Pagsulat NG Lathalain

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

PAGSULAT NG

LATHALAIN
(Feature Writing)
Ano nga ba ang lathalain?
Binigyang depinisyon ng
Econnect communication ang
lathalain bilang “pinakatampok na
artikulo sa isang peryodiko o
magasin”. Ang intensyon o layunin
nito ang nagpaiba rito sa
ordinaryong balita.
Sabi ni Tony Rogers (2012):
“Hard-news stories are typically an
assemblage of facts. Some are better-written
than others, but they all exist to fulfill a simple
purpose – convey information. Feature
stories, on the other hand, aim to do much
more. They conveys facts, yes, but they also
tell the stories of peoples lives. To do that,
they must incorporate facets of writing often
not found in news stories, ones that are often
associated with fiction writing.
Dalawa ang layunin ng lathalain:

1. Sabihin kung ano ang nangyari (state


the fact);

2. Bigyang-mukha ang katotohanan o


impormasyong ito (giving it a human
face).
Kagaya nga ng sabi ng E-Connect (2002):
“The feature may also interpret news, add
depth and color to a story, instruct or
entertain (nagbibigay – impormasyon hinggil
sa mga pangyayari, ideya o kaisipan o
sitwasyon ang balita. Pero mayroon pang
ibang ginagawa ang lathalain – maaari nitong
bigyang katuturan (interpret), magdagdag ng
lalim at kulay sa isang istorya, magturo, o
mang-aliw).”
Ibig sabihin may “lalim” ang
paglalahad ng lathalain ng mga paksa
o impormasyn hinggil sa mga
pangyayari kumpara sa balita.

Sabi pa ni Rogers(2012), may limang


sangkap ang lathalain: description,
quotes, anecdotes, at background
information.
Ano-ano ba ang uri ng lathalain?

1. HUMAN-INTEREST -
pakikihamok ng ordinaryong tao sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Halimbawa:

Paano nga ba nabubuhay ang isang


magbobote?
2. PERSONALITY FEATURE -
ordinaryong tao na mayroong kagila-
gilalas o kahanga-hangang katangian
o nagawa.

Halimbawa:

Isang ordinaryong guro na nakatuklas


ng bagong pamamaraan ng pagtuturo.
3. HOW-TO FEATURE -Paano nga ba
gagawin ang isang bagay.
Halimbawa:
Paano magluto ng embutido?
4. PAST EVENTS FEATURE-
(Historical Feature) Kasaysayan.
5. NEWS FEATURE- bahaging tao o
human side ng isang balitang malaki.
Halimbawa:
Demolisyon o dengue outbreak
Tips para sa magandang
INTRODUKSYON:

1.Tiyaking “kapani-paniwala” ang tauhang


inyong inilagay sa istorya. Ibig sabihin,
dapat na buhay at gumagalaw ang tauhan
sa inyong lathalain. Huwag MAG-
IMBENTO para hindi masakripisyo ang
inyong integridad bilang mamamahayag-
manunulat.
2. Gumawa ng magandang setting para
sa inyong istorya. Likhain ang
napakainam na tmosphere o kaligiran
sa inyong istorya. Ilarawan nang
mabuti ang umpisa ng mga
pangyayari o ang pinag-ugatan ng
inyong salaysay.
3. Maging malikhain sa pagsulat ng
inyong introduksyon sa pamamagitan
ng paggamit ng pananalitang angkop
na angkop sa inyong introduksyon.
Tips para sa magandang KATAWAN:
Sa katawan tinatalakay ang buong saysay ng
kuwentong inyong isinulat. Dapat manatili
itong “tapat” sa introduksyon. Ibig sabihin,
dpat masagot nito ang mga tanong o
matalakay nang husto ang paksang inyong
isinulat.
Upang maging mabisa ang pagsulat ninyo ng
pinakakatawan ng inyong lathalain, dapat
tandaan ang sumusunod na bagay:
1. Gumamit ng makukulay subalit hindi
naman napakatatayog na mga salita
(highfalutin words).

2. Manatiling nakapokus sa paksa.

3. Siguruhin ang coherence o ang


wastong pagkakabit-kabit ng mga
ideya.
4. Tiyaking hindi naman siksik n siksik
ang mga impormasyon para hindi
magsawa ang mga mambabasa. Sa
pagtalakay, mahalagang ilagay
lamang ang pinakanakauugnay
(relevant) o pinakamahalagang
impormasyon.
Tips para sa magandang
KONGKLUSYON:

Sa kongklusyon nilalagom ang buong


istorya at dapat itong magbigay ng
napakalakas na impresyon para hindi
malimutan ng mambabasa ang isinusulat
mo.
Tips para sa mabisang pagsusulat ng
lathalain:
1. Magpokus sa human interest; mahalaga ang
papel ng emosyon sa inyong isinusulat.
2. Maging malinaw kung bakit ninyo isinusulat
ang lathalain.
3. Magsulat sa “active voice”. Hangga’t maari,
gumamit ng mga pandiwa o verb na nasa
active voice o pangkasalukuyan.
4. Mahalaga ang accuracy o kawastuhan ng
mga datos o impormasyong ilalagay sa
5. Laging isaalang-alang ang inyong mambabasa
habang isinusulat ninyo ang akda. Ano ba ang
dapat nilang malaman at maramdaman?
Nauunawaan ba nila ang wikang ginamit ko?

6. Iwasan ang cliches o yaong gasgas na mga linya.

7. Makipagpanayam (interview) nang personal.


Iwasan ang email o kaya naman ay phone
interviews. Sa harapang pag-uusap kasi, mas
madedetalye mo ang damdamin at kulay ng iyong
paksa.
8. Gumamit ng mga quotation at anecdotes.
9. Iwasang mag-opinyon sa inyong istorya.
Taliwas sa sinasabi ng ibang “opinionated”
ang lathalain, hindi ganoon sa lahat ng
pagkakataon. Dapat na magsalita mismo ang
datos o ang taong pinapaksa ng inyong
sulatin.
10. Gumamit ng “multi-source” sa inyong akda
para sa kredebilidad ng inyong isusulat.
Subalit, takdaan ang sarili: ilagay lamang and
DAPAT ilagay.
11. Laging tiyaking tama ang inyong
bantas (punctuations), baybay
(spelling) at konstruksyon ng inyong
mga pangungusap.

12. Manatili sa tense o panahunan ng


inyong istorya.

13. Iwasan ang mahahaba at makakapal


na pangungusap.
Mga akdang ginamit:
• Barcelona. N.S. (2010). “Lathalain”.
PowerPoint Presentation.
• Rogers, T. (2012). “Five Key Ingredients
for Cooking Up Terrific Feature Stories
Use These Elements to Bring Your
Features to Life”. Retrieved July 27,
2012 from
http://journalism.about.com//od/writing/
a/featurecomponents/htm.

You might also like