Ang pang-uring panlarawan ay nagsasaad ng laki, kulay, at hugis ng
tao, bagay, hayop, lugar, at iba pang pangngalan. Ang mga pang- uring panlarawan ay karaniwang nagsasaad ng mga katangian na napupuna gamit ang limang pandama (five senses). Nailalarawan din ng mga panguring panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng tao o hayop. Minasdan ni Maria ang kanyang sarili sa salamin na biluhaba. Iwasan mong kumain ng mga pagkain na masyadong matamis. Sa aking panaginip, hinahabol ako ng isang nakatatakot na halimaw. Ipinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang mabubuting anak. Malubha ang karamdaman ng matandang pulubi Pang-uring Pamilang Pang-uring Pamilang Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan. Mayroong isang lalaki na kumakatok sa pinto Ako ang ikatlong mag-aaral na napiling lumahok sa paligsahan Kalahating mangkok ng kanin lang ang kinain ni Carlo. Bibilhin mo ba ang limampung libong pisong alahas? Animan ang mga estudyante sa bawat kuwarto ng dormitory Salungguhitan ang mga pang-uri sa pangungusap. 1.Si Delia ang babaeng nakasuot ng pulang bestida. 2.Bumili ako ng limang itlog sa tindahan 3.Nakamit ni Jason ay unang gantimpala sa paligsahan sa pagguhit 4.May siyamnapung porsiyentong posibilidad na pag-ulan sa rehiyon ng Bicol ngayon. 5. Nakatanggap ako ng sandaang pisong load kahapon Pangkatang Gawain: Sa pamamagitan ng anuman sa ipinagmamalaki ng inyong barangay o lungsod, ilarawan ito at ilahad sa harap ng klase na ginagamitan ng mga pang-uri. (bawal magkapareho) Magsulat ng mga pagdiriwang (5) sa bansa at ilahad kung papaano ito isinasagawa. Ito ay gagamitan pa rin ng pang-uri. Bilugan ang mga pang-uring panlarawan at salungguhitan ang mga pang-uring pamilang. 1.Lilimang mag-aaral lamang ang pinayagan na pumunta sa lakbay-aral 2.Mainit pa ang bagong saing na kanin ni Inay. 3.Si Rodrigo Duterte ang ika-labing anim na pangulo ng Pilipinas. 4.Tanggapin mo sana ang aking munting regalo 5. Maganda ang batang si Yesha.