Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

LS5: 

UNDERSTANDING 
THE SELF AND 
SOCIETY 

1: Self-awareness: Learning to
Know Oneself
Sariling Kamalayan
(Self­awareness)
May kakayahan ang tao na magnilay o gawing obheto ng
kaniyang isip ang kaniyang sarili. Dahil dito, alam niya na alam
niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran
dahil sa kaniyang kakayahan na pagisipan ang kaniyang sarili.
Halimbawa, itinuturing ng isang guro bilang kaniyang mundo ang
anumang tao o bagay na may kaugnayan sa kaniyang pagtuturo,
tulad ng mag-aaral, banghay-aralin, pisara, at silid-aralan.
Samantala, walang mundo ang hayop dahil lagi niyang dala ang
kaniyang kapaligiran sa kaniyang organismo.
Ang taong may kamalayan sa sarili ay may pagtanggap sa kaniyang
mga talento na magagamit niya sa kaniyang pakikibahagi sa
mundo - halimbawa, sa paaralan o sa lugar kung saan siya
nakikisalamuha sa mga tao. Dito nanggagaling ang positibong
pagtingin niya sa sarili. Ito ang nagpapatibay ng kaniyang
kalooban sa pagtugon sa kaniyang bokasyon at tunguhin sa buhay
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pag-iisip, napauunlad niya ang
kaniyang kamalayan sa sarili. Malaki ang kakayahan niyang
ilarawan at bigyang-kahulugan ang mga imahe at palatandaan ng
kalikasan, kilos, at mga panaginip. Nakatutulong ang mga ito
upang mabantayan at mapaghandaan niya ang mga sitwasyon sa
buhay lalo na ang mga hindi kanais-nais.
Tandaan:

SARILING KAMALAYAN o SELF-AWARENESS

Ito ay ang pag alam ng iyong sariling ugali,


nararamdaman, adhikain, at iyong mga kakayahan.
“SARILING KAMALAYAN AT 
TAGUMPAY”
Source: https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga/20180724/281595241322447

“Kamalayan at tagumpay” ano ba ang kamalayan?


Kamalayang inuukit ng panahon, kamalayang
hinihubog ng oras at gunita, kasama ng ating araw-
araw na pamumuhay, sa oras-oras ng ating paggalaw
at pag-iisip, sa panahong tayo ay nasa ulirat o sa
pagkakahimbing ng ating tulog. Kamalayang ating
ginagalawan mula ng tayoy matutong mag-isip,
paglawak ng ating pagkaunawa, pagkatuto sa
paaralang ating pinapasukan maging sa ating
pamumuhay sa lansangan man o sosyedad na meron
ang ating palagid.
Tagumpay? Papano ba nating ihahambing ang
tagumpay? Sa mga nakaraan, pangkasalukuyan o sa
mga darating pang araw at panahon? Ito ay salitang
may pangangahulugan sa ibat-ibang aspeto ng PAANO,
ALIN, ANO AT KAILAN? Ito ba ang tagumpay … na
nakatapos ka ng pag-aaral mula sa mababang paaralan
hanggang sa mga Universidad? Ito ba ang nakakuha ka
ng medalya o pagkilala o wala sa mga ito.
Ang tagumpay ba ay ang nakakuha ka ng mga parangal o
posisyon sa trabaho mo? Ito ba ang laki ng negosyong sinimulan
mo sa maliit? Ito ba ang mamili ka ng sitwasyong mahirap o
madali? Ito ba ang binigyan mo ng mahalagang oras o hindi? Ito
ba yung crush mo na naging crush ka din? Ito ba ang sinagot ka
ng nililigawan mo ng oo? Ito ba yung bilang kaibigan na
tinulungan ka? O ito ang BUHAY at KAMATAYAN? Sa panahong
ini-isip mo ang tagumpay sa pagkakamura ng iyong idad at sa
isip marahil ay isang mansion at bilang ng salapi sa iyong banko
ang tumitimo sa mura mong isip… ano bang yaman ang itatapat
mo na di mabibili ng salapi o kahit pa ng ginto o sa pinamahal na
hiyas? Paano mo ito gagawin sa anong paraan at aling
pamimilian?
MGA ANGKOP AT INAASAHANG
KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON
NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?


Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin
nitong mga nagdaang araw? Marahil napapansin
mo na ang malaki mong pagbabago mula noong
ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya.
Marami ka ng ginagawa noon na ayaw mo ng gawin
ngayon. At maging ang mga tao sa iyong paligid ay
napapansin mong nag-iiba na ng kanilang paraan
ng pakikitungo sa iyo.
Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata; minsan naman ay
sinasabing dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa
yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting
pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng
buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng
pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala
ang sarili, napakarami mong kailangang maunawan tungkol sa
yugtong ito.
Gawain 1

Panuto: Sa iyong kuwaderno, itala ang mga positibong pagbabagong


napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat
bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Pagkatapos,
gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay
nagpapakita ng mga kategoryang ito. Idikit ito sa kuwaderno. Sundin
ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa
unang kategorya.
Halimbawa:
a. Pakikipag-ugnayan sa mga
kasingedad
1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa
mga kapwa babae/lalaki.
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga
malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang
opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na
kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga
kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa
paaralan
Gawain 2

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat


ang mga pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa
hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong
ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.
Gawain 3
Sa iyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing 
na iyong ginawa. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?


2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili
bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang
nagdadalaga/nagbibinata?
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong
paraan?
5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito?
Sa paanong paraan?
6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?
Paglinang ng mga Kaalaman, 
Kakayahan at Pag­unawa

Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad


bilang isang nagbibinata/ nagdadalaga. Ang mga ito ay
tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring
ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman
ay hindi mo dapat gawin.
Mga Palatandaan ng Pag­unlad sa 
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata 
sa iba’t ibang aspeto:

• Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at


pakikipagtalakayan
• Mas nakapagmememorya
• Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
• Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng
PANGKAISIPAN
sariling pag-iisip
• Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
• Nahihilig sa pagbabasa
• Nangangailangan na maramdamang may halaga sa
mundo at may pinaniniwalaan
Mga Palatandaan ng Pag­unlad sa 
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata 
sa iba’t ibang aspeto:

• Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga


magulang
• Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng
pagtingin o pagmamahal
• Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang
magulang; nagiging rebelde
• Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya
PANLIPUNAN
• Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang
pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian
• Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian
ang mga babae kaysa mga lalaki
Mga Palatandaan ng Pag­unlad sa 
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata 
sa iba’t ibang aspeto:

• Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga


nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang
mga ikinagagalit
• Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,
marka sa klase, at pangangatawan
PANDAMDAMIN • Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa
mga tinedyer
• Nagiging mapag-isa sa tahanan
• Madalas malalim ang iniisip
Mga Palatandaan ng Pag­unlad sa 
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata 
sa iba’t ibang aspeto:

• Alam kung ano ang tama at mali


• Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa
ng pasiya o desisyon
• Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
• Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng
MORAL kapwa
• Hindi magsisinungaling
Video: Ang Pagbabago

You might also like