Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ANG SARVEY-

KWESTYONEYR
Kabanata V
Ang Sarvey-Kwestyoneyr

■Ang sarvey ay isang malawakang


paraan sa pagkuha ng mga datos o
inpormasyon sa isang deskriptibong
pananaliksik. Madalas itong gamitin
sa pagsusuri ng kalagayan ng lipunan,
pulitika, at edukasyon.
Ang Sarvey-Kwestyoneyr

■ Gamitin din ito sa pagkuha ng


prefresensya, pananaw, opinyon,
damdamin, paniniwala ng isang partikular
na sampol ng mga respondente na
kumakatawan sa kabuuang populasyon
ng isang pangkat.
Ang Sarvey-Kwestyoneyr

■ Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng


pagpapasagot sa mga respondente ng
inihandang kwestyoneyr o di kaya’y sa
pamamagitan ng pagtawag sa telepono o
personal na pakikipag-usap sa mga taong
kaugnay sa nasabing pananaliksik.
Good (1963)

■ ang kwestyoneyr o talatanungan ay


listahan ng mga planado at pasulat na
tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa,
naglalaman ng mga espasyong
pagsasagutan ng mga respondente at
inihanda para sasagutan ng maraming
respondente.
(Calderon at Gonzales, (1993).

■ ang kwestyoneyr ay isang set ng mga


tanong na kapag nasagutan nang maayos
ng kailangang bilang ng piniling
respondente ay magbigay ng mga
inpormasyong kailangan upang
makumpleto ang isang pananaliksik.
ADBENTAHE AT
DISADBENTAHE NG
KWESTYONEYR
KABANATA V
Adbentahe ng Kwestyoneyr
■ Ang distribusyon nito ay madalli at hindi magastos.
■ Ang mga sagot ng mga mga respondente ay madaling
itabyuleyt.
■ Ang mga sagot ng mga respondente ay malaya.
■ Maaring magbigay ng mga kunfidensyal na impormasyon
ang mga respondente.
■ Maaring sagutan ng mga respondente ang kwestyoneyr sa
oras na gusto nila.
Disadventahe ng Kwestyoneyr
■ Hindi ito maaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat
o mga ilitereyt.
■ Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang
respondente ang kwestyoneyr. Mangangailangan pa ito ng
pagpapaalala o follow-up ng mananaliksik.
■ Maaaring magbigay ng maling impormasyon ang respondente,
sinasadya man o hindi.
■ Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem
ng kwestyoneyr.
■ Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang ilang katanungan
sa kwestyoneyr.
■ Maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliang-sagot ng mga
respondente at ang kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian.
Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr
■ Simulan ito sa isang talata ang magpapakilala sa
mananaliksik, layunin ng pagsasarvey, kahalagahan ng
matapat at akyureyt na sagot ng mga respomdente,
takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik
ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti,
pagpapasalamat, at iba pang makatutulong sa paghikayat
sa respondente ng koopersasyon.
■ Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
■ Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa
kwestyoneyr.
■ Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
■ Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr
■ Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng
pananaliksik.
■ Iayos ang mga tanong sa lojikal na pagkakasunod-sunod.
■ Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga
konfidensyal na sagot o mga nakahihiyang impormasyon.
■ Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na
tanong.
■ Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay
lamang. Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga
pagpipilian.
■ Panatilihing anonimus ang mga respondente.
Sanggunian

■ http://wennchubz.blogspot.com
■ Source:
■ Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.
2006. Kritikal naPagbasa at
■ Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Valenzuela City: Mutya Publishing
Hiuse Inc.
ELIERON APARENTE ROSILLO

■MARAMING
SALAMAT PO!

You might also like