Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

IKALAWANG MARKAHAN

GNG. SHEENA S. GREGORIO


IKALAWANG MARKAHAN:

Aralin 1
Panitikan: Mga Awiting-bayan at Bulong
Gramatika : Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Aralin 2
Panitikan : Alamat ng Bundok Kanlaon sa Negros Occidental
Gramatika : Mga Pahayag sa Paghahambing
Aralin 3
Panitikan : Patria Amanda (1916) (Dula mula sa Cebu)
Gramatika : Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat
Aralin 4
Panitikan : Labaw Donggon (Epiko mula sa Iloilo)
Gramatika : Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay
Aralin 5
Panitikan : Ang Habilin ng Ina (Maikling Kuwento mula sa Iloilo)
Gramatika : Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Magtatawag ng ilang mag-aaral upang ipaliwanag ang
kanilang Art Plate tungkol sa kanilang nalalaman sa mga
tradisyon at kultura ng Kabisayaan
Ano ang iyong masasabi sa mga larawan?
AWITING-BAYAN

- ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma. Subalit
kalauna’y nilapatan ito ng himig upang maihayag nang paawit at mas madaling
matandaan o masaulo.
- Pasalitang pagpapahayag ito ng damdamin ng mga katutubo. Naglalaman ng pangaral
at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa kabataan
kaugnay ng mga dapat ikilos at gawin. May iba’t ibang uri ito batay sa sitwasyon o
layunin ng pagkakabuo nito.
KUNDIMAN- ang panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig. Nagsasaad ito ng kabuuang
mga damdamin at mga saloobing ipinangangako ng pag-ibig. Halimbawa: - Balitaw

DIONA o IHIMAN- ang awiting-bayan sa kasal

TALINDAW- inaawit habang namamangka at habang nagsasagwan

SOLIRANIN- awitin sa paggaod


OYAYI o HELE- ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng sanggol. Kalimitang ang mga awiting
ito ay walang kahulugan, inaawit lamang sa isang malambing na himig upang makatulog ang
isang bata. Sadyang nakaaantok ang oyayi dahil halos iisa ang tono, at paulit-ulit ang liriko.

KUTANGKUTANG- Awit ng lansangan na pampaalis ng pagod, may layuning magpatawa,


magpasaring, o manukso. Maaaring ang himig nito ay luma ngunit ang liriko nito ay makabago
na nanunudyo. Maaari itong awitin bago magtrabaho, habang nagtatrabaho, o pagkatapos ng
trabaho o kaya’y nagpapahinga na.
KUMINTANG o TIKAM- awit ng pag-ibig sa bayan. Tinatawag din itong awit sa pakikidigma.
Ito ay nagtataglay ng malungkot na himih, at karaniwang inaaawit sa saliw ng biyolin at
gitara at nagmula raw sa Balayan, Batangas.

DALIT o IMNO- awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat sa Diyos, sa mga santo
at santa ng mga katoliko

TINGAD– Awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho.


SAMBOTANI – Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban
DOPAYINIM – Awit sa pagdiriwang sa pagtatagumpay sa isang labanan
DOLAYANIN at INDOLANIN – Awit panlansangan
TINGUD – Awit pantahanan
UMBAY – Awit panlibing
OMBAYI- Isang malungkot na awit
OMIGUING – Isang malambing na awit
PANGKATANG GAWAIN: mga Awiting Bayan

(Si Filemon, Ili-ili Tulog Anay, Dandansoy, Ay Kalisud,


Lawiswis Kawayan)
BULONG

- ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga


sinaunang tao sa Pilipinas. Isang panalangin ang bulong
na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang
pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga
pangyayari sa buhay na maaaring magtadhana ng
kapalaran. Binubuo ng ilang taludtod at ginamit upang
hingan ng paumanhin ang mga lamang-lupa, tulad ng
duwende at espiritung hindi nakikita.
- Ginagamit bilang pagbibigay galang o pagpapasintabi sa
mga bagay o pook na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga
lamang lupa, maligno o makapangyarihang espiritu upang
hindi sila magalit at manakit. Bukambibig ito ng matatanda
lalo na sa mga lalawigan.
- Iniuusal (sinasambit) upang magamit sa paggagamot tulad
ng ginagawa ng mga magtatawas sa napaglaruan ng
lamang lupa o namaligno.
- Ginagamit sa pagsumpa; kapag ang tao’y nadulutan ng
sama ng loob ang isang kaaway. Sa lihim ay hindi
maganda ang maidudulot nito sa taong paggagamitan
nito.
- Ginagamit ding pansumpa ang mga bulong. Ang
kaalaman na ito ay lihim na itinuturo at isinasalin lamang
sapagkat kapag hindi marunong ang napagsalinan at
nawawaln ito ng bias.
Halmibawa ng bulong:
“Tabi Tabi po”
“Makikiraan lang po”
“Puwera usog,”
“Patawad po,”
At iba pang mga bulong na ginagamit ayon sa kaniya
kaniya nitong layunin tulad ng pagkulam at
panggagamot.
PANG-GRAMATIKA

Antas ng Wika Batay sa Pormalidad


Balbal – Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang pinakamababang antas ng
wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay karaniwang likha

Mga Halimbawa: lespu, ermat, erpat boga, puga, toma. Dito din nabibilang ang mga
salitang jejemon, at ang mga ibang nauusong salita tulad ng “lodi”, “werpa”, at
“petmalu”.
Kolokyal – Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap. Karaniwang may palit koda (code switching) o
halong koda (mixed switching) na ibig sabihin pinaghahalo sa pagsasalita o
pagsulat ang Filipino at Ingles.

Mga Halimbawa: pinoy, titser, p’re, te’na


Lalawiganin o Diyalektal– Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang lalawigan.
May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang salitang lalawiganin na
nagkakaroon ng ibang kahulugan. Mga

Halimbawa:
mabanas (mainit ang panahon) – Laguna
kadyot – sandali lang – Visayas
Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.
Mga Halimbawa:
Disiplina:
(Information technology) Google Internet Basher Mouse Instagram Windows Chat
Facebook Yahoo
(Ilang Salitang Ginagamit sa Bangko Kaugnay ng Sitwasyong Pag-iipon) Account
Current Savings Checking ATM Withdrawal
Pampanitikan – Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng akdang pampanitikan kabilang dito ang matatalinghagang salita at
pahayag na nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
Mga Halimbawa:
mahal na tao, mahabang dulang, nakabibinging katahimikan, kisap mata,
nalalagas ang dahoon, nagpupuyos sa galit

You might also like