Bantas Fil

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

MGA BANTAS

BANTAS

• Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbulo na


nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat
na wika, pati na ang intonasyon at paghintong
sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag
nagbabasa nang malakas.
TULDOK

• Karaniwang gamit ng tuldok (period) ang pananda


para sa pangwakas na pangungusap na paturol o
pautos.
HALIMBAWA:

• Maganda si Minda Limbo.


• Dumito ka.
• Lahat ng malalaki’t maliliit na hayop sa gubat na
iyon ay dumalaw kay Leon dahil may sakit ito.
MGA
GAMIT NG
TULDOK
SA PAGPAPAIKLI

• Ginagamit ang tuldok sa pagdadaglat ng mga


salita.
HALIMBAWA
• Nanguna sa pangangasiwa ng Ambagan 2013 ang
Filipinas Institute of Translation, Inc. ( Ang “Inc.” ay
daglat ng Incorporated. )
• Hindi nila kasama si Dra. Kriscell Labor sa
sasakyan. (Ang “Dra.” ay daglat ng Doktora. )
• Naging panauhing pandangal sa pambansang
summit si Sen. Bam Aquino. ( Ang “Sen.” ay daglat
ng Senador. )
• Lumipad na patungong Japan si Prop. Joey
Baquiran kahapon. ( Ang “Prop.” ay daglat ng
Propesor. )
• Sa mga liham madalas dinadaglat ang titulo sa
patunguhan.

Kgg. PURIFICACION G. DELIMA, PhD


Full-time Komisyoner
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 J. P. Laurel Street
San Miguel, Maynila
• Sa pangalan, ginagamit ang tuldok kapag inisyals
lamang ng gitnang pangalan ( at minsan, maging
ang unang pangalan ang isinusulat. Madalas makita
ang mga pangalan ng kalyeng nakasulat sa inisyals
abg una at gitnang pangalan.
HALIMBAWA:

• Sandor B. Abad
• Jomar I. Cañega
• L.A. Lopez
• J.P. Laurel Street
PAGLIISTA O ENUMERASYON

• Sa paglilista, naglalagay ng tuldok pagkatapos ng


numero/titik.
HALIMBAWA:

Tatlong Dimensyon ng Register


1. Field o Larang
2. Mode o Modo
3. Tono o Tenor
SA AGHAM AT MATEMATIKA
• Sa Matematika, ginagamit ang tuldok sa sistemang
desimal.
HALIMBAWA:
3.33 (halaga ng π)
5.25 sentimetro
4.623 (Pythagoras constant)
Sa Agham, madalas gamitin ang tuldok sa pagsulat
ng mga pangalang siyentipiko ng mga nilalang na
hayop o halaman.
HALIMBAWA:
R.Leonardi (daglat ng Rafflesia ang R.; specie ng
rafflesia na ipinangalan kay Leonardo Co)
D. Dugon (daglat ng Dugong ang D.)
RELASYON SA IBA PANG BANTAS
• May mga pagkakataong nakapaloob ang tuldok sa
iba pang bantas tulad ng panipi, panaklong, at
panakliw.
• Kung ang pangungusap (na tuldok ay nasa dulo) ay
tuwiramg sisipiin at magiging panimulang bahagi ito
bilang sipi sa ibang pangungusap, tinatanggal ang
tuldok.
HALIMBAWA:

• “Wala po akong kasalanan”, giit ng bata.


• “Napakahusay mo anak”, puri ng ama sa bunso.
• Samantala, pinananatili ang tuldok sa loob ng
panipi kung ang tuwirang sinipi ay nasa hulihang
bahagi ng pangungusap.
• HALIMBAWA:
• Iginiit ng bata na, “Wala po akong kasalanan. “
• May mga pagkakataong nakapaloob sa panaklong o
panakláw ang buong pangungusap. Sa mga
pagkakataong ganito, Ipinapasok sa loob ng
pangungusap ang tuldok.
HALIMBAWA

• Noong nakaraang buwan, lumipad patungong


Qatar ang kanyang ina. (Kabilang ang kaniyang ina
sa mga hinatiran ng tulong ng grupo upang
makapag-abroad.)
• Samantala, may mga pagkakataon ding bahagi
lamang ng isang pangungusap ang nakapaloob sa
panaklong o panakláw. Inilalagay sa labas ang
tuldok sa mga pagkakataong ganito sapagkat bahagi
pa rin ng pangungusap ang nasa loob ng panaklong
o panakláw.
HALIMBAWA

• Hindi makatanggi ang dalawa ng dalhin ng mga


pulis (sapagkat hindi na sila makatakas).
SA SANGGUNIAN

• Bukod sa tuldok sa dulo, ginagamit din ang tuldok


upang paghiwalayin ang mga detalye hinggil sa
awtor at pamagat ng aklat bilang isang lahok o entri
sa sanggunian.
HALIMBAWA

• Almario, Virgilio. Balagtasismo Versus Modernismo.


Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University
Press, 1984.
SA SANGGUNIANG ONLINE

• Ginagamit din ang tuldok upang paghiwalayin ang


mga detalye sa isang URL (Uniform Resource
Locator).
HALIMBAWA

• www.kwf.gov.ph
• http://www.ncca.gov.ph/
SA DIKSYONARYO

• Ginagamit ang tuldok bilang hudyat sa pagwawakas


ng lahok sa diksyonaryo.
HALIMBAWA
• kim•bót png [Tag War]: pakiramdam kapag
natutukso.
• ma•ka•ta•o png [maka+tao]: puno ng
pagmamahal sa pauwa tao Cf PILANTROPO:
HUMAN.
GITULDOK: ESPESYAL NA
URI NG TULDOK
• Ang middle dot na iminumungkahing tawaging
gituldok (gitnang tuldok) ay ginagamit sa
pagpapantig ng isang entri sa diksyonaryo at sa
pagbigkas ng mga hiram na salita.
HALIMBAWA
• charade (sya•réyd) png [lng] 1. laro ng pagpapahula
ng mga salita o pararila sa pamamagitan ng
aksiyong pantomima 2. lantarang pagkukunwari o
pandaraya.
• kim•bót png [Tag War]: pakiramdam kapag
natutukso.

You might also like