan ng ibang tao kasali sa pag-
uusap.
 Dagdag pa niya, ang intensyon at
kalagayan ng pag-iisip (state of mind) ng
ispiker ay sekondaryo lamang ng gawain.
Speech-act theory
 Nagsimula ang speech-act sa pag-aaral ni John Austin, na
pinalawak at isinama sa linguistic theory ni John Searle.
 Samantala, ang pag-aaral naman ni Searle ay tumutugon sa
mahahalagang katanungang may kaugnayan sa imbentaryo at
klasipikasyon ng akto (acts) na alam ng tao at ang pamamaraan
na ang isang pahayag ay maaaring iugnay sa higit pang akto.
 Ayon sa kanya, upang maunawaan ang wika kailangang
maunawaan muna ang intensyon ng ispiker.
 Dahil ang wika ay isang intensyunal na behebyor, kailangang
ituring itong isang anyo ng pagkilos o akto.
 Ang akto ay ginawa ng ispiker na nagpahayag ng salita, hindi
ang salita. (words do not “mean”, people “mean”).
 Kung wala ang intensyon ng ispiker, imposibleng maunawaan
ang mga salita bilang speech-act.
Speech-act theory
 Sa impluwensya ng ordinaryong pilosopiyang
pangwika (ordinary language philosophy),
partikular ng Wittgentein’s theory of meaning as
use, dinibelop ni J.L Austin (1962) at ang huli,
Searle (1969) ang isang sistematikong tala ng
mga gawain o akto ng tao kapag nagsasalita.
 Sa lektyur ni Austin “How to do things with words”
ay sinabi niyang hindi ang mga indibidwal na
salita o pangungusap ang beysik na elemento ng
komunikasyong pantao kundi ang partikular na
speech-act na ginawa sa pagpapahayag ng salita
at pangungusap.
Speech-act theory
 May apat na uri ang Speech-act.
Sa elementarya ay itinuro na ang uri ng
pangungusap na naglalarawan sa perspektibo ng
speech-act.
Halimbawa:pagsasalaysay, pagtatanong,
pakikiusap at pag-uutos.
 Binigyang-diin ni Searle na ang mga ito ay
maaaring gumanap na speech-act.
 Upang maunawaan ang kahulugan, kailangang
matukoy muna ang intensyon ng ispiker.
halimbawa: Maaari mong sabihing “I wonder what
time is it.”
Speech-act theory
 Pagsusuri:
 Kapag narinig ito ng isang kaibigan maaari niyang isipin na
nagtataka(wondering) ka lamang – isang pagpapahayag.
 Kapag lumapit ka naman sa isang taong hindi mo kilala at sinabi ang
pahayag na ito, iisipin niyang nagtatanong ka.Ang salita ay napalitan
ng kahulugang “What time is it?”Sa kabilang banda, ang taong ito ay
mag-iisip naman na tila nakikiusap kang sabihin niya kung anong
oras na, at muling napalitan ang kahulugan, “would you please tell
me what time it is?”
 Ang pahayag na “Do you have time?” ay karaniwang sinasagot ng
oras hindi ng “mayroon” o “wala”.
 Ibig sabihin, nauunawaan natin na ito ay isang pakiusap na maibigay
ang oras, hindi isang tanong kung alam natin kung anong oras na.
 Kung naghihintay ka sa pagpapalit ng kulay ng stop light sa isang
tabi ng kalsada at sinabi ng isang pulis ang katulad na pahayag” I
wonder what time it is,” ano ang interpretasyon ninyo dito?
Speech-act theory

 Naniniwala si Searle na ang mga aktong ito ay


ang mga beysik na elemento ng kahulugan sa
komunikasyon.
 Hindi niya binigyang-diin ang mga simbolo o
senyales o salita o parirala, kundi ang yunit ng
wika na pinagsama upang bumuo ng speech-act.
 Ang speech-act ay maaaring isang salita gaya ng
“ano?”, parirala, “gaano kahaba?” o isang
pangungusap.
Klasipikasyon ng Speech-act
Speech-act theory

Halimbawa: Mahilig si Juana sa matamis.


