BIONOTE

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BIONOTE

Parang isang anyo rin ng charater sketch ang bionote o


pagpapakilala sa sarili. Isa itong anyo ng sulatin na
pumapaksa sa sarili o sa ibang tao, maikli lamang, at
karaniwang may tonong pormal. May iba’t ibang
sitwasyong nangangailagan ng bionote. Ilan dito ang mga
sumusunod:
Para ipakilala ang may-akda ng isang aklat o artikulo sa
isang journal.
Para ipakilalaang isang natatanging indibidwal sa isang
aklat na pang-general reference tulad ng encyclopedia.
 Para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang kumperensiya o seminar.
 Para ipakilala ang isang panauhing pandangal sa isang pormal na pagtitipon.
 At para ipakilala ang isang natatanging indibidwal na bibigyan ng parangal.
Ilan lamang ito sa mga posibleng konteksto o dahilan para sumulat ng isang bionote. Sa
bawat konteksto, iba-iba ang magiging nilalaman at estilo nito.
Halimbawa:
Si Eilene Antoinette G. Narvaez ay isang mananaliksik at tagasalin. Nagtapos siya ng
MA Pilipinas (Pagpaplanong Pangwika) sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas ng UP Diliman. Isa rin syang mananaliksik sa UP Sentro ng Wikang Filipino.
Aktibo rin siyang kasapi ng Filipinas Institute of Translation, isang samahang
nagtataguyod ng pagsasalin at iba pang gawain para palaganapin ang wikang pambansa.
Kamakailan lamang ay inilunsad ang kaniyang aklat na nakabatay sa kaniyang tesis---
ang Sawikaan:Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon (2015) na inilathatang
Komisyon sa Wikang Filipino.
Ikawalang halimbawa, sa pagpapakilala naman ng isang
indibidwal para sa isang pang-general reference na aklat,
mahalaga ang komprehensibong listahan ng mga impomasyon
na magpapakilala sa indibidwal upang maging kapaki-
pakinabang ang bionote sa iba’t ibang sitwasyong
paggagamitan nito. Halimbawa, maraming mababasang
halimbawa ng bionote sa CCP Encyclopedia of Philippine Arts.
Ang sangguniang ito na inilathala noong 1994 ay naglalaman
ng mayamang impormasyon tungkol sa iba’t ibang anyo ng
sining. May 10 sayaw, dulaan, arkitektura, sining biswal, at pelikula.
May dalawang bolyum din tungkol sa iba’t ibang grupong pangkultura sa
Pilipinas. Isa sa mga seksiyon sa bawat bolyum ng encyclopedia ay
naglalaman ng mga bionote tungkol sa mga artista at iskolar ng sining.
Ang bawat bionote ay naglalaman ng mga sumusunod:
 1. Personal na impormasyon
a. Petsa ng kapanganakan
b. Lugar ng kapanganakan
c. Kategoryang kinabibilangan (kung artista, direktor., manunulat, pintor,
mananayaw, at iba pa)
d. Magulang
e. Iba pang kaanak na nasa larang ng sining
 2. Mga Natapos sa pag-aaral
 3. Mga Natapos na training-workshop
 4. Mga likhang sining
 5. Mga natamong pagkilala at gawad
 Ikalawang halimbawa, sa bionote na nagpapakilala sa tagapagsalita sa isang
kumperensiya o seminar, kailangang maikli rin lang ito at naglalaman ng
mga impormasyong magpapahiwatig na eksperto ang tagapagsalita sa
paksang kaniyang tatalakayin. Ang bionote ay binabasa bago magbigay ng
presentasyon ang tagapagsalita. May pagkakataon na ang pagpapakilala ay
napakahaba. Ang biruan nga, mas mahaba pa ang pagpapakilala kaysa sa
mismong presentasyon ng tagapagsalita. Iyon ay dahil sa ang lahat ng
nabasa ng tagapagpakilala sa biodata ng tagapagsalita ay isinasama sa
pagpapakilala. Hindi dapat mangyari ang gayon. Kailangan maging
selektibo at banggitin lamang ang mga angkop na impormasyon tungkol sa
tagapagsalita.

You might also like