Kahulugan:
a. nagbibigay ng impormasyon – hilig sa matamis
b. nagpapaliwanag – kaya mataba
c. nagmumungkahi – kung bibigyan ng regalo, huwag
maalat o maasim
d. nagbibigay-dahilan – kaya bungi
e. sumasalungat – hindi mahilig sa maasim o maalat
Speech-act theory

1.Utterance Acts – artikulasyon ng


linggwistikong elemento sa isang partikular
na kaayusang gramatikal – gaya ng pag-
vocalize ng mga mang-aawit ng “mi, mi, mi,
mi.” Hindi intensyon ng mang-aawit na
magbitaw ng anumang pahayag; nag-
eensayo lamang sila o di kaya’y tinitiyak
kung nasa kundisyon ang kanilang mga
instrumento gaya ng sa orkestra.
Speech-act theory

2.Propositional acts- pormulasyon ng


nilalaman ng pahayag sa pamamagitan ng
reference (hb.tumutukoy sa isang bagay sa
isang ekstralinggwistik na daigdig) at ang
predikasyon (atribusyon ng isang partikular
na mga katangian), hb. Ang kabuteng ito
(reference) ay nakakalason (predikasyon).
Speech-act theory

3. Illocutionary act – indikasyon ng kung paano


ang proposisyon ay kaugnay ng salita at ang
komunikatibong tungkulin ng speech-act,
halimbawa, isang pagtitiyak o pagbibigay ng
babala. Sa ilang pagkakataon, ang tungkuling
illocutionary ay eksplisit na ipinahahayag ng isang
performatibong pandiwa sa unang panauhan
isahan at pangkasalukuyan (I here by warn,
maintain, promise…). Sa ilang karaniwang
pagkakataon ang intonasyon, aksent, mood,
pang-abay, pang-angkop ay maituturing na
pananda ng illocutionary.
Speech-act theory

4. Perlocutionary acts – ginagawa nang may kabatiran


sa kung ano ang maaaring maging epekto ng akto sa
mga nakikinig. Samakatuwid, ginagamit ng ispiker ang
akto upang maglabas ng ilang behebyural na pagtugon
mula sa nakikinig. Halimbawa, kung nasa bahay ka ng
iyong kaibigan at sinabi mo ang pahayag na “Im
hungry”, gumagamit ka ng perlocutionary act upang
humingi ng pagkain. Kasama sa paggamit ng
perlocutionary act ang illocutionary act (nauunawaan ng
iyong kaibigan ang mga salita ay intensyunal na
ipinahayag at nakatuon sa kanya), propositional act
(ang koneksyon sa pagitan mo at ang nararamdamang
gutom), at utterance act (anumang isinaayos na salita
upang gumanap ng perlocutionary act, sa kasong ito,
“I’m hungry”.
Speech-act theory

 Mula sa apat na uri ng spech-act ay inilahad ni


Searle ang listahan ng tungkuling pangwika:
1. Commissives – mga pahayag na naglalahad
ng pangako na tutuparin ng tagapagsalita sa
hinaharap (hal. Panata, pangako, sumpaan,
pag-aalay, atbp).
2. Expressives – mga pahayag na naglalahad ng
personal na damdamin ng tagapagsalita tungkol
sa isang bagay (hal. Pasasalamat, pakikiramay,
pagbati, paninisi, paghingi ng paumanhin, atbp.)
Speech-act theory

3. Declarations- mga pahayag na naghuhudyat ng


panibagong kalagayan, pagkatapos maisagawa ang
paglalahad (hal. Pagbibitiw sa trabaho, pagbibigay-
sentensya sa nasasakdal, pagbibinyag sa sanggol,
atbp.)
4. Directives – mga pahayag na naglalahad ng mensahe
kung may nais ipagawa o ayaw ipagawa ang
tagapagsalita sa kanyang tagapakinig.
5. Representatives – pagpapatibay ng tagapagsalita sa
katotohanang taglay ng proposisyong inihayag (hal.
Pag-uulat, paglalahad ng reklamo, pag-aangkin ng
isang bagay, atbp.)

You might also